FSBW XXVIII

13.5K 217 6
                                    

Kean’s POV

Mag-aalas-sais pa lamang ng umuwi ako sa unit ko. I still have a lot of things to do dahil peak season ngayon, gawaan ng mga reports, finalizing ng mga plano na gagawin sa susunod na buwan. I feel exhausted lalo pa ngayon na wala si Aecy. She has been like an energy pill for me. Yung tipong kahit na sobrang pagod ko mula sa kakapirma, kakabasa at kaka-ayos ng mga files ay nawawala sa tuwing nakikita ko syang nakangiti at nagmamalasakit sa akin.

Nakasakay ako ngayon sa elevator paakyat sa unit ko dala-dala ang ilang files na nakamark as urgent at kailangan na ng pirma at approval ko. I was all alone in the elevator na syang ipinagpapasalamat ko dahil kapag ganitong pagod ako ay malakas ang mood swings ko. I got irritated easily. Napapikit na lamang ako at napahilot sa aking leeg.

Napatingin naman ako sa repleksyon ko sa elevator door. Nasa braso ko ang coat na hinubad ko at maluwag at medyo gulo ang tie na suot ko. Nakabukas na rin ang unang tatlong butones ng shirt na suot ko. My hair was a bit messy dahil narin siguro sa pagkakahubad ko ng helmet pagdating ko sa parking lot. All in all, mukha akong hindi maka-ugaga but I don’t mind because I don’t need to please everybody.

The elevator door opened at bumungad sa akin ang tahimik na corridor ng floor. The ambiance is cool. Parang at home talaga dahil narin sa mga desenyo ng pader. It really suits my taste. Marahil ay ito ang isa sa mga dahilan kung bakit ko binili ang unit ko.

I continue walking hanggang sa marating ko ang pinto ng unit ko. I entered the passcode and while in the middle of entering it, I was anticipating something, or someone na syang magbubukas ng pinto. But, nai-encode ko na at lahat ang passcode ay walang nagbukas. I smiled sadly dahil Aecy really made a big change in my life.

As I open the door, ang tahimik na sala ang sumalubong sa akin. Napalingon ako ng bigla kong nakita si Aecy na tumatakbo papalapit sa akin. A smile instantly formed in my lips pero mabilis rin iyong nawala kasabay ng pagkawala ng pigura ni Aecy.

Imagination lang pala.

I heaved a deep sigh at iniliapag ang files sa center table bago inilagay ang coat sa hand rest ng sofa at nakapamulsang naglakad patungo sa harap ng bintana. Inilihis ko ang makapal na kurtinang tumatakip dito bago inilibot ang aking paningin sa matataas na gusaling naaabot ng aking paningin. I closed my eyes and enjoy the silence that is somehow comforting me.

After a while, I decided to take a shower at hindi ko naiwasang mapatingin sa walang malay na si Aecy na nakahiga sa kama. Matagal akong tumitig sa kanya, kinakabisa ang kanyang itsura, ang kanyang matangos na ilong, mahahabang pilik-mata, manipis at malalambot na labi, pati na rin ang kanyang kulot na buhok. I can really spend my time in just staring at her. Hindi ako magsasawa.

Bago pa man matapos ang buong magdamag sa pagtitig lamang sa kanya ay pinilit ko na ang sarili kong iiwas sa kanya nag aking paningin at magtungo sa banyo para maligo.

I didn’t bother to remove my clothes at basta nalang tumapat sa shower at salubugin ang malamig na tubig na bumuhos mula rito.

---

Kakalabas ko lamang ng banyo habang nakatapis lamang ng tuwalya at magbibihis na sana ng biglang magring ang private phone ko. I immediately look for it sa pamamagitan ng tunog nito, nakita kong nasa sala ito, nasa loob ng coat na isinampay ko sa handrest ng sofa.

Nang tignan ko kung sino ang tumatawag ay nakita kong si Gael ito. “Bro.” paunang bati niya ng sagutin ko ang tawag.

“Oh?” tanong ko sa kanya bago iniloud speaker ang tawag at pabalibag na iniupo ang aking sarili sa sofa.

“Tara shot.” Usal niya at noon ko lang narinig ang malakas na tawanan ng barkada kasabay ng malalakas na tugtog ng musika.

“Busy ako, brad.” Sabi ko, a matter of fact bago nagpunas ng buhok gamit ang maliit na tuwalyang nakasabit sa balikat ko.

For Sale: Bed Warmer (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon