FSBW XXI

17.1K 279 1
                                    


Kean's POV

Hating gabi na nang matulog ako. Naging abala ako sa pag-aayos ng mga damit at gamit na dadalhin namin ni Aecy para sa barkada trip na plinano namin. Inayos ko lahat mula sa undergarments nya, tshirts at mga shorts na susuotin nya.

May problema nga lang dahil hindi ko sya nabili ng mga pangswimming at maski mga damit na komportable para sa kahit anong lakad noong minsan na magshooping kami ng mga damit nya. Napailing nalang ako dahil biglaang masyado ang lakad namin at napaka aga ng meet up kaya wala na talaga akong oras para bumili pa ng mga damit na pwede nyang suotin.

Bahala na. Basta nagdala nalang ako ng mga damit na maari nyang gamitin. Sigurado naman na may madadaanan kaming mall kaya dun ko nalang sya ibibili.

Napatingin ako sa wrist watch ko at nakitang malapit nang mag-alas kwatro ng umaga. Paniguradong magdidiwara nanaman si Adam dahil hindi nanaman ako dumating sa oras na napag-usapan. Nakaligo naman na ako at handa nang umalis sa oras na matapos magcharge si Aecy.

Nakasuot ako ng khaki shorts na tinernuhan ko lang ng black sleeveless shirt at isang grayish rubber shoes. May baon din naman akong tsinelas sa bag at isa pang extrang sapatos. Ipinagbaon ko rin maski si Aecy dahil hindi naman sure kung ano ang mga activities na gagawin namin kaya mabuti na yung handa.

Tinignan ko ang cord na hanggang ngayon ay nakakonekta parin sa katawan ni Aecy. Konti nalang ay mapupuno na iyon kung kaya't kinuha ko ang bag na inilaan ko talaga para sa mga gamit nya at inilabas mula don ang box na naglalaman ng mga regular pati na ang crystal microchips.

What now? Anong microchips ang gagamitin at paghahaluin ko?

Binuksan ko ang box na naglalaman ng regular microchips at bumungad sa akin ang mga puting microchips.

B1, B2, B3, B4. G1, G2, G3, G4. W1, W2, W3, W4. Alin sa inyo ang paghahaluin ko? Hindi naman pwedeng yung mga kulay pula lalo na yung nag-iisang black microchip dahil baka di na kami maka-alis pa ng bahay. Gets nyo naman kung bakit hindi na kami makaka-alis hindi ba?

Hinugot ko mula sa bag ang MACpad at tinanong kung anong magandang microchip ang maaring gamitin sa ganitong mga lakad.

Katulad ng dati, matapos kong sabihin ang tanong ko ay kusa na itong nagdirect sa application kung saan lumalabas ang isang babaeng maputi at may mapupulang labi.

"Welcome to MAC's masterpiece question room." Nakangiting bungad ng babe sa akin. "Please do repeat your question for confirmation." Magalang na pakiusap nito sa akin.

"Microchips best for adventures." I said.

"Microchip B2, sir." Usal nito. "Microchip B2 or Best friend 2, the one who brings your adventurous side." Nakangiti at tila siguradong birada nito.

"Is it possible to be mixed with another microchip without contradicting each other?" Tanong kong muli.

"The best possible microchip to be mixed with it is either Microchip B1, Microchip G1 or Microchip G4." Napatango nalang ako sa kanya at inisip na kaagad kung ano ang maari naming gawing dalawa sa lakad na ito. [***Please go back to FSBW XI if you already forgot the functions of the mentioned microchips above.]

It makes me excited dahil unang beses kong gagawin na mag out of town kasama ang isang babae. I never had the chance to do this with Madison because I just don't feel it. Kaya kahit na may barkada outing, I go by myself kahit na may dala silang kanya-kanyang babae. I don't mind.

"Any question in mind, sir?" Nakangiting usal nito. "MAC's iPad will hear and answer everything you would ask regarding to its masterpiece. You just need to voice it out and automatically, it will send you a video, answering your question. Hope it helped! Have a good day sir!" Sabi nito bago nagreturn sa home ang MACpad.

For Sale: Bed Warmer (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon