Tulala akong sa pintuan na nilabasan ni kuya, muli kong binalik ang tingin ko sa akin damit na may dugo, nasa tapat ito ng aking puso. Kinapa ko ito at ganoon na lamang ang gulat ko ng makitang may punit ito sa tapat ng duguang parte. Inibaling ko ang aking paningin sa aking dibdib pero wala namang sugat ito.
Kumatok pa si kuya para icheck kung ano ng ginagawa ko, nagmamadali akong nag bihis at tahimik na binuksan ang pintuan. Sumalubong sa akin ang mukha ni kuya, nakatayo siya sa tabi ng pintuan na naghihintay ng aking paglabas.
"Halika sa baba."
Sinundan ko siya papuntang sala, andon din sina Dimitri at Primo na nag-iintay din sa pagbaba namin.
Naupo kami, nangibabaw ang tensyon sa loob ng sala kahit na wala pang nagsasalita. Tinitigan ko si Primo na hindi ko maintindihan ang ekspresyon dahil walang mabasang emosyon mula dito, nakatingin lamang siya kay kuya habang naka halukipkip. Sa tabi niya ay si Dimitri na nakapatong ang siko sa tuhod habang naka pangalumbaba na nakatingin naman sa akin. Sinalubong ko ang kanyang tingin ngunit hindi siya nagbabawi ng tingin dahilan para hindi ako mapalagay kaya ako ang unang nagbawi ng tingin.
"I don't where to start."
"She just need to know." Primo said plainly, inilipat ko ang tingin ko kay kuya na siya ding nakatingin sa akin
"Hindi mo naiintindihan." galit na sabi ni kuya sabay baling kay Primo, "Wala kang alam!"
"Kung akong walang alam at ibang tao ay nasasaktan sa nangyari kay Rio, ano pa kung si mismong rio na? Have you ever thought her feelings?"
"Iniintindi ko ang nararamdaman niya! Pero mas maiging wala siyang nalalaman!"
"Tumigil kayo, wag kayong mag away kuya please." saway ko
"Nakita mo naman na siguro Burton, mas lalo siyang napapahamak dahil wala siyang alam."
"Wait." lahat ay napatingin kay Dimitri, "It's you!" galit niyang sigaw sa akin sabay ay biglang isang espada ang lumabas sa kanyang kamay. Mula sa apoy ay umuukit ito ng korteng espada hanggang sa matupok ang apoy at mabuo mula dito ang isang pulang napakagandang espada.
"Prodótis!"
Naging alerto kami ni kuya at tumalon paatras ng bigla nitong iniwasiwas ang espada papunta sa gawi namin. Sa pangalawa nitong pag kumpas ng espada ay hindi nito napagtagumpayan na makatama sa amin dahil isang protective shield ang humara sa pagitan naming ni kuya at nila Dimitri.
"You are the debonair!" galit na sigaw ni DImitri
Ganoon na lamang ang panlalaki ng mata ni Primo sa sinabi ng kanyang kasama. Inosente akong ngumiti sa kanila bago ay iniangkala ang braso sa kay Zion.
"What do you mean Dimitri?" nawala ang malambing at inosente na tono ng boses ko, tinignan ko sila ng malamig at itinaas ang aking tingin na tila ba ay sila ang pinakamababang uri ng nilalang na nakilala ko
"We should go." sabi ni kuya habang nakatingin sa akin
Napangiti ako.
It's Zero.
Or also known as Zion Burton Medialdea, my husband.
Hindi totoong kuya ko siya, siya ang aking asawa. Nasa mundo kami ng tao ngayon dahil ay itinakas kami ng isang taksil na pamilya palabas ng Eripmav City bihag ang ama ni Zion na si Don Rufino.
Nakatakas kami sa kamay ng mga bumihag sa amin ngunit sa kasamaang palad ay kinailangan naming iwanan ang aming ama sa lugar na eksperimento dahil hindi na nito kaya pang lumakad dahil sa sobrang panghihina.
![](https://img.wattpad.com/cover/106902182-288-k589719.jpg)
BINABASA MO ANG
The Vampire's Bride
VampireHighest rank achieved #100 in vampire "Knowing yourself is knowing who you are." Book cover by @betweens