Chapter Four

121 7 4
                                    

“Makaka-upo na po ba ako?” magalang na tanong niya sa aming guro

“Oo sa may hulian may tatlong bakante na upuan doon, mamili ka na lang kung saan mo gusto maupo.”

Halos lahat ng mata ng akig mga kaklase maging ako ay nakasunod sa kanyang kilos hanggang sa makaupo siya. May apat na hilera ng upuan ang meron sa classroom naming, tipikal na ayos ng upuan sa mga eskwelahan na may magkatabing upuan kada hilera.

Naupo siya sa ikatlong hilera kapag nakaharap sa white board, isang upuan ang layo sa akin. Kitang kita ko siya dahil kahilera ko lamang siya at walang nakaupo na tao sa tabi ko.

NAgpatuloy ng magturo an gaming guro, napansin ko na nasagot agad siya sa mga tanong na tinatanong n gaming guro at mas madalas na siya ang nakakaalam nang sagot para sa mga mahihirap na tanong na binibigay ni Sir Colle.

Bukod ditto ay napakagaling din niyang magtagalog, mas magaling pa nga ata siya magsalita nito kesa sa akin. Mas gusto kong taglish ang aking salita no, mamamatay ako sa purong tagalog na paraan ng pakikipag usap katulad ng ginagawa nila.

Natapos ang klase naming ng maaga, nagkaroon ng maiksing pagsusulit matapos magturo ni Sir at hindi na nakakagulat na siya Astral ang pinakamataas sa amin.

“Hi, I’m Mina.” Tulad ng inaasahan ay siya ang pinaka-unang lumapit sa bagong salta, di ako lumingon sa gawi nila ngunit nanatiing bukas ang aking tenga na nakikinig sa usapan nila. Lumapit na din sa gawi nila ang iba pa niyang alipores habang ako ay inaayos ko ang mga gamit na nilabas ko.

“Yeah hi.” He plainly answer

“Uhm, may kaibigan ka na ba dito? Do you mind if we tour you around the campus?”

“Thank you for your offer but I’m sorry I can not accept it.” Napangiwi ako ng bigla siyang mag-english, ang ganda ng accent nito at hindi mapagkakaila na matalino ito. Mukhang kailangan ko nang magpakamatay magreview mamaya para di na mangyari ang nangyari kanina, nataasan lang naman niya ako ng isang puntos sa pagsusulit.

“Uhm okay?” nag-aalangan na sagot ni Mina, tumayo na ang binate at kinuha ang kanyang bag at tahimik na lumabas ng silid.

Napailing ako ng marinig ang sunod sunod na impit na tili mula sa aking mga kaklase na babae at mga asar na boses mula sa mga kalalakihan. Of course a BIG issue for them.

Gaya ng nakasanayan ko ay bumaba ako ng building at nagpunta sa cafeteria para bumili ng makakain, isang simpleng clubhouse sandwich lang ang binili ko at guyabano juice. This is my favorite. Matapos bumili ay dumiretso ako sa tapat ng main building na naupo sa mga upuan sa harap nito.

Eto ang tambayan ko noon. Oo noon especially noong panahon na galit na galit sa akin sina Mina. Tahimik kong kinagat ang aking sandwich at napa-isip muli.

Paano nga bang nangyari na bigla na lamang nagbago ang lahat?

Talagang wala napasok na sagot mula sa aking isipan. Hindi kaya dahil doon sa bigla na lamang na pagtigil ng galaw ng paligid?

Maging iyon ay hindi ko maipaliwanag. Napaka-imposible din kung aarte sina Mina na gusto nila ako dahil sukang suka ang mga iyon sa akin.

Napatigil ako sa pag-mumuni muni ko ng biglang may kumalabit sa akin. Napatingin ako sa aking tabi at nakitang ang isang mukha na galit ni Astral.

“Bakit?” tanong

“Saan mo nabili yan?” tanong niya habang nakaturo sa kinakain ko, saglit naman akong napatingin sa hawak kong sandwich at nagtatakang tumingin sa kanya

“Sa cafeteria?” patanong kong sagot sa kanya para maasar siya ngunit isang inosenteng tingin ang isinagot niya sa akin

Okay fine.

The Vampire's BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon