"It's beautiful when you find someone that it is in love with your mind. Someone that wants to undress your conscience and make love to your thoughts. Someone that wants to watch you slowly take down all the walls you've built up around your mind and let them inside."
Sophia's POV
Nandito kami ngayon sa garden ng hospital, sa katunayan hindi ko alam na nag eexist ang garden na ito. Hindi naman kasi ako nagdodora sa vicinity ng hospital, pag nagwaward lang ako nakakagala pero siyempre sa wards lang 'yon.
Sinulyapan ko tong katabi ko na kasalukuyan nakapikit habang nakasandal siya sa puno. She looks very peaceful, hindi mo talaga aakalain na nakakaintimidate ito pag kaharap mo. Ang kinis din ng mukha, pati yon mga pilik mata niya ang haba din, masasabi mo talagang natural. Hindi man lang ba niya na experienced ang tubuan ng pimples? Bumaba yon tingin ko sa kanyang matangos na ilong pababa sa labi niyang mamula mula at walang bahid ng lipstick man lang at si di ko malaman na dahilan parang bigla akong natakam kahit wala naman pagkain na nasa harapan ko ngayon. Nakita ko rin ang bahagyang pagkibot ng labi nito. Bigla akong napalunok, kailan pa ako nagkaroon ng oras para i-appreciate kung gaano kaganda ang kapwa ko babae?
"I can feel your eyes on me Sophia, stop that." sabi nito at unti unting nagmulat siya ng mata. Ay potek, nabistado tuloy ako. Ba't kasi pabigla bigla siya di man lang ako inabisuhan.
"Feeling mo, hindi ba pwedeng nagkataon lang na napatingin ako sa gawi mo." pagtataray ko sakanya para mapagtakpan yon pagkapahiya ko.
"If you say so." tila di naniniwalang sagot nito saka siya umayos ng upo.
"Ang ganda dito saka ang fresh pa ng hangin, hindi ko akalain na may garden dito sa hospital." wika ko para lang naman may mapag usapan kami at hindi yon hinahayaan ko na lang na mag accumulate ang bacteria sa bunganga ko baka mamaya niyan magkabad breath pa ako, kadiri.
"This place is meant to be for public use but I made it exclusive for a reason." sagot niya habang nakatingin sa malayo at parang may inaalala. May bahid din ng kalungkutan ang pagkakasabi niya, parang may pinagdaanan.
Magtatanong pa sana ako ng may biglang tumikhim sa likuran namin dalawa. Pareho kaming napatingin ni Alexa sa bagong dating. Umuulan ata ng magagandang babae ngayon a?
This person in front of us is no doubt a one hella gorgeous lady, she looks like a ramp model. Her eyes are on the deepest shades of brown but unlike Alexa her eyes are more friendly and approachable.
Papa G, dumadalas naman ata ang pamumuri ko sa mga babae or maybe it's just a coincidence dahil according to statistics, female population is higher than in males. I think that's the reason, ata, siguro, ewan, malay ko?
"Excuse me for intruding in to your conversation Alexa, but they are requesting your presence at the Monteverde Hall right now." pagbibigay alam nun bagong dating na babae. Hmmm, she looks familiar tho parang nakita ko na siya somewhere hindi ko lang talaga maalala kung saan.
"What is it that they want?" masungit naman na tanong ni Alexa saka tumayo at nagpampag ng damit, sa may bermuda grass kasi kami mismo umupo.
"It's your Dad's order and I can't say no to him." the other woman answered calmly while shrugging her shoulders.
"Can't they just proceed without me?" kunot noong tanong naman nitong isa sa babae. Kaunti na lang talaga iisipin kong bipolar tong si Alexa e. She's really unpredictable, mahirap tukoyin kung kailan magshishift ang mood niya, una matino kausap then later masungit na naman.
"Ang dami mong satsat Alexa, just come with me already baka ako pa ang malintikan kay Tito." tila nauubusan ng pasensiya naman na sabi ng isa. Nagpalipat lipat lang ang tingin ko sakanilang dalawa, hindi kasi ako makarelate e. Hello, nandito po kaya ako. Hilig ng mga taong limutin ang presensiya ko ngayon araw na'to ha.
![](https://img.wattpad.com/cover/94501070-288-k902557.jpg)
BINABASA MO ANG
The Internship Syndrome Series: The Hot Resident Doctor (Book 1)
Teen FictionSophia Bree Ramos, a newly registered Medical Technologist and a Board top notcher at the age of 21. Aside from being brainy, she's also kind, caring, helpful, sweet, optimistic, friendly and so damn beautiful kaya naman everybody loves her...except...