FSBW IX

44.8K 590 10
                                    

Kean's POV

Nagising akong muli bandang alas onse ng gabi dahil sa magagaang haplos sa buhok ko.

Hindi naman na ako nagtaka kung sino ang gumagawa non dahil sariwa parin sa isip ko ang nangyari kanina. I know it's her, Aecy. 

Pakiramdam ko ay hanggang ngayon, magkahugpong parin ang mga katawan namin at nagsasalo sa init na dala nito.

Nasa ibabaw ko na sya ngayon, nasa dalawang gilid ng katawan ko ang mga hita nya at nakatingala sya sa akin. Nakayakap naman ang mga braso ko sa maliit nyang baywang.

Nakangiti sya at ganon rin ako sa kanya. Habang nakatingin sa kanya ay hindi nawala sa isip ko ang sinabi nya sa akin kanina bago ako makatulog habang nakadantay sa kanya.

'I love you'

'I love you'

'I love you'

Hindi naalis sa isip ko ang mga katagang yan kung kaya't matapos ang ilang minutong pahinga kanina sa pamamagitan ng pag-idlip ay tumayo ako at kinuha ang MACpad upang tanungin ito ukol doon.

Iniwan ko muna sya doon at pumasok sa kwarto ko.

*Flashback*

Tumayo ako mula sa pagkakadagan kay Aecy at sinabihang pupunta lang ako ng kwarto at babalik rin pamaya-maya.

Tumango naman siya at ngumiti kung kaya't hindi na ako nag-aksaya pa nang panahon upang tanungin ang MAC tungkol dito.

Pagkapasok ko sa kwarto ay hinanap agad ng mata ko ang MACpad.

Binuksan ko ito at nagsalita, "Hmm hi," hindi ko alam ang sasabihin ko ngunit nakita ko na naidirect akong muli sa app na may video ng babae.

"Hi sir, how can I help you?" Nakangiting sabi ng babae. Sya rin yung nakaraan.

"I wanna ask about the robot I've brought from your company." Nakatitig ako sa screen.

"Yes sir, what about her?" Hindi nalis sa labi nya ang nakapaskil na ngiti.

"Hm, she said the word I didn't expect to hear from her." Tumango tango naman ang babae. "I just want to know if she is capable of that thing because I expected that she won't fall and feel those kind of feelings like what Mr. Dildo told me." Paliwanag ko dito.

For Sale: Bed Warmer (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon