MAKEUP IS HER LIFE
"For one hour, pinapanood ko lang siyang mag make-up. Make-up is her life. Hilig niya na yun bago pa naging kami so who am I to stop her kahit na parang ginagawa niyang drawingan yung mukha niya. Kahit na palagi kong nireremind na you're pretty even without makeup.
Hobby niya is to watch makeup tutorials on Youtube. Kapag nasa mall kami, hindi pwedeng hindi kami dadaan sa makeup boutiques like MAC, Bobbi Brown, Etude house, marami pang iba. Nakabisado ko na dahil sa kanya. Nagtitingin lang siya kasi hindi niya afford yung mga gusto niyang bilhin. Hahawak siya ng makeup, titignan niya yung presyo tapos lulungkot yung mukha niya. Huling beses na nagpunta kami naiyak siya kasi may gustung-gusto siyang lipstick na paubos na at hindi niya pa nabili kasi kulang ang pera niya. Tahimik lang ako na pinapatahan siya.
Hindi niya alam. Lahat ng mga makeup na hinahawakan niya na tinitignan niya ang presyo at nakikita kong gusto niya pero hindi niya mabili kasi mahal eh binili ko para sa kanya. Niregalo ko sa kanya lahat yun nung anniversary namin. Hindi ko pa nga siya mapatahan nun kasi iyak siya nang iyak sa tuwa. Lol. Ang cute niya. :3
Masaya ako kasi masaya siya sa mga simpleng sparkly glittery shits na nilalagay niya sa mukha niya. Masaya ako kasi masaya siya sa pag papaganda ng sarili niyang mukha. As a boyfriend, support lang ako. Whatever makes her happy, makes me happy too."
Tan
2012
IAS
FEU Manila
YOU ARE READING
FEU Secret Files
RandomA compilation of different stories from random anonymous people who wants to share their experiences on that sudden moment in their life, in or even out at their university called Far Eastern University. Enjoy reading! ©All Rights Reserved.