Chapter 5

232 5 0
                                    

Dhine's Note:

Yung kanta po  ni Ashie for GJ,  nasa gilid. :))

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Chapter 5

''Band vocalist pa lang akong nung maging kami ni Marjorie. Masaya pa kami lagi noon. But nung nagstart akong mag-artista, dun na din nagsimula ang problema. Palaging may nakasunod sa aming press at fans kapag magkasama kami. The night before the tragedy ay dinala ko siya sa isang magandang lugar kung saan may privacy kaming dalawa. Pero hindi ko namalayan na hanggang dun ay nasundan pa rin nila kami.''seryosong nakikinig lang si Ashie sa aking kwento.

''Sa inis ko ay pinasakay ko si Marjorie sa kotse ay nagdrive ng sobrang bilis para lang makatakas sa kanila. Ngunit sa sobrang bilis ng pagmamaneho ko ay di ko napansin ang isang van na papasalubong sa amin. Ang tili lang ni Marjorie ang huli kong narinig bago nawalan ng malay.'' patuloy ko pa.

''Sa ospital ko na nalaman na dead on the spot daw si Marjorie dahil sa isang malaking bakal na tumusok ra kanya. Nakita daw ng mga pulis na nakayakap siya sakin at wala nang buhay. Sa akin pala talaga dapat tatama yung bakal na pumatay sa kanya.''

''Sinisi ko talaga ang aking sarili, trabaho, at higit sa lahat ay ang lahat ng press at fans na ayaw akong tantanan. Kaya naman, simula nun ay never na akong nag-entertain ng press at fans ko. Tanging ang manager ko nalang ang nakikiharap sa kanila.'' pagtatapos ko sa aking kwento.

*******

Hindi ko alam kung bakit parang nabunutan ako ng malaking tinik sa aking dibdib matapos kong ikwento kay Ashie ang nakaraan ko.

Napansin ko namang parang naluluha si Ashie.

''Hey Ashie, please don't cry. Don't get too much affected sa kwento ng buhay ko. It's just a part of my past now. Please, i don't wanna see you crying.'' pakiusap ko sa kanya.

''Ikaw naman kasi. Pinapaiyak mo na nga ako sa TV, pati ba naman sa totoong buhay kayang-kaya mo pa din akong paiyakin.'' iyak-tawa niyang sabi.

''Ikaw talaga ang # 1 fan ko ha. Halika nga dito.'' sabay akbay ko sa kanya.

Mabuti na lang at nakilala kita Ashie...

*****

Ashie's POV

Kasalukuyang nasa harap ako ng mansyon nila GJ. Nag-aalangan pa akong pumasok dahil baka parte lang ng mga panaginip ko ang nangyari kagabi.

''Oh, hija. Nandyan kana pala. Pumasok ka na rito at kanina ka pa hinihintay ni Sir GJ.'' sabi ni Manang Simang na naglabas ng mga basura.

Agad naman akong pumasok sa loob, ''Eh, bakit daw po ako hinahanap Manang Simang?''

''Hindi ko alam e. Puntahan mo na lang dun sa pool.''

Dali-dali kong kinuha ang mga panlinis at nagtungo na sa pool kung saan naroroon daw si Sir GJ.

Natulala naman ako nang makita ko sa pangalawang pagkakataon ang malaking katawan ni Sir GJ. At sa pagkakataong ito ay natititigan ko na siya.

Para tuloy kumakanta ang mga anghel sa langit habang nakatingin sa akin...

***

Langit ka, lupa ako.

Hanggang tanaw na lang ba tayo?

Mahal kita, mahal mo ba ako?

Hanggang pangarap na lang ba ito?

Kaya kong gawin,

ngunit di kayang sabihin.

Ang pag-ibig ko,

sana'y mapansin.

***

''Hey, Ashie? Ok ka lang? Masama ba ang pakiramdam mo?''

At natauhan akong bigla sa pagsasalita ni GJ.

''Ha? Ah, eh... Oo. Ok lang ako.'' 

Masama lang ang tama ko sayo-- gusto ko pa sanang idugtong.

''Are you sure?'' tanong niya ulit.

Tumungo lang ako.

''Kung ganon, tara swim tayo!'' nakangiti niya pang yaya sakin.

''Hindi po pwede Sir GJ. Hindi pa po ako nakakapaglinis e.'' tanggi ko.

''Ashie, just call me, GJ. Saka, remember? Ako ang boss, walang ibang magagalit kung hindi ka man makapaglinis ng isang linggo.''

''Pero...''

''Wala nang pero, pero. Come on, let's swim!'' at binuhat niya pa ako pababa ng pool.

''GJ, ibaba mo ko! Nakakahiya!'' sigaw ko.

''Haha. Huwag kang mag-alala. Just enjoy this moment. Saka ikaw lang naman ang nag-iisang friend ko dito e.'' sabi niya pagkababa sakin sa pool.

Hindi na ako nakaimik pa.

At tulad nga ng sinabi niya, nag-enjoy na lang ako sa bawat sandaling kasama ko si GJ--

ang lalaking pinapangarap ko.

Ikaw Lang Pala [KathNiel] (Ongoing Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon