"Are alright?"
Nilingon ko siya pero katulad pa din kanina ay hindi ako makaimik. Tila ba ay may pumipigil sa aking makapagsalita, at napipe na sa nangyaring aksidente kanina.
Naisip ko na alam kong kailangan ako sa site ng aksidente pero heto ako ngayon pauwi at ihahatid ng kaiskwela.
"Si Astral na ang bahala doon." Bigla niyang sabi na animo nababasa ang aking isip
Astral?
Kung sabagay ay siya ang may hawak ng mga bagay kagaya ng iyon.
Tuluyan na niyang isinara ang pintuan at saka binuksan ang makina ng sasakyan. Wala na ang lalaki o ang kanyang tauhan na naghatid ng sasakyan matapos niyang tawagan.
Inikabit niya ang kanyang seat belt, at saka ni inisilid ang susi sa susian at saka binuhay ang makina.
Tila naramdaman niya ang pagkakatingin ko sa kanya kaya nilingon niya din ako.
"Seatbelt." Plain niyang sabi sabay dumukwang sa gawi ko at saka isinuot ang seatbelt ko
Umiwas ako ng tingin at itinuon ang tingin sa labas ng bintana. Tinted ang mga iyon.
Naramdaman kong tumigil siya sa paggalaw ngunit hindi naalis sa pagkakapwesto niya kung saan ay napakalapit ng katawan niya sa katawan ko.
Sinikap kong hindi magpaapekto at pinilit na tinuon ang pansin ko sa mga bagay na nasa kabas ng sasakyan. Nahagip ng paningin ko si Astral na busy-ng busy sa pakikipag usap sa kanyang kausap na police officer.
Kahit na malayo siya sakin ay kitang kita ko pangungunot niya ng noo na para bang problemadong problemado siya, pinaglalaruan din niya ang ballpen na hawak niya gamit ng kanyang daliri at pinapaikot ito sa pagitan ng mga ito. Saglit aiyang tumigil sa pagsasalita at ganoon na lamang ang gulat ko ng lumingon siya sa gawi ng sinasakyan ko at tumingin ng diretso sa mata ko tila ba ay nakikita niya ang ng malinaw sa pagitan ng tinted na salamin na nakaharang.
Umandar na ang sasakyan, hindi ko na namalayan ang paggalaw ni Zane. Hindi pa din inaalis ni Astral ang pagkakatingin niya sa akin. Hanggang sa malagpasan siya ng sasakyan dahilan para tuluyan na siyang mawala sa paningin ko. Sinubukan ko pang tumingin sa rear mirror para tignan siya ngunit bumalik na siya sa ginagaea niya.
Naging tahimik ang byahe namin, ilang minuto lamang ay nakrating agad kami sa tapat ng bahay dahil hindi naman ito kalayuan sa iskwelahan.
Inalis ko pagkakalock ng seatbelt, at sandali pa akong natigilan para pagmasdan si Zane na siyang kakababa lang at pumunta sa gawi ko para pag buksan ako ng pinto.
Agad na sumalubong si kuya at niyakap ako at saka ini-eksamin ang katawan ko para tignan kung may galos o sugat man ako.
"What the hell happen Primozane?"
"It was an accident. But she's not hurt."
"Muntik lang naman siya magdaganan nung truck ng simento na natumba dahil di siya gumagalaw kanina." Dagdag pa ni Dimitri na nakatayo sa likuran ni kuya.
Nauna siyang nakarating dahil sa nakamotor siya. At base sa nangyayari mukhang may pag uusapan sila grupo dapat ngayon kung hindi lamang nangyari ang aksidente.
"What did you just say?" Mataray na tanong ni kuya, agad niyang pinunit ang manggas ng aking damit
Ganoon na lamang gulat ko ng hindi ako makagalaw. Nakatingin lang ako kay Dimitri. Hindi ko makita kung ano ang ginagawa ni kuya bakit niya kailangan punitin ang aking mangas.
"I told you --" hindi pa man nauulit ni Dimitri ang kanyang sinabi at bigla na lamang napasipa si kuya sa hangin at sunod sunod na nagmumura
"Sorry but i'm afraid I can't deal with you guys right now." Sabi ni kuya
BINABASA MO ANG
The Vampire's Bride
VampirHighest rank achieved #100 in vampire "Knowing yourself is knowing who you are." Book cover by @betweens