[A/n: Alright its been years I know. I think I still have the same writing style 3 years ago so please bare with me. I just wish I can deliver well what I need to show you guys. Enjoy reading dont forget to vote and comment!]
Inis kong iniharang ang kamay ko sa pintuang pasara na dahil di man lamang ako hinintay ng lalaki na to at pinagbuksan. Hindi naman sa dinedemand ko na pagbuksan niya ako pero sana, hello? Nasa likod niya ako hindi naman masamang pagbuksan ako ng pinto. Tsk.
Sa inis ko at hinili ko ang kanyang likuran at hinatak ang damit niyang unat na unat at kinurot ito ng pino dahilan para magusot ito.
At tulad ng inaasahan agad siyang lumingon sa akin at tinignan ako ng napakatalim.
Sobrang arte.
"What the hell Rio?" talagang napakatalim ng kanyang tingin habang ang kanang kamay ay kinakapa ang likod na para bang mauunat nito ang nagusot na parte ng kanyang damit.
Patago akong natawa sa reaksyon niya at saka bumawi din ng sama ng tingin sa kanya.
"Alam mo ba ginawa mo?"
"Huh? Anong ginawa ko?"
"Sinarhan mo yung pinto!" Napalakas ng bahagya ang boses ko dahilan para mapatingin ang ilang malapit sa amin
"Yung pinto ang kusang sumara RIO." inis na sagot niya, emphasizing my name.
"Ikaw ang nagbukas ng pinto ASTRAL." bawing sagot ko sabay ngiti ang napakasarkastiko
Sa inis ko at inirapan ko na lamang siya at saka siya nilampasan at dumiretso ng lakad papunta sa lamesa kung nasaan ang logs.
Isinulat ko ang dapat isulat, bahagya pa akong napatigil sa pagsusulat ng maalala ko ang naganap kanina.
Hindi ko matiyak if gawa gawa ko lamang iyon o talaga bumagal ang oras dahil sa intense effect. Normal ang pagbagal ng takbo ng paligid di ba? Lalo na kapag may nangyayari kakaiba o hindi inaasahan. Pero hindi kilala ang lalaking iyon para ma intimidate ako.
Dumiretso ako ng lakad papunta sa isang hilerang bakanteng lamesa ng hindi nililingon ang kasama ko. Naramdaman kong agad siyang sumunod sa pag log matapos ko.
Nilabas ko lamang ang aking phone at nag bukas ng facebook, naramdaman ko ang paggalaw ng upuan sa tabi ko pero hindi ko ito nilingon.
"Sinong nagsabing umupo ka jan"
"Sino din bang nagsabing bawal ako umupo dito?"
Inis ko siyang nilingon at talagang tinitigan ng napakatalim
"For freaking sake HYACINTH." aniya emphasizing my second name, "it's just a door. May regla ka ba?"
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya at saka siya sinipa sa kanyang binti dahilan para bahagya siyang mamilipit.
Una dahil masakit. Pangalawa ang kanyang pinakamamahal na damit.
Napakaarte niya sa kanyang damit. Gusto niya ay unat na unat ito at walang dumi ni katiting o ni maliit na mantya. Ng mahalungkat pa nga ni Lia ang kanyang bag ng isang araw ay may dala siya clothe tape pang tanggal ng gabok na kakapit sa kanyang damit. Kaya ganoon na lamang asar niya sa amin dahil una pinakielaman namin ang kanyang gamit ng walang paalam, pangalawa natuklasan namin kaartehan niya.
"Bastos!" sigaw ko at tumayo sa pagkakaupo at nilayasan siya
Wala ako ngayon okay? Sadyang nainis lang ako sa ginawa niyang di man lang ako pinagbuksan ng pinto.
Napahawak ako sa phone ko ng maramdaman ko itong nagvibrate. Agad kong chineck kung sino ang nagmessage and it's from my kuya.
'Get home early I have something to tell you.'
BINABASA MO ANG
The Vampire's Bride
VampireHighest rank achieved #100 in vampire "Knowing yourself is knowing who you are." Book cover by @betweens