Chapter 7 - Lovers (?) Quarrel

3.4K 184 32
                                    

"A sincere apology has three parts: first one is 'I am sorry' then next one is 'It is my fault' and the last one is 'What can I do to make it right?'"

Sophia's POV

"Zen, pang labing anim mo na yan a, pag di mo pa tinigilan yan kakasundot sa tagiliran ko, tatamaan ka na talaga sa akin." banta ko kay Zen na kanina pa ako kinukulit. Kung wala lang kami dito sa lab building ngayon malamang kanina ko pa nabatukan tong si Zen, ayaw akong tigilan e ang lakas ng kiliti ko kaya sa tagiliran.

"Ang init ng ulo mo ngayon ha? Saka girl kanina ko pa or should I say kanina pa namin kasi napapansin na tinutunaw ka na ni Doc Alexandrine ng tingin. It looks like may gusto siyang sabihin pero hindi lang siya makakuha ng bwelo. Try mo kayang i-approach si doc." suhestiyon ni Zen.

Oo, nandito ngayon si Alexa sa may reception area. Nagtext kanina sa akin si Alex which is hindi ko alam kung kanino niya nakuha ang number ko, sabi niya sa text na hindi pa daw formally nag start ang pinapagawa ng Dad nila dahil magpapaheld pa daw to ng meeting bago ma-implement yon rotation plan ng mga resident doctors kaya ewan ko ba kung anong masamang hangin ang nalanghap nito at dito pa niya naisipan tumambay at ang siste hindi man lang nahiya na magpakita sa akin pagkatapos niya akong pagsalitaan ng masasamang bagay kahapon.

Eto pa ha, kanina pa ako di komportable sa kinauupuan ko, paano ba naman kasi simula pagdating niya dito hindi na niya inalis ang tingin sa akin. Nakakainis, nacoconscious ako and at the same time kinakabahan pati yon puso ko na sa abnormal rhythm na rin ang pagtibok. Ang sarap niyang batuhin ng cotton balls.

"Ikaw na lang kumausap tutal ikaw ang nakaisip." walang gana kong sagot.

"Nangangamoy LQ." malakas na wika ni Zen kaya napatingin tuloy sa amin yon ibang staff ng masama. Ngumiti na lang ako ng pilit at yumuko para humingi ng dispensa. Ano ba yan, malalagot kami nito kay Chief mga alagad pa naman niya yon ibang kasama namin dito sa reception. Pakipaalala sa akin na kukutusan ko tong si Zen mamaya.

"Huwag ka ngang maingay diyan Zen baka isumbong pa nila tayo kay Machine gun at saka pinagsasabi mong LQ, hindi kami lovers ng doktor na yan. Q lang ang meron kami walang L, gets?" bulong ko sakanya at bumalik sa pagroroll ng cotton balls, wala kasi kaming patient e buti nga di kami toxic ngayon, kunsabagay Sunday kasi.

"Oh edi inamin mo rin na may hindi kayo pagkakaunawaan. Kung ano man yan pag usapan niyo kasi. Alam mo bang bihira lang talaga pumunta yan si doc dito sa Lab building?" tanong ni Zen. Oh e ano ngayon kung bihira lang siya pumunta dito wala akong pakialam.

"Ayoko nga siyang kausapin at wala din akong pakialam kung bihira lang siya pumunta dito sa Lab building." masungit kong sagot kay Zen.

"Ay nako Sophia, ang ibig ko lang naman sabihin ay nag eeffort yon tao para kausapin ka. May hindi kayo pagkakaunawaan diba? So, meaning nandito siya para mag sorry at mag explain na rin siguro. Pakinggan mo kaya muna siya bago ka mag inarte diyan." suhestiyon naman ni Zen saka siya tumayo at linapitan ang kinaroroonan ng paksa ng usapan namin.

Nakita ko sa gilid ng mata ko na nag uusap sila ni Zen at nakita ko rin kung paano ngumiti tong si Alexa sakanya. Wow ha kung makangiti wagas tapos pag sa akin puro poker face lang tapos isang half smile. Unfair!

Anong rinereklareklamo mo ngayon diyan? Remember galit ka sakanya o baka naman nagseselos ka noh? Tignan mo oh, nahahawakan na siya ni Zen sa balikat habang ikaw hindi pa. Kawawa ka naman. mapang asar na sabi ng isipan ko.

Napaismid naman ako sa naisip ko saka anong selos selos yan? Saan nanggaling yon. Pwe, kahit pa magchukchakan sila diyan, wala akong pakialam. Kahit pa-

"Ikaw naman doc, mas maganda ka po kaysa sa akin pero salamat na din sa compliment." may pagkamalandi at tatawa tawang wika ni Zen sabay palo sa balikat ni Alexa. Promise malandi talaga yon way ng pagkakasabi ni Zen at wala akong ini imply na kahit ano saka hindi ko sila tinitignan a, busy ako sa cotton balls. And what is going on? Bakit ang touchy naman ata ni Zen sakanya? Wait nga lang, ano ba ang ipinagpuputok ng butsi ko e di naman ako affected. Di talaga ako affected guys. Shuta, nabwibwisit ako!

The Internship Syndrome Series: The Hot Resident Doctor (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon