FSBW XXVI

14.9K 252 4
                                    

Kean’s POV

Nang maka-upo siya sa sahig ay dali dali ko syang niyakap kahit na nagpupumiglas pa sya. I’m clueless kung bakit nangyayari ito sa kanya. Marahil ay dahil sa pagkalaglag nya noong nagcamping kami kasama ang barkada. Paniguradong may naapektuhan sa sistema nya dahil sa taas ng pinagkalaglagan niya.

“Hush, babe, hush.” Sabi ko habang pasimpleng pinapagapang ang aking kamay papunta sa kanyang balikat, partikular na sa ilalim ng collar bone nya kung nasaan ang socket. Shutting her system down is the only way I think para mapakalma siya.

Nang makapa ko ang socket ay dali dali ko itong pinindot at kinuha ang microchip na nakalagay doon. I heaved a deep sigh nang bumagsak ang kanyang ulo sa aking balikat at tumigil siya sa pagpupumiglas tanda na nawalan na siya ng malay.

Inihagis ko muna ang crystal microchip sa sofa bago sinarado ang socket na nasa balikat nya at buhatin sya papunta sa kwarto upang maihiga sa kama.

Dahan dahan ko syang ibinaba sa kama atsaka kumuha ng kumot upang kumutan sya. Naupo ako sa tabi nya at sinabunutan ang sarili. Nagpakawala akong muli ng malalim na buntong hininga bago tumayo upang hanapin ang MACpad upang maitanong ko kung ano ba talaga itong nangyayari sa kanya. Nag-aalala na ako dahil mukhang hindi na ito simpleng function lamang ng microchip na naka insert sa kanya.

Madali ko lang naman itong nakita dahil naroon lamang iyon sa bed side table kasama ng mga gamit nya na galing sa MAC.

“Bakit parang hindi nagfu-function ng mabuti ang item na binili ko?” I asked.

“Please do repeat your question for confirmation.” Gaya ng dating bungad sa akin ng babae na lumabas sa screen.

“Why does she acts as if she doesn’t know me? Why is she acting that way? Bakit may mga weird na bagay akong naeencounter even though I’m aware na hindi iyon sakop ng functions ng microchip na naka-insert sa kanya?” mahabang tanong ko rito.

“I’m sorry but the question is way beyond our limit. We can’t provide specific answer for your question. For inquiries, please directly contact MAC’s office using the number and email address we’ll send you after a minute.” Nakangiting pahayag nito sa akin.

“Okay.” Ang tanging naisagot ko sa kanya.

"Any questions in mind, sir?" Nakangiting usal nitong muli. "MAC's iPad will hear and answer everything you would ask regarding to its masterpiece. You just need to voice it out and automatically, it will send you a video, answering your question. Hope it helped! Have a good day sir!" Sabi nito bago nagreturn sa home ang MACpad.

Napapikit ako dahil mukhang kailangan kong maka-usap si Mr. Dildo tungkol sa problemang ito. Napatingin ako sa MACpad when it blinked twice at nang islide ko ang screen ay bumungad sa akin ang numero ng MAC pati narin ang email address nito gaya ng sinabi ng babae kanina.

Tumayo ako mula sa pagkaka-upo sa kama at nagdiretsyo sa pagpunta sa sala upang kuhanin ang cellphone ko na naiwan ko sa center table. Mayroon naman akong number ng MAC pero baka naman nagpalit na sila ng number kung kaya’t yung ibinigay na lamang ng babae ang ginamit ko at ito ang tinawagan ko.

Sa unang subok ay ang costumer service lamang ng gamit kong sim ang syang sumagot sa akin pero nang subukan kong muli na tumawag ay sa unang ring pa lamang ay mayroon na kaagad sumagot sa akin.

“Good day ma’am, sir!” masiglang pagbati ng sumagot sa linya. “Passcode please.” Bigla akong kinilabutan dahil sa bilis ng pagbabago ng mood ng boses ng babae. Mula sa pagiging masigla ay animo nawalan ito ng emosyon.

“Passcode?” pabulong at naguguluhang sambit ko.

“Item number.” Sabi nitong muli sa malamig na pananalita. Tila ito ang clue sa passcode na sinasabi nya. Kunot noong iniisip ko kung anong item number ang sinabi nya sa akin. Shit, bakit kailangan pa ng ganito? Dati naman ay wala silang ganito kahigpit na security.

For Sale: Bed Warmer (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon