FSBW XXIII

16.5K 298 8
                                    


Kean's POV

Halos isang oras pa ang itinagal bago namin narating ang destinasyon namin. Saktong paghinto ng van ay ang paglabas ng kambal na Juno at Josh. Agad silang tumakbo sa dalampasigan habang nakalahad ang dalawang braso. May sinasabi sila ngunit hindi gaanong rinig dahil nandito parin kami sa loob.

Isa-isa nang nagbabaan ang barkada kasama na si Madison ngunit hindi katulad ng kambal ay naglakad lamang sila ng mabagal habang ineenjoy ang masarap na simoy ng hangin at ang magandang tanawin. Nakangiting ibinaling ko ang aking paningin kay Aecy at laking tuwa ko ng makita ko ang malawak na ngiti at nagkikislapang mga mata niya habang nakatingin sa labas ng bintana.

Magsasalita na sana ako ng bigla syang tumalikod sa akin at tumalon pababa ng van. Iniwan nya ako at nilampasan ang iba upang sumunod sa kambal. Napa-iling na lamang ako habang nangingiti dahil ang cute nya talaga.

Bumaba na rin ako habang nakafixed kay Aecy ang aking paningin. Walang kakurap kurap na tinitignan ko ang bawat galaw niya. Tumatakbong tinungo nya ang pwesto ng kambal. Ngayon ay parang matagal na magkakabarkada ang tatlo habang magkaka-akbay at nagtatawanan.

"O? Talaga?" rinig kong tanong ni Uno bago humalakhak ng sobrang lakas nang makalapit kami.

"Oo nga!" tugon ni Aecy. "Basta sumama kayo kapag itatry ko na ang mga yon ha?" sabi naman ni Aecy habang tinatapik ang balikat ng kambal.

"Oo naman! Ano bro?" tinanguan ni Josh si Uno bago sila nag-apir. "Para sa magiging asawa ni Keith!" tugon ni Uno bago lumingon sa gawi namin at bumitaw mula sa pagkaka-akbay kay Aecy. Bumitaw na rin si Josh ng lumingon sa gawi namin. Humarap sila ng tuluyan sa amin.

"Bro." sabay na usal ng kambal bago itinaas ang dalawang kamay, tila nahuli ng pulis na may ginagawang ilegal.

Napabungisngis naman si Aecy kung kaya't imbis na sungitan sila ay nginisihan ko lang sila at tinanguan bago lumapit kay Aecy at akbayan siya.

Inakbayan ko si Uno at tinanguan siya upang hilahin si Dos at akbayan rin ito hanggang sa lahat kami ay magkakaka-akbay na nakatingin sa dalampasigan. Bale ang pwesto namin ay: Aecy-Ako-Uno-Dos-Winston-Adam-Gael-Kyle at Madison. Pawang may mga ngiti sa labi ang lahat maliban yata kay Madison at Kyle na nakatingin sa gawi namin. Katulad ng dati, nang makita nila na nakatingin ako sa kanila ay umiwas sila. Hindi ko nalang sila pinansin at inenjoy ang tanawin.

Mahirap isalarawan pero sobrang ganda dito. Hindi mo aakalain na nasa Pilipinas ka parin dahil parang ibang parte na ito ng ibang bansa. Marahil ay dahil hindi ako pamilyar sa dalampasigan na ito kung kaya't hindi ako magkamayaw sa pagpuri sa ganda nito. Nangingibabaw sa tahimik na lugar ang hampas ng tubig sa dalampasigan pati narin ang sumasayaw na dahon ng buko at iba pang puno na naroroon.

"Tara swimming na!" Hiyaw ni Gael. Nang lumingon ako sa pwesto nila ay nakayuko na sya habang hawak hawak ang paa ni Adam samantalang si Wintston ay nasa balikat.

"FUCK YOU KAYOOO!!!" hiyaw ni Adam ng tumulong ang kambal na syang humawak sa tig-isang kamay at paa niya. Tumakbo sila habang bitbit si Adam sa braso at paa nito.

Mabilis na narating ng mga mokong ang dagat kung kaya't walang alinlangan na ibinalibag nila si Adam sa tubig at tumakbo palayo sa kanya.

"Kyle tara!" pagtawag ko kay Kyle bago tumakbo papunta sa kung nasaan ang barkada at makipagbasaan sa kanila. Tila hindi naman ito natinag at basta nalang humarap kay Madi at umaktong tila hindi narinig ang pagtawag ko sa kanya. Nagkibit balikat na lamang ako bago nagpatuloy.

Tatakbo n asana ako sa dagat ng bigla kong napatigil ng maalala ko na kasama ko nga pala si Aecy. Hindi kase ako sanay na may kasama sa tuwing may lakad ang barkada. Feeling ko hindi ko maeenjoy ang araw na kasama sila dahil hindi buong atensyon ko ay nasa kanila. Pero ngayon, mukhang mas dadalas na ang mga ganitong lakad dahil kasama ko na sya.

For Sale: Bed Warmer (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon