Chapter 1
~Monday Morning
*ALARM ALARM ALARM*
GooooooodMooorniiiing!!!!:D Dapat tuwing pagkagising mo sa umaga humarap ka sa salamin at pagkatapos, Ngumita ka :) at sabihin mo sa sarili mong " I will start my day with a smile " para maging goodvibes ka sa araw-araw. Kaya para sa inyong lahat... " Start your day with a smile and i hope you feel beautiful today :) Have a great day ahead!!! :) P.S Dont let them say you ain't beautiful & P.P.S YOU ARE BEAUTIFUL!!=))) Kkk? Hahahaha, Okay ang daldal ko!xD Kailangan ko pang maligo at mag-ayos para makapasok na. Ang daldal ko kasi, naubos tuloy oras ko. xD Meron pa akong Duty sa canteen! Ako kasi taga ayos ng pila ng mga students tuwing breakfast, recess, at lunch. Male-late na ako!
Hi, Ako nga pala si Sunny Park. 19 years old. And I'm turning 20 this year :D Nakatira ako sa ibang bansa ngaun.. Meron din akong dawalang kapatid na ubod ng kulit at hari ng pasaway. Bata pa kami nung naghiwalay ang nanay at tatay namin. Actually, Halos baby palang kami non . Kaya wala manlang kaming pagkakataon na makita sila. Kinupkop na kami ng lolo't lola ko at dinala sa ibang bansa. Sa ibang bansa na kami lumaki at nanirahan. Meron din kaming kinikilalang ATE. Si Ate Jenny. Siya tumayong Ate samin kaso may asawa na siya ngayon kaya minsan nalang nya kami mabisita.
Kasalukuyang Isa akong Highschool student. Masayahin akong tao, at ayokong may nakikitang malungkot. Sabi kasi nila "Life is short" kaya dapat i-enjoy mo lang ang buhay mo :) Im a daydreamer:) I have a lot of dreams :))
Magaling akong mag-drawing at magpainting. Isa rin akong writter. May mga ilan akong art works na nabenta pero hindi ko binebenta lahat ng art works ko dahil mahalaga yun sakin, every each art work is inspired. Napakahilig kong magdrawing. Lahat ng nakikita kong nakakainspire eh dina-drawing ko. Sa pagiging Writter ko naman, Mahilig akong gumawa ng mga sarili kong stories. Naiinspire ako sa mga pinapanuod kong K-Drama.
Mahilig din ako kumanta. Mahilig ako sa mga Rock Musics, Bands, Saka KPOP! Minsan ko nading pinangarap makarating ng Korea.. Dati nag-aral ako ng Korean, kaya alam ko lahat ng words at letters nila. Nakakaintindi din ako ng Korean. Pangarap kong makapunta ng Korea. Gusto ko kasi mapuntahan yung magagandang lugar don at makapasyal manlang. Kahit pasyal lang. Gusto ko lang talaga mapuntahan. At higit sa lahat.. Gusto ko makita ang crush kong si Lee Taemin!!!! Waaaaaaaah!!!!:") Hahaha. Sikat syang singer at dancer ng isang grupo. Pangarap ko syang makita at makasama!! Sana nga sya nalang ang boyfriend ko. Hahaha. Pero mukha naman atang ang taas masyado ng pangarap ko. Hays. Aasa paba kong makukuha ko ang puso ni taemin at makakarating ako ng Korea? Hmmm? Malay natin :') Basta ako NEVER GIVE UP!!:"> Ang sabi kasi nila "Don't stop believing and someday your dreams will come true" Kaya ako? GO lang ng GO! :D Hahahaha.
Pero sa kabila ng lahat ng yan. Hindi lang ako basta DAYDREAMER at Isang MASAYAHING BABAE. There's still missing....
Ang mahanap ko ang TRUE LOVE ko. At pagnahanap ko na ang TRUE LOVE ko. Baka mas lalong sumaya pa ako! Pero, Hindi ko naman siguro basta basta mahahanap ang true love ko. I have to wait... To wait for the right person. Ayoko na kasing magtiwala basta-basta at pagkatapos eh papaasahin lang ako. Hays. ANG BITTER KO! Ayoko na ngang pag-usapan yang love love na yan! TRUE LOVE WAITS♥
Hays. Eto nanaman, Pasok nananaman. Ang pinakamalaking pagsubok sa buhay natin.. Err. Bakit ba kasi hindi nalang tayo lumaki ng may talino at kailangan pa nating pumasok araw-araw... Hmm. Bakit din kaya kailangan lahat ng bagay ginagamitan ng pera? Bakit hindi nalang tayo gumamit ng play money para fair , mayaman man o mahirap. Hays. Ang daming pumapasok sa isipan ko at ang dami kong tanong! Eh wala naman akong magagawa, That's life ehh. Huhuhu. Buhay nga naman. Hays</3
Bago ako pumasok ng school, bumili muna ako ng chewing gum sa tindahan malapit sa pinapasukan ko. Suddenly... Bigla kong nabangga ang isang babae na may hawak ng coffee at hindi sinasadyang natapon ko sa kanya yung coffee nya. >.< Hays. Kamalasan nga naman. Bilog ba ang buwan???
" Naku! Sorry po! hindi ko po sinasadya! pasensya na po... " -ang sabi ko sa kanya habang pinupunasan ko ng panyo ang kanyang damit.
" Aaaaaargh!!! Next time kasi tumingin ka sa dinadaanan mo! Tsk " -Ang galit na galit nyang sinabi sakin. Hindi nadin ako nakapagsalita at tumungo nalang habang papaalis
.
Hmm. Ang ganda nyang babae, Cute sya. Mukhang kasing edad ko lang naman. Mukha rin syang mayaman at artista. Panu ba naman, Artistahin kung magsuot. Kaso, hindi bagay sa mukha nya yung pagiging suplada at masungit nya. Hays. Hayaan na nga natin.
Pagpasok ko sa campus namin ay isa isa kong binati ang mga teachers na nadadaanan ko.
"Good Morning Ma'am, Hello Ma'am GoodMorning Po, Hi Ma'am GoodMorning" At masaya at nakangiting binabati din nila ako ng “GoodMorning. :)”
Meron nga pa akong tatlong kaibigan. Siya ay sila Jady, Joanna at Anishia. They're my Bestfriend since 1st year high school .
Si Jady, siya ang pinaka-BESTFRIEND ko talaga. Hmm. Mabait siya. Makulet. Matured. Saka isang kaibigan na pinagkakatiwalaan.
Eto naman si Joanna. Ang pangalawa kong kaibigan. Kaibigan ko na din siya since 1st year pa kami. Sya ang pangalawa kong pinagkakatiwalaan na kaibigan.
At eto naman si Anishia. Ang pangatlo kong kaibigan. Naging kaibigan namin siya nung 2nd Year kami dahil bagong transfer siya sa aming school na pinapasukan. Mabait na kaibigan din si Anishia. Kaso May Pagka- "SINTO-SINTO" At isip bata nga lang. Pero kahit ganun. Mabait at Napapakisamahan naman siya :)
Pagdating ko sa room eh umupo nako sa desk ko at kinuha ko yung sketch book ko atsaka nagdrawing ako. Maya maya lumapit sakin si Jady at tinanong niya kung sino ang dina-drawing ko.
"Oh? Sino naman yang dina-drawing mo?" -Jady
"Ahh, Siya yung babaeng nakita ko kanina. Nabangga ko kasi sya ng hindi ko sinasadya." ang sagot ko sa kanya nang biglang sumabat ang isa ko pang kaibigan na si Joanna Marie...
"Kilala ko yan ah?" –Joanna
"Ha? Kilala mo sya? ehh sino sya?" Ang nagtatakang tanong ko, mukhang namumukhaan kasi nya tong babaeng dinadrawing ko na nabangga ko nga kanina.
"Siya si Anastasia , Sikat sya sa Korea. Isa syang model at kilala sya bilang girlfriend ng sikat na si Taemin.. Pero bali-balita eh nagkakalabuan na daw ata yung dalawa... Nandito sya ngaun para sa isang commercial.."
Nagulat nalang ako ng malaman ko yung sinasabi sakin ni Joanna, kung ganun pala eh napakaswerte ko pala dahil nakita ko sya ng malapitan at nakausap ko pa sya. Yun nga lang hindi maganda ang una naming pagkikita..
BINABASA MO ANG
A Time For LOVE♥ [ONGOING♥]
FanfictionDon't stop believing and someday your dreams will come true♥ Hello^0^ I just wanted to say that This is a KPOP GENERATION written and told in tagalog version. Again. KOREAN GENERATION po ito pero TAGALOG VERSION LANG. All of the characters are for...