Natapos ang klase ko para sa linggo na iyon ng matiwasay. Nasanay na ako sa presensya ni Astral, maging ni Keithlia na nakakagulat na laging nasabay sa aking kumain, maging ni Astral. Ganoon pa man ay walang nagsasalita sa pagitan naming tatlo kahit na magkakasama kami.
Hindi din pa ako muling ginugulo ni Mina simula ng araw na iyon. At hanggang kanina ay hindi ko pa siya nakikitang pumasok. Tanging si Priscilla at ang mga tauhan lang nila ang naattend ng klase.
Ayon sa narinig ko, may nagsasabing suspended siguro ang dalaga. Ang iba naman ay nagsasabing hindi talaga ito napasok dahil ayaw makita ang pagmumukha ng kapatid.
Kung ako ang papipiliin mas tatanggapin ko ang pangalawang dahilan. Kahit na hindi ko alam ang dahilan kung bakit takot na takot si Mina sa kanyang kapatid.
Napagdesisyonan kong umuwi ngayong biyernes sa bahay. Tama na siguro ang pagtatago ko kay kuya ng ilang araw.
"Uuwi ka?" tanong ni Ingrid, naglalakad na kami malapit sa gate
"Oo." Sagot ko, "ikaw?"
"Hindi eh. Daming reports sa Acc 2. Punta lang ako sa nbs para bumili ng mga gamit at books."
"Sige dito na ako." Paalam ko ng makarating kami sa may gate
Matapos naming magpaalam sa isa't isa at mabilis din kaming naghiwalay ng daan. Magka ibang direksyon ang tatahakin para sa aming mga destinasyon kaya hindi kami nagkasabay.
Mabilis akong nakauwi sa amin. Inaasahan kong wala akong taong dadatnan ngunit taliwas ito sa inaasahan ko.
Dahan dahan akong pumasok para masilip ang mga tao na nasa loob ng pamamahay namin. Ganoon na lang ang gulat ko ng makita kung sino ang mga ito.
"Hyacinth?" patanong na tawag sa akin ni Kuya ng makita niya ako na nakatayo sa may pintuan
Pero hindi maalis ng tingin ko sa dalawa sa lalaki na nandito ngayon sa bahay namin.
Sina Primozane at Blaze Dimitri Ludwig, isa sa mga campus heartthrob.
"Anong ginagawa niyo dito?" Tanong ko
"Sino ba yan Zero?" tanong ng isang babae na katabi ni Blaze
"Hyacinth. Not now. Doon ka muna sa kwarto mo." Malamig na sabi kuya dahilan para mapatingin ako sa kanya
Tinignan ko siya ng ubod ng sama, linggid sa aking pakiramdam ang pag init ng aking mata pero pinipigilan ko talagang maiyak ngayon sa harap ng madaming tao.
"Paalisin mo na lang siya Zero kung makakagulo siya sa pagpupulong."
"Shut up Queensly. She's not going anywhere. Just give us a minute to talk." Ani kuya sabay kaladkad sa akin paakyat ng kwarto ko
Nang makarating kami ng kwarto ay padabog niya akong binitawan tsaka isinara ang pintuan.
"Dito ka lang at wag kang lalabas." Galit na sabi niya ng makaharap siya sa akin
Hindi ko siya sinagot na nanatiling nakatingin ng masama sa kanya.
Sobrang sama ng loob ko sa kanya ngayon.
"Look Rio," para bang hopeless na sabi niya, medyo natuwa ako dahil Rio na ang tawag niya sa akin imbis na Hyacinth pero gakit pa rin talaga ako sa kanya
"Ginagawa ko ito para sa kaligtasan mo."
"Kaligtasan ko? Laban saan kuya?"
Natahimik siya at napapikit na para bang hindi niya alam ang isasagot sa tanong ko.
"Laban sa kanila."
"Kung laban pala sa kanila kuya bakit mo sila kasama?!"
"Hindi mo naiintindihan!" Pasigaw na bulong niya,"binago mo ang ikot ng mundo. Andoon ako Rio! Andoon ako ng oras na iyon."
BINABASA MO ANG
The Vampire's Bride
VampirosHighest rank achieved #100 in vampire "Knowing yourself is knowing who you are." Book cover by @betweens