Chapter 2 - The Brother and Sister Duo

4.8K 237 37
                                    

"You meet someone for a reason, you may not know now but eventually you will."

Sophia's POV

"What has gotten into your mind that moment Ramos?!" oops there goes another talsik laway, God Bless you dear paper and thank you dahil sinalo mo ang dapat na para sa akin. Sumalangit ang iyong kaluluwa and may you be reincarnated in a better form and place, 'yon mga malayo sa laway. Amen.

"Are you even listening to me?!" sabay hampas ni Chief Guerrero sa desk. Napapitlag ako ng slight dahil sa gulat. May pag atake? Galit na galit?

Nandito kami ngayon sa office niya and yep, kasalukuyan akong ginigisa ni Chief Guerrero a.k.a 'Madamé Machine Gun' ngayon. Isang linggo na ang nakalipas pagkatapos ng pananapak ko kay James at ang encounter ko sa babaeng 'yon na isa palang doctor. Napasimangot tuloy ako ng wala sa oras, naalala ko na naman siya. Hindi ko alam kung anong nagawang kasalanan ng past life ko at parang ako pa ata na future ang dadanas ng kamalasan. Sad life. Wala, sad kasi ang ganda niya talaga tapos ganon ang ugali. Dapat umaksyon ayon sa ganda, di ba? But she really is indeed captivating lalo na 'yon mga mata niya. Aish. Kitang nasa bingit tayo ng kamatayan tapos nakuha ko pang isipin ang babaeng 'yon. Concentrate Sophia! Con-cen-trate!

"Hindi ka sasagot Ramos?!" bulyaw ni MG sa'kin. Heto na nga ih! Diyos ko, gigil na gigil. 'Di makapaghintay.

"Ma'am, I was just defending myself. Hindi naman po ata tamang palampasin ko siya sa pambabastos niya sa akin." katwiran ko. Diba tama naman ako? Kayo kaya ang mabastos, tiyak mananapak talaga kayo. I mean yeah, sort of, di ba? Support naman diyan oh.

"Really? E bakit sabi ng pasiyente nanghina daw siya after the extraction kaya siya napayakap sa'yo. Hindi daw niya alam na ang kamay niya e nasa likuran mo na." may pagdududang tanong pa niya sa akin. That jerk! Alam kong sinadya niyang hipuan ako tapos ngayon ako pa ang pinalabas niyang mali. Makita ko lang talaga yon lalaking yon, I swear tatadyakan ko ng paulit ulit yon pinaka iingat ingatan niya. Saka isipin niyo 'yon ha, sinong hinimatay ang may ganang mamisil ng pwet ng tatlong beses at sunud sunod pa? Hinding hindi ako maloloko ng manyak na 'yon!

"So you're saying that I'm lying Ma'am? Is that it? I can't believe this! I might be a new employee but I have not and never will I lie about something that will only embarassed myself to everybody. Mahal ko ang sarili ko Ma'am and I will never stoop down that low." matapang at walang kakurap kurap kong sagot. Hindi niya siguro inexpect na sasagutin ko siya ng pabalang but I can't help it, ako na nga tong naagrabyado ako pa ang pinapalabas na sinungaling! Pati ba naman dito sa trabaho paiiralin ang bulok na hustisya?

"Are you shouting at your superior?! Let me remind you again Ramos, bago ka pa lang dito but I don't like that kind of attitude, such an insolent little child you are. Hindi porke't isa ka ng top notcher ay may karapatan ka ng magyabang, tandaan mo I have years of experienced in this field compared to you which is only a beginner. You're lucky that Dra. Alexandrine didn't fired you that instant which I do prefer, ng tinaraytarayan mo siya. Marami ka pang kakainin na bigas iha, tandaan mo yan." mahabang litanya niya.

I mentally rolled my eyes, duh kasasabi ko lang kaya na new employee ako and wow, just WOW, kanina pinapalabas niyang sinungaling ako tapos ngayon naman mayabang ako? Grabe na ito, wala akong masabi. Kahit top notcher ako hindi ko naman yun hinayaan na maging dahilan ng paglaki ng ulo ko noh. I always believe that learning never stops kahit naipasa ko na ang board exam ko and never kong pinangarap na pagsalitaan ako ng ganito. Hindi ako papayag na yinuyurakan niya ang aking pagkatao. Hindi pwede!

Sasagot pa sana ako ng biglang bumukas ang pinto at pumasok ang isang lalaki na ang lapad ng ngiti, isang doctor to be exact dahil sa may stethoscope siya na nakasabit sa leeg at nakasuot siya ng puting coat. Kung wala siguro siyang stethoscope sa leeg at hindi siya naka white coat baka napagkamalan ko siyang model sa sobrang tangkad at gwapo ba naman niya. Ito na ata 'yon sinasabi nilang lubos na pinagpala ng Maykapal, idagdag mo pa na ang kisig kisig niya at ang linis tignan parang male version lang ni Alexa except that Alexa is way hotter than this guy. Wait. Oh my God what did I just said?! Pinuri ko ba ang pinaglihi sa bato at yelo na babaeng yon?! OMG! No no no no no check! Pati ba naman jingle song ng whisper nadamay pa.

The Internship Syndrome Series: The Hot Resident Doctor (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon