FSBW XXII

16.8K 270 5
                                    



Kean's POV

Nang maliit na epasyo nalang ang natitira sa pagitan namin ay bigla nitong kinabig pakanan ang manibela kasabay ng malakas na pagpreno upang mapahinto at maipark ang motor sa mismong harap namin ni Aecy.

"WOAAAH COOOL!" humahangang sabi ni Aecy habang nakatingin sa nagmamaneho ng motosiklong nakahinto ngayon sa harap namin ngayon.

Pagpasok pa lamang nito kanina ay alam ko na kung sino ang nakasakay dito. Tunog palang nito ay alam kong kay Madison ito kung kaya't hindi na ako nagulat ng alisin nya ang suot nyang helmet at lumingon sa gawi namin, particular na sa gawi kung nasaan si Aecy.

"Hindi pala cool." Pabulong na asik ni Aecy sa likuran ko. Gusto ko mang tumawa ay hindi ko magawa dahil nakatingin na rin sa amin si Kyle.

"Am I late?" tanong ni Madi nang maisabit nya ang helmet sa manibela ng motor na gamit nya at maayos ang nagulo nyang buhok.

Nakasuot siya ng black leather jacket at black fitted pants na tinernohan niya ng black boots. It's her favorite outfit whenever she rides her motorcycle.

"Oo, kanina pa, gaga." Bulong ni Aecy. Pinindot ko lang ang braso nya para pigilan sana syang magsalita. "Mukha kang badass, ay, badass ka pala talaga." Hindi ko alam

"Hindi naman." Magiliw na sabi ni Kyle habang nakangiti at inalalayan pa sya sa pagbaba ng motor.

Naglakad paabante si Aecy upang makapantay na ulit ako bago humawak sa braso ko. Napalingon naman ako ng idantay nya pati ang kanyang ulo.

"Nag-iinit at kumukulo ang dugo ko." Sabi nya habang diretsyong nakatingin sa direksyon ni Madison at Kyle. Tila ba ang sinabi nyang iyon ay para lamang sa kanyang sarili ngunit napalakas lamang kung kaya't naka-abot sa aking pandinig.

Naglakad sila Madi at Kyle papunta sa harap namin. Si Madi ang syang nangunguna at nakasunod naman sa kanya si Kyle. "Long time no see, Kean." Sabi nya bago lumapit para bumeso sa akin.

Ngunit, bago pa man sya makahalik sa aking pisngi ay mabilis na hinila ako ni Aecy paatras gamit ang kamay niyang nasa braso ko kung kaya't napahinto si Madi. "Oh, you're also here." Gulat na usal nya na animo'y noon lang niya nalaman na nandoon si Aecy.

"Glad to see you bitch." Nakangising pahayag ni Aecy matapos pasadahan ng tingin si Madi mula paa pataas sa kanyang ulo.

Malakas na tumawa si Madison. Hindi ko alam kung ano ang nakakatawa kung kaya't nang walang sumabay sa kanya ay huminto rin sya.

"You're funny." She said chuckling. "I didn't know that you'll show the real you in front of these guys." Nakangising pahayag nya.

Nakita ko ang pag-ikot ng mga mata ni Kyle lang dumapo ito kay Aecy. Nang magbalik sya ng tingin ay nasa akin na ito at may ngisi na sa kanyang mga labi.

"Madison." Usal ko, nagbabanta.

"Why babe?" nakataas ang mga kilay na tanong nya.

"Stop it." Bumuntog hininga ako. "Stop what you are planning to do." Usal ko habang nakatingin ng diretsyo sa kanyang mga mata. "And stop calling me babe. You don't have the rights." I seriously said to her face.

Sasagot na sana sya ng lumapit na ang barkada sa kung nasaan kami kung kaya't hindi nya na naituloy ang dapat nyang sasabihin.

"Oh, andyan na pala si Madi." Si Gael ang nagsalita.

"Pasok ka muna ng makapagkape ka sa loob." Si Winston.

"Ah, hindi na G, Win." Nahihiyang sabi ni Madi. "Baka tanghaliin na tayo kung magkakape pa ako."

For Sale: Bed Warmer (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon