Pares ng mga mata ang sumalubong sa kanya pagpasok na pagpasok niya sa punong bulwagan. Ang kanyang mga seryosong mga mata at nakakaliklabit na mga tingin ang siyang dahilan para maging ilag ang mga paningin na kanyang nakakasalubong.
Naupo ang lahat ng makarating siya sa unahan, ipinatong niya ang kanyang mga kamay sa lamesa at inilibot ang tingin sa mga taong nakapalibot sa kanya, sinisiyasat na tila ba ay nakagawa ang mga ito ng malaking kasalanan.
"Nasaan na?" tanong nya, napakalamig ang kanyang boses
Nabakasan ng takot ang ilan sa mga kaharap niya at saka nagbaba ng tingin ngunit may ilan na nanatili ang kompustara nila.
Nangunot ang kanyang noo dahilan para magsalubong ang kanyang mga kilay na siyang mas nagpaseryoso at tapang sa kanyang mukha.
"Wala pa din kayong koneksyon?" mahinahong tanong niya muli ngunit katulad ng una nniyang tanong ay walang sumagot sa kanya at tila nakikipag-usap lamang siya sa hangin.
"Inutil!" napakalakas na sigaw niya sabay bagsak pa ng kanyang mga palad sa lamesa, dummagundong ang tunog na nilikha niya sa buong kwarto
"Zion," aniya sabay tingin kay Zion o mas kilala bilang Zero, ang mga tauhan niya ay may ibang pangalan para sa kanilang mga proteksyon
"Wala pa." sagot ng binate na hindi man lang makikitaan ng takot sa kausap na kahit na mas mataas eto sa kanya
Sino ng ba siya?
Siya lang naman ang pinuno ng pentagon, Ryker Inigo Luxemborg. Namana niya mula sa kanyang mga magulang ang trabaho na ito .
"Paanong nangyaring hindi ninyo mahanap ang debonair?!"
Ito na ang tyansa niya para makamit ang pangaraap ng kanyang mga magulang. Ang matalo ang mga bampiira. Ang kanyang ninuno ay mga tao lamang na ang trabaho ay patayin ang mga bampira, ang mga vampire hunters. Nakipag ugnayan sila sa mga bampira na tumakas sa munod nila noong unang digmaan at kinuhaan ng mga impormasyon, matapos makuha ang lahat ng kanilang Kailangan ay pinatay nila ang mga ito at pinalabas na nagpaconvert ang mga ito sa tao, at nagtatago din sa mundo ng mga ito.
Makalippas ng ilang taon natuklasan nila ang mga damphyr at ang isa pang uri ng mababang bampira, kinuha nila ang mga ito at pinageksperementuhan, matapos ng ilang taon na pag-aaral ay nakagawa ang mga ito ng isang prototype na bampira na hindi Kailangan ng dugo ngunit kasinglakas at may mga katangian at kakayahan ng isang tunay na bampira at isa siya sa mga doon. At isa siya sa resulta ng proyekto na ito, tinawag siyang shield dahil siya ang magpoprotekta sa kanilang organisasyon.
Sa kasalukuyan ay wala ng nakaalalm ng eksperimentong ito maliban sa kanya dahil pinatay na niya ang llahat ng tao na nasa likod nito. Kung ano ang dahilan? Siya lang ang nakakaalam at isa itong napakahabang kwento.
"Binibigyan ko kayo ng isang buwan." Bumitaw na siya sa pagkakahawak sa lamesa, "Matapos noon ay ihanda niyo na ang inyong buhay na ialay bilang pagkain ko sa oras na hindi niyo nadala sa akin ang hinahanap ko." Pananakot niya sa mga tauhan niya at umalis na ng bulwagan
Tumuloy siya sa kanyang opisina.
Pabagsak niyang iniupo ang sarili sa swivel chair na kahilera ng kanyang mamahaling lamesa matapos ay ipinatong dito ang mga binti.
Kinuha niya ang isang folder na orange at binuklat ito, mula dito ay kinuha niya ang isang maliit na litrato na nakatupi sa gitna.
"Rio Hyacinth huh?" bulong niya sa kawalan bago nagpakawala ng isang buntong hininga
Inis niyang ginulo ang kanyang buhok at patapon na nilapag ang litrato sa lamesa.
"Medialdea." Dagdag pa niya bago isinara ang kanyang mata
BINABASA MO ANG
The Vampire's Bride
VampirHighest rank achieved #100 in vampire "Knowing yourself is knowing who you are." Book cover by @betweens