Chapter Two

131 7 12
                                    

Dahan dahan nawala sa aking labi ang ngiting binuo ko at namayani bigla ang matinding kaba sa aking dibdib.

Anong nangyayari?

Bakit parang nangyari na to?

BIglang sumakit ang aking ulo na para bang binibiyak ito. Agad akong napahawak sa aking ulo.

Isang butil ng luha ang naramdaman ko na tumulo mula sa aking mata. Di ko kinaya ng sakit at napaupo ako sa lapag at napadilat. Hilong hilo ao, halos mag dalawa na nga ang aing paningin. Ganun pa man nagawa ko pa ding idilat ang aking mga mata at pilit na inintindi ang nasa paligid ko.

Nakatigil pa din ang mga bagay na nasa paligid ko. Ngunit ganoon na lamang ang gulat ko ng isang bulto ang nakita kong naglalakad. Malayo siya sa pwesto ko para makilala ang itsura niyo, pero ang bulto na iyon. Kilalang kila ko iyon.

"Kuya." bulong ko ngunit alam kong di niya iyon maririnig. Namamalikmata ba ako o ano? Muli isang butil ng luha ang tumulo mula sa aking pisngi. Unti unting sumara ang aking mga mata hanggang sa tuluyan na akong nawalhan ng malay.

DAHAN DAHAN akong nagmulat ng mata. Ganoon na lamang ang gulat ko ng makita ko kung nasaan ako.

Nasa classroom ako!

Paanong nangyari to? Nakadamit ako ng school uniform namin at nakaupo sa upuan na nakagawian ko ng upuan. Nilibot ko ng tingin ang paligid ng mapansing walang ibang pumapansin sa akin. Nahagip ng aking paningin sila Mina na masyang nagkwekwentuhan sa gitna ng classroom, saglit pang napalingon sa akin si Mina at nginitian ako bago nagbalik ng tingin sa mga kaibigan niya.

Okay?

Anong nangyayari?

Nagsipagbalikan sa upan ang mga kaklase ko ng pumasok na ang guro namin para sa araw na ito, si Ms. Lunar para sa asignaturang ingles.

Kung panainip ito, ayoko ng magising. Napakaayos ng aming silid, hindi katulad dati na kahit nasa may guro na sa aming harap ang iba kong kaklase ay para bang walang pake at may kanya kanya pa ding ginagawa. Ang iba pa ay naglalaro ng kung ano, o ang iba man ay nag aaway. Pero ngayon ay sobrang salungat sa nangyayari noon. Tahimik ang lahat, at ang lahat ay nakikinig at nag-aaral.

I am missing a part here.

Kinuha ko ang phone ko at tinignan ang petsa.

February 23, 2018.

Eto pa din ang date, ala una na ng hapon. Kung titignan sakto pa din sa oras bago ako mawalhan ng ulirat kanina. Pero ano ba talagang nangyayari?

Natigil ako sa pag-iisip ng may biglang magtext sa akin. Di man tumunog ang phone ko dahil sa nakasilent eto, ngunit nagvibrate ito para maagaw agad ang aking pansin.

Galing ito kay kuya.

Text me if there's a problem.

Yun lang ang laman ng text. Bigla akong napatayo ng may maalala ako.

"Is there a problem Hyacinth?" tanong sa akin ni Ma'am Lunar, halos lahat na din ng tingin ng mga kakalse ko ay nasa akin, lahat nagtataka at naguguluhan na nakatinigin sa akin.

"Ma'am may emergency po kasi sa bahay." believe me hindi ko alam kung bakit iyon ang lumabas sa bibig ko basta na lang bumuka nag bibig ko

"Okay you may go." wala naman na akong ibang narinig sa kanya at nagpatuloy na siyang nagsalita, dahan dahan kong kinuha ang gamit ko at lumabas ng classroom. I badly need to talk with kuya

Matiwasay akong nakalabas ng school. Habang nasa daan ay di kong maiwasan di isipin ang nangyayari. Tinangka kong kalkalin ang mga gamit ko sa bag pero wala akon makuhan kahit anond ideya mula dito na pwedeng makapagpaliwanag kung ano bang nangyayari.

Ganoon na lamang ang gulat ko ng isang kamay ang humawak sa akin habang naglalakad.

"Jusko lola ginulat mo ako." natatawang sabi ko sa kanya habang hawak hawak ang aking dibdib, ngunti hindi niya ako tinapunan ni kapiranggot ng ngiti. Seroyoso siyang nakatingin sa akin.

"Sinira mo ang balanse ng mundo," bigla niyang sabi habang nakatingin ng masama sa akin

Bigla naman akong kinilabutan sa tingin at sinabi niya.

Ano?

Sinra ang alin?

Isang ginoo ang lumapit sa kanya at inalalayan siya, taimtim na nakatingin sa akin ang lalaki habang akay akay ang matanda.

"Halika na lola, hinahanap na po kayo ni Charles." sabi ng lalaki tapos ay inilalayan na at lumakad patalikod sa akin ngunit bago sila tuluyang makaalis ay humingi siya ng pasensya dahil sa inasal ng matanda, pasensya na daw kung natakot daw ako nito.

Mabilis naman akong nakarating ng bahay. Alam ko nasa bahay na si kuya ngayon dahil maaga ang uwi niya tuwing biyernes.

Di na ako nagpatumpik tumpik pa at agad na pumasok sa bahay. Natagpuan ko si kuya na nasa sala nakaupo habang tulala.

"Kuya!" sigaw ko, bigla siyang napatingin sa akin tila ba may nagawa akong isang malaking pagkakamali

The Vampire's BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon