FSBW XX

18.5K 306 6
                                    

Kean's POV

"Keither!" "Keith!!" "Andrew!" "Drew!" "Kean!" "Bro!" Sabay sabay at OA nilang pagtawag sa pangalan ko. Halos mapa-irap naman ako sa kanila dahil sa ginawa nila.

"Mga bugok!!" Hiyaw ko bago sila pinagbabatukan isa-isa at pagsusuntukin sa mga braso nila.

"Tangna naman neto e!" Hiyaw ni Uno bago ako ginantihan ng pambabatok na sinundan at ginaya ng iba.

"Pakyu kayo." Asar na wika ko. Sila tig-iisa lang nakuha samantalang ako anim? Hustisya 'bro!

Nagsipagtawanan muna sila bago tumakbo at yumakap sa akin. Nauna si Juno sinundan ni Dos, Kyle, Gael, Winston at panghuli si Adam.

"Tangna mo Uno. Bakla ka talaga ano?" Hiyaw ko matapos ko silang itulak upang makabitaw mula sa pagkakayakap nila.

"Gago, sinong bakla? Ikaw Adam? Shit ka bro! Sabi na e!" Malakas na sabi ni Juno habang tinutulak tulak pa sa balikat si Adam.

"Di nyo tigilan. Kingina nang mga to." Iniwas ni Adam ang paningin nya kay Juno. "Palayasin ko kayo e." Baling nya habang tumatawa kasabay ang pag-amba ng pabirong suntok.

Malakas namang nagsipagtawanan ang lahat bago nagsipag-upuan sa kanya kanyang pwesto.

Nasa isang parihaba kaming mesa. Si Adam ang nasa kabilang dulo samantalang nasa kanan si Gael, Kyle at isang bakanteng upuan. Katapat ni Gael si Juno, si Kyle kay Dos, at si Winston ay katapat ang bakanteng upuan samantalang katapat ako ni Adam. Sa gitna ng lamesa ay puro inumin at iba't ibang klase ng pulutan.

Nandito kami sa VIP A nang bar ni Adam. Madalas ay kami lang ang nakaka-pagset dito dahil parang inireserve talaga ito ni Adam para saming mga barkada nya lang. Sa dalas ko dito noon ay hindi ko nakitang may nag-okupa nito. Kahit gaano kapuno ang bar ay hanggang VIP B lang ang ginagamit.

Parang gawa sa kahoy ang mga pader sa loob nito kahit na gawa ito sa kongkreto. Si Adam kase nag-aaral na rin ngayon nang architecture. Masasabi kong may hinaharap sya ron dahil sa mga unique designs na naiguguhit nya.

Sa barkada, walang hindi nagttrabaho. Wala nang umaasa sa mga magulang. Kahit naman maloloko kami noong college ay may mga pangarap naman kami. Sa totoo nga nya kaya hindi kami madalas magkasama-sama ngayon ay dahil busy kami sa kanya-kanyang trabaho.

Ang kambal na Uno at Dos ay IT ang natapos. Samantalang business ang sa amin ni Adam. Sila Gael, at Kyle ay mga ob-gyne. Yun bang doctor nung mga babae? Malilibog kase kaya yun yung piniling kurso nung college. Samantalang si Winston engineer. Nakabase yata ngayon sa Cebu ang loko.

"Balita mga brad?" Si Juno habang nagsasalin ng alak sa baso nya.

"Oo nga. Ang tagal rin nung huli naging set a? Anong ganap sa inyo?" Segunda ni Josh.

"Tanungin nyo si Kean!" Si Adam.

"Fuck you bro." Sabi ko saka ko itinaas ang middle finger ko.

Tumawa naman si bugok kaya kumuha ako ng yelo mula sa bucket at ibinato sa kanya.

"Wala na kaming oras ni Dos para maghappy-happy ng ganito. Putsya." Buntong hininga ni Uno. "Aba e buti nga pinayagan kami nung boss namin na magbakasyon ng isang linggo rine."

"Pero di parin naman kayo nawawalan ng oras sa pambababae!" Hiyaw ni Winston saka malakas na tumawa.

"Aba e man, di kami tatagal kung walang ganon." Tumawa si Dos bago lumagok ng alak sa baso nya. "Kumabaga daily doze ng vitamins yon." Nag-apir pa silang magkapatid habang tumatawa.

Mga gago talaga.

"Dapat sa inyo magka-AIDS e." Pabirong sabi ni Kyle na agad na nakatanggap ng dalawang butil ng binusa. Tumawa lang ang huli bago magsalin ng alam sa baso nya.

For Sale: Bed Warmer (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon