FSBW XII

33.3K 417 10
                                    

Kean's POV

Balak ko talaga na sa unit ko mag-agahan pero dahil narin sa ginawa namin ni Aecy kapuputok palang ng araw ay hindi na kinaya ng oras namin ang nagluto pa ng umagahan kung kaya't napagdisesyunan ko na mag breakfast nalang sa labas.

Bago kami lumabas ng unit ay pumili ako ng microchip na maari kong ilagay sa kanya para maayos ko syang mailabas sa harap ng madaming tao.

Sa labing dalawang puting microchips, ang napili kong ilagay sa kanya ay ang microchip G1 o yung clingly sweet type ng girlfriend.

Hindi ko alam kung bakit yon yung napili ko, marahil ay para hindi sya umalis sa tabi ko at makita ng iba na akin sya ata wala na dapat pang umangkin sa kanya.

Ngayon, nakasakay na kami sa elevator pababa sa parking lot ng condominium na tinitirhan ko. She is still wearing the above the knee floral dress na suot nya noong unang araw nyang mapunta sa akin. She's currently wearing one of my boxer briefs dahil naalala ko na sinira ko ang panty nya nung unang gabi namin.

Ang buhok nya ay malayang nakalugay na sumusunod sunod sa mga galaw nya. Walang katumbas parin ang kintab at pagiging itim na itim nito.

A sweet smile was plastered on her lips. Wala syang suot na kahit anong make up ngunit hindi non nabawasan ang natural nyang ganda.

Kasalukuyan akong naka-akbay sa kanya habang ang mga braso nya ay naka-angkla sa baywang ko. I can't help it but to smile kapag ia-angat nya ang paningin sya sa akin at bahagyang tatawa kapag nakita nyang nakatingin ako sa kanya.

"Baka malusaw ako, Keither." Mahinang bulong nya na nakapagpatawa sa akin.

Hinila ko sya papunta sa akin bago yumuko at bumulong sa tapat ng tenga nya. "Then, let me taste you hanggang sa maubos ko ang katas mo." I smirked.

Pinalo nya lang ng mahina ang tiyan ko habang bahagyang natatawa.

Bumukas ang elevator at bumungad sa amin ang dalawang lalaki na sa tingin ko ay dito rin nakatira. They gave Aecy a look bago nagpunta sa akin ang paningin nila.

They smiled at me pero saglit lang yon dahil dumapong muli ang paningin nila kay Aecy bago pumasok ng elevator na pinanggalingan namin.

"Do you know her? She's damn beautiful." Narinig kong wika ng isa.

"I don't know her," bubulong bulong na sagot ng lalake habang papasara ang elevator.

"She's hot. Malamang ay masarap syang tikman." Sabi pa nung isa sa kanila.

"Hayaan mo't hiramin natin minsan." Sabi ng isa pa habang tatawa tawa.

Haharapin ko na sana sila ngunit tanging ang saradong pinto nalang ng elevator ang nakita ko.

Naramdaman ko naman ang pabitaw ng kamay ni Aecy sa baywang ko bago ito mapunta sa pisngi ko. Napapihit akong muli papaharap sa kanya.

"Hayaan mo na sila, Keither." Ngumiti sya sa akin. "Ayos lang ako." Usal nya bago ako kintilan ng mabilis na halik sa labi.

"Hmm?" Nangungumbinsing sabi nya.

Tumingin muna ulit ako sa elavator bago sya higitin papalapit sa akin at halikan sa sintido. "Ayoko lang ng may bumabastos sa pagmamay-ari ko." Seryosong usal ko.

"Dahil ako lang ang may karapatang gumawa sayo non." Tatango-tango sya sa akin habang nakangiti parin. Ibinalik nya ang kamay nya sa pagkakapalupot nito sa akin atsaka ako niyaya para maglakad muli.

Sandali lamang ay narating na namin ang parking lot. Umalalay naman sa akin ang valet na may hawak ng susi at helmet ko.

Tinanguan ko lamang sya matapos kuhanin ang susi ng motor ko pati na ang helmet.

For Sale: Bed Warmer (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon