Chapter 11 - The Return of B_____

3.9K 195 70
                                    

"You never know how much you love someone until you watch them love someone else."

Sophia's POV

"Anak, anong oras na? Namamaos na nga yon tandang natin sa kakatilaok di ka pa rin bumabangon diyan!" katok ni nanay sa pintuan ng kwarto ko. Agad naman ako nagtalukbong ng kumot. Hindi kasi maayos ang pakiramdam ko, feeling under the weather kunbaga, sinisipon din ako. Naulanan kasi ako noon pauwi galing from work, pakiwari ko kasi sa sarili ko ay waterproof ako kaya eto ngayon ang napala ko. Binabalak ko nga ang mag absent ngayon pero sa tingin ko'y hindi mainam gawin yon dahil di ako nakapag paalam at dahil kawawa na rin yon pintuan kong kanina pa balak gibain ni nanay sa kakakatok.

"Sophia Bree Esteban Ramos! Pag hindi ka pa bumangon diyan ipapamigay ko yon mga litrato mo na hubo't hubad noon bata ka!" banta ni nanay sa labas.

Pagkarinig ko yon mas mabilis pa sa alas kuwatrong tumayo ako at kinuha yon inayos kong uniform kagabi na gagamitin ko para sa duty ko ngayon saka dumiretso ng banyo. Di ko na nga rin inalintana yon biglaang pagkirot ng ulo ko.

At least hindi puso ang makirot sa akin.

Naku naman, male-late na nga ako nakuha ko pang humugot. Wala pang fifteen minutes lumabas na ako ng banyo na nakabihis habang abala na pinupunasan ko yon buhok ko. Pagkalabas ko palang ng pintuan, sinalubong na ako ni nanay ng kurot sa tagiliran. Nabitawan ko pa nga yon tuwalyang pinantutuyo ko ng buhok ko. Aray ko po masakit.

"Ikaw bata ka, kanina pa kita kinakatok di ka naman sumasagot." medyo nagsusungit na sabi ni nanay saka sinundan pa niya ng isa pang kurot sa tagiliran ko. Gigil lang nay?

"Nay nakakadalawa na po kayo." angal ko naman habang pinupulot yon tuwalyang nahulog sabay dumistansiya sakanya, mahirap na baka balak pa niyang tatluhin, quotang quota na ako nun pag nagkataon.

"Gawin ko pang lima kung di ka magmadali diyan." at aamba pa sana siya ng isa pang kurot pero tumakbo na ako papunta sulok ng kwarto habang nakadefensive stance naman ako.

"Nay naman e! Awat na. Masakit po kaya." pakiusap ko naman saka lumabi at nagpadyak padyak.

"Huwag kang lumabi anak, nagmumukha kang bibe. Ang mabuti pa niyan, magmadali ka dahil may naghihintay kang bisita sa baba." imporma ni nanay sabay labas ng kwarto ko. Palalampasin ko na lang yon pagtawag sa akin ni nanay ng bibe, may araw din siya sa akin lol. Joke lang.

"Infairness anak may taste ka pero mas gusto ko pa rin na manalo ang manok ko at saka manang mana ka talaga sa akin pero mas maganda ako sa'yo anak." pahabol pa ni nanay habang nakasilip sa may kwarto ko saka din nagmadaling bumaba. Napatalon nga ako sa gulat dahil sa ginawa niya.

Hindi ko naintindihan yon sinabi ni nanay basta ang klaro lang sa akin e may bisita ako at nakakadalawa na siya sa akin a. Inaapi niya ang sarili niyang anak! Saka anong mas maganda siya, mas maganda ako noh. Hindi pa kayo ako wriniwrinkles.

"Ano naman kayang connection ng taste ko sa kagandahan ni nanay?" usal ko sa sarili habang nagsusuklay ng buhok. Ng makuntento na ako sa ayos ko, nagdesisyon akong bumaba na at ng makita ko kung sino ba yan poncio pilatong bibisi-bisita ng ganitong kaaga. Kumakalam na nga rin tong sikmura ko buti sana kung may dalang pagkain yon bwisitor ko baka matuwa pa ako.

Pagkababa ko ng hagdan may nakita akong nakatalikod na lalaki na kinakausap ni tatay, nakasuot yon lalaki ng puting longsleeves na tinernuhan ng black na slacks at leather shoes na itim. Hindi pamilyar sa akin yon posture ng lalaki pero sa likod palang mukhang mayaman.

"Andiyan na pala ang hinihintay mo iho." sabi ni tatay sa lalaking nakatalikod habang nakatingin sa gawi ko.

Nakita kong palingon na yon lalaki sa gawi ko pero inunahan ko na siya at nakayuko akong lumapit sa kanila saka nagmano kay tatay. Balak ko pa kasi sanang mag eavesdrop kung ano pinag uusapan nila pero nakita naman agad ako ni tatay, sayang edi nakapangalap muna sana ako ng information sa kausap niya.

The Internship Syndrome Series: The Hot Resident Doctor (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon