DORMIES
Para sa mga estudyanteng nagdodorm, condo, apartment at malalayo sa pamilya,
Guys, alam kong minsan nakakagawa tayo ng hindi maganda na hindi alam ng mga parents natin, pero sana wag tayong abuso.
Isipin niyo, aside sa financial support na binibigay nila sa atin, tinitiis ng parents natin na hindi tayo makita sa araw-araw dahil alam nilang nag-aaral tayo ng maayos dito sa Manila.
Hindi natin alam kung gaano ka-sakit sa parents natin na malayo ang mga anak nila. Hindi rin natin alam kung gaano sila woworry sa atin, iniisip kung kumakain ba tayo sa tamang oras, kung nagkakasakit ba tayo, kung maayos ba ang kalagayan natin dito.
Kaya sana naman guys, suklian man lang natin ang mga pagsasakripisyo ng parents natin. Sige uminom kayo nang uminom, mag-Morato at Taft kayo araw-araw. Mag-bilyar at Dota kayo mag-damag sa Morayta at Espanya, kahit saan niyo gusto - pero sana man lang may magagandang grades tayong maipapakita sa kanila pag-uwi natin.
Pumayag silang malayo tayo para sa magandang edukasyon na para sa atin din, kaya sana wag nating itake for granted yun. Good grades at diploma ang hinihintay nilang kapalit, - hindi bagsak na grades, mabisyong anak, at lalong hindi apo.
Pull yourself together mga bes. Magising kayo sa realidad.
future RMT
2014
IAS
FEU ManilaP/s: A Big-big Check!
YOU ARE READING
FEU Secret Files
RandomA compilation of different stories from random anonymous people who wants to share their experiences on that sudden moment in their life, in or even out at their university called Far Eastern University. Enjoy reading! ©All Rights Reserved.