Chapter 9

192 5 1
                                    

Chapter 9

Nang mahanap ko na ang room 104 ay dire-diretso akong pumasok.

''Ehem. Good morning, Miss Mojica.'' bati ng professor na sa aking palagay ay si Miss Marianne.

''Morning.'' maiksi kong tugon.

''Ah, class she's Miss Kimberly Anne Mojica, your new classmate. Miss Mojica, please introduce yourself.''

''Where's my seat?'' sa halip ay tanong ko.

''Ah, Tutal nagdrop na yesterday ang katabi niya, Miss Mojica please sit beside Mr. Jackson.''

Nagtungo na ako sa direksyon na itinuro ni Miss Marianne.

At...

OMG! (O.O)

Na-starstruck ako bigla!

Si GJ ba talaga to?

''Oo, tama ka. Wag ka nang mabigla. Si GJ Jackson nga yan. Fan ka rin?'' sabad ng isang lalaking...

Argh! Yung kaaway ko pala!

At sa likuran ko pa siya nakaupo?!

Ayts. Kung hindi ko lang katabi si GJ, magpapalipat talaga ako ng upuan e!

Inirapan ko na lamang siya at umupo sa tabi ni GJ.

*****

Hindi naman ako nakapagfocus sa klase dahil hindi pa rin ako maka-get over sa pagka-hypnotize kay GJ.

Kahit kasi marami na rin akong nakitang artista ay iba talaga ang tama ko sa GJ na to.

Sa totoo lang ay super duper idol ko talaga siya. Dahil sa bukod sa gwapo na siya, e super nakaka-inlove din ng boses niya! *.*

Pero ngayon ay parang WALEY naman ang beauty ko sa kanya dahil hindi man lang niya magawang sulyapan ako ng kahit saglit.

Ako na ba ngayon si Girl Waley? :/

******

Krrriiiiiiinnnngggg!!!

Sa wakas! Breaktime na!

Kimberly Anne, it's your time to shine! :D

Magpapakilala na sana ako kay GJ. Pero bigla akong nadissapoint nang makita ko siyang kausap yung babaeng katabi kanina ng kaaway ko.

Pero speaking of kaaway, hanggang ngayon nga pala hindi ko pa rin alam yung pangalan nung bwiset na lalaking yun.

Anyways, wala naman akong pakialam sa kanya.

''Ano ka ngayon ha?! NGANGA!!!'' 

O.o

ayts.

Speaking of the devil.

Ayan na naman siya.

EPAL TALAGA!!! :/

''Akala mo siguro hindi ko napapansin na kanina pa ang pa-cute mo sa GJ na yan noh?! Hahaha. Hindi ka na papansinin nun, kaya Ashie na yun e. Bleehh!'' nang-asar pa ang damuho.

''Hmp!'' inirapan ko na lamang siya.

He's getting into my nerves na talaga!

Argh. >.<

''Mabuti pa, sakin ka nalang sumama. Alam mo kasi, naniniwala ako sa kasabihang KEEP YOUR FRIENDS CLOSE, AND YOU ENEMIES CLOSER. Tara, tutal naman ay hindi na rin naman kami nagkakasama ng bestfriend ko, pagtityagaan nalang kita.'' at inakbayan pa ko ng mokong.

Ikaw Lang Pala [KathNiel] (Ongoing Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon