Kalaliman ng gabi, isang katawan ang iniwan sa kalagitnaan ng kalsada.
Tahimik at walang katao tao ang lugar. Ganun pa man ay parte pa rin ito ng lungsod.
Duguan ang babae at walang malay. Isa siya sa mga kuwawang studyante na laging napagdidiskitahan na pagtrip-an ng kanyang kamag-aral sa kanyang kwelahan, nakakalungkot lamang na sumobra na sila ngayon.
Sa kabilang banda, isang rumaragada at walang direksyon na sasakyan ang paparating.
Dahan dahan nagmulat ang babaeng walang malay at ganun na lang ang kanyang takot ng makita ang pares ng ilaw na paparating sa kanya.
"Tulong." sambit niya sa kanyang isipan kahit na alam niya na kahit ilang beses pa niya ito sabihin ay walang himalang mangyayari
"Katapusan ko na talaga." sabi pa niya ng mas malinaw niyang nakita ang paparating na sasakyan, isang butil ng luha ang pumatak mula sa kanyang mata.
Hindi niya sukat akalain na sa dinami dami ng kanyang pinagdaanan ay sa ganito siyang paraan mamamatay. Naging mabait naman siya, naisip niya na baka may nagawa siyang malaking kasalanan sa kanyang nakaraang buhay.
Ganun na lamang ang gulat niya ng biglang tumigil ang galaw ng kapaligiran. Kahit na nanghihina ay naggawa niyang igalaw ang kanyang ulo upang ilibot ang tingin.
Ang truck na sasagasa sa kanya na ang layo na lamang ay halos ilang metro ay nakatigil maski ang mga alikabok na nasisinagan ng ilaw nito ay nakatigil.
Ganun na lamang ang pagkamangha niya sa kanyang nakikita. Ito na marahil ang epekto ng nalalapit niyang pagkamatay. Gusto man niya tumayo ay talagang nanghihina na siya. Ramdam na ramdam niya ang pagkawala ng kanyang lakas, nais na din pumikit ng kanyang mga mata ngunit ito ay kanyang nilalabanan.
Nangibabaw mula sa kanyang pandinig ang tunog ng takong ng sapatos. Isang bulto ang tumigil sa kanyang harap at lumuhod.
Hindi niya malinaw na makita ang mukha nito dahil sa napakaliwanag na ilaw na nasa likod nito, idagdag la ang panglalabo ng kanyang mata dahil sa kanyang sa kanyang panghihina.
"Hindi mo pa oras." ani ng lalaki sabay haplos sa kanyang pisngi, tuluyan na niya naisara ang kanyang mata. Pagod na siya, pagod na pagod. Isang butil na lamang ng luha ang naisagot niya sa lalaking kaharap niya.
"Salamat mabubuhay ka." sa di malamang dahilan ay tila unti unti siya muling nagkaroon ng lakas na siyang naging dahilan para maigalaw niya ang kanyang braso at maabot ang kamay nito.
"Salam--." ganun pa man ay di na niya nagawang tapusin ang sasabihin at tuluyan nang nawalhan ng malay.
BINABASA MO ANG
The Vampire's Bride
VampireHighest rank achieved #100 in vampire "Knowing yourself is knowing who you are." Book cover by @betweens