Chapter Three

113 10 9
                                    

Napaawang ang bibig ko sa mga susunod na nangyari. Bigla na lamang akong sinampal ni Kuya sa kaliwang pisngi ko.

Halos mabingi ako, wala akong marinig. Paulit ulit kong naririnig sa aking isipan ang alingawngaw ng tunog ng sampal ni kuya.

Bakit?

Nagtataka akong tumingin sa kanya. Di niya ako sinasaktan, at kahit kelan hindi dumapo ang kamay niya sa akin.

"Anong ginawa mo Hyacinth!" galit niyang sigaw na halos umalingawngaw sa di kalakihang bahay namin

"Bakit kuya? Anong nagawa kong mali?"

Inihilamos niya ang kanyang dalawang kamay sa kanyang mukha na tila ba stress na stress siya bago muling tumingin sa akin.

"You've just messed up with -- " di niya itinuloy ang sasabihin niya bagkus ay isang malakas at galit na sigaw ang ginawa niya

Tungkol ba to kanila Mina? Paano niya nalaman?

"Kuya I'm sorry, di ko din alam. Napakalaki kasi talaga ng galit ng grupo niya sa akin."

"What you're talking about?" naguguluhang tanong niya na para bang ang layo ng sagot ko sa sinabi niya kanina, di ako sumagot bagkus nanatili akong tahimik at diretsong nakatayo sa harap niya

"I do everything to protect you. Pero ikaw ang gumagawa ng ikakapahamak mo." tila nanghihina niyang sabi tapos ay tinalikuran ako, "I am so disappointed Rio." dugtong pa niya tapos ay tuluyan na siyang nawala sa paningin ko.

Katulad kanina ay isang patak ang luha ang pumatak sa aking pisngi, ngunit hindi na ito nadagdagan pa. Napakabigat ng dibdib ko na halos hindi na ako makahinga. Napakadaming katanungan ang nasa aking isipan.

Una, kung ano ba talaga ang nangyayari sa aking kapaligiran. Masyadong magulo, na sa sobrang gulo ay hindi ko na maintindihan ang nangyayari. Hindi normal ang ga ito, at alam kong kapag sinabi ko ito sa iba baka akalain pa nila baliw ako.

Pangalawa ay ang inasal sa akin ni Kuya, parang kanina lang nagtext pa siya na kung may kailangan ako lagi siyang nasa tabi ko tapos pag-uwi ko ganito dadatnan ko.

Isa pang nakapagpagulo sa aking isipan ay anng matandang nakasalubong ko kanina. Anong ibig sabihin niya sa sinabi niyang ginulo ko ang balanse ng mundo. At bakit ko naman magugul ang balanse ng mundo?

Dumaan ang araw, maliban sa nag-uadjust pa ako sa kpalaigiran ko lalo na kanila Mina, hindi ako sanay na hindi nila iniirapan o hindi binu-bully. Walang araw noon ang hindi nila ginawan ng masama kaya ngayon ay awkward ang dating sa akin lalo na kapag minsan ko siyang nakakasama sa groupings at natulong sa mga gawain.

Ilang araw ko na ding di nakikita si Kuya, basta paggising ko kinabukasan ay wala na siya sa bahay. Nag-iwan lang siya ng malaking halaga pera na nakalagay sa sobre sa ibabaw ng hapag kainan namin.

"A penny for your thoughts?" napaingon ako bigla sa nagsalita, kaklase ko si Ingrid.

"Wala naman, inaantok lang ako."

"Well alam mo na ba ang balita?"

Balita?

"Bakit anong meron?" tanong ko at nangalumbaba sa direksiyon niya, so far siya ang pinakakaclose ko sa room.

"May lilipat daw na bagong studyante dito!" masayang sabi niya, "sana gwapo." dugtong pa niya

Napailing ako sa sinabi niya, masyado akong maraming prinoproblema ngayon para isipin pa yang mga bagay na yan.

Natahimik ang lahat ng biglang pumasok ang guro namin para sa unang klase namin sa araw na ito, si Sir Colle. Mabait naman siya kaya takot sa kanya lahat ng studyante. Minsan talaga hindi mo kailangan magmukhang matapang para katakutan ka ng iba, isang simpleng pagbigay ng kabutihan sa kabila ng masasamang ginagawa sayo ng iyong kapwa ay susuklian ka din nila ng kabutihan.

"Nandito na ba ang bagong lipat na studyante?" tanong niya, ganyan talaga siya magsalita, puro tagalog. Maliban sa isa siyang guro ng asignaturang filipino ay talagang mahal niya ang wikang nakagisnan.

Natahimik ang lahat sa kanyang sinabi. Totoo nga na may lilipat na studyante. Nilingon ko si Inrid na katabi ko, nakangiti lamang siya ana tila iniimagine pa rin niya kung gwapo ba ang transferee na dadating.

Napalingon ang lahat sa pinto ng may kumatok. Hindi kita mula sa loob kung sino ang nasa laba dahil lagpas ulo pa ang taas ng paderbago ang bintana. Masyadong kulob ang silid alaran namin.

Lumapit si Sir dito at binuksan ang pinto.

Isang bulto nang lalaki ang naaninag ko hanggang sa tuluyan na siya pumasok. Nag-usap pa sila ni Sir ngunit hindi ko na ito naintindihan dahil napako na ang tingin ko sa kakadating lang na lalaki.

Matangos na ilong, mapupungay na mata, maputalng balat na tila ba ay hindi nasisinagan ng araw at kulang ng bitamina, at ayos na ayos na buhok. Nakapunta ang mga hibla ng kanyang buhok sa may kaliwang parte ng kanyang mukha at wala kang makikitaan na hibla ng buhok na nakalaylay sa noo niya.

Ang gwapo!

"I told you! Ang gwapo!" pigil na bulong ng katabi ko at saka umarte na parang naiihi dahil sa kilig

Okay? I admit ang gwapo niya, but heck madami din namang gwapong studyante sa loob ng school na kung tutuusin ay mas pogi pa sa kanya pero hindi maalis ang tingin ko sa kanya.

Nakatayo lmang siya sa harap habang may sinasabi si Sir sa kanya ng bigla siyang lumingon sa harap dahilan para magtama ang aming paningin. Tila bumagal ang takbo ng aking mundo, hindi ko maialis ang tingin ko sa kanya at napako na din ako sa aking kinauupuan. Saglit na nangunot ang kanyang noo matapos ay bigla siyang nagpakilala.

"Astral. Astral Rosewood."

(A/N: I'll try hard as I can to update atleast once a week, graduating student be like please do understand. Thank you if theres still someone reading this.)

The Vampire's BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon