FSBW XVII

21.2K 340 4
                                    

Kean's POV

"Bilisan mo. Kailangan ko na ngayon yan. Mamaya ka nalang bumawi dyan sa chikababe mo." Hindi ko na sya binigyan ng pagkakataon na magsalita at basta nalang pinatayan ng tawag dahil panigurado kung ano ano nanaman ang sasabihin nya. Tsk.

Kakababa ko lang ng tawag ng biglang magring ang cellphone ko. Akala ko ay si Adam yon at magdada-dada nanaman pero napatitig ako sa caller name na nakaflash sa screen ng cellphone ko.

MACorp. Calling...

Bakit kaya? Nadetect kaya nila yung nangyari ngayon lang?

Matagal ko pang tinitigan ang cellphone ko hanggang sa matapos ito sa pagriring.

Bakit kaya? Pagbabayarin kaya nila ako ng fine para sa mga sugat na natamo ni Aecy?

Nakaka-inis, kasalanan to ni Madison e.

Muling dumapo ang paningin ko sa cellphone ko dahil bigla itong nagvibrate.

* One Message Receive *
MACorp.

I tapped the message bar at nagdirect into sa inbox ko.

From: MACorp.
0905xxxxxxx
June 26, 8:32pm
Good evening Mr. Keither Andrew Montrose. This is Misery Aid Corporation and we would like to tell you something regarding the item you have bought a month ago. Please call us when you're free. Thank you!
--

Parang nakahinga ako ng maluwag dahil mukhang hindi naman tungkol yon sa nangyari ngayon ngayon lang kaya I dialed their number. Matapos ang tatlong ring at narinig ko ang pamilyar na boses ng babae sa kabilang linya.

"Good afternoon. Misery Aid Corporation. May I help you?"

"Yeah, good Afternoon. This is Keither Andrew."

"Ah, Yes Mr Montrose," Magiliw ang pagkakasabi niya.

"Yeah," tatango-tangong sabi ko. "May I know what's the matter with my item?"

"Ah,we want to discuss some important matter with you. We're going to appreciate if you could come here tonight, sir."

"Tonight?" Pag-uulit ko bago tumingin sa wrist watch ko. Ilang minuto nalang at mag-aalas nuebe na.

Ano kaya yon at parang masyado nalang importante para papuntahin nila ako ng ganitong oras.

"Yes sir, tonight." Paglilinaw ng babae sa kabilang linya.

May kinalaman daw kay Aecy. Ano naman kaya yon?

"I'm sorry but I can't make it tonight. I have some important thing to do." Kakamot kamot ng batok na sabi ko. "Can we move it on tomorrow morning?"

Gustuhin ko mang malaman yon ngayon at hindi ko pwedeng puntahan ang shop nila lalo pa't nandito si Aecy at pupunta si Adam.

"Ah, yes, we understand sir. So, it would be tomorrow morning. We would wait for you sir."

Buti naman dahil kahit ipilit nila at mas uunahin ko parin si Aecy. Pero, tungkol rin kay Aecy yon. Tsk.

"Yes, thank you. I'll be there first thing in the morning." Nakangiting pahayag ko bago tumango at patayin ang tawag.

Basta ko nalang ibinalibag ang cellphone ko sa king sized bed ko atsaka pumihit palabas ng kwarto para puntahan si Aecy.

Nang makarating ako sa sala ay nakita ko si Aecy habang nakayuko at nakalagay sa mga hita nya ang mga kamay nya.

"Aecy..." Bulong ko. Hinawakan ko sya sa braso nya at sa baba nya para i-angat ang mukha nya. Lumuhod ako sa harap nya para magkapantay kami ng mukha.

For Sale: Bed Warmer (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon