Ang payat mo

719 9 1
                                    

"Ang payat mo, grabe!"

Tinatawanan ako ng mga kaibigan ko kapag sinasabi kong nahihirapan akong mag-pataba. Sobrang laki raw ng problema ko at hiyang-hiya raw sila.

Well, malaki talaga ang problema ko.

Akala niyo hindi mahirap maging payat? Akala niyo hindi mahirap na pakiramdam mo ang weak mo kasi isang bunggo lang sayo ng ibang tao, tatalsik ka na? Akala niyo hindi mahirap yung pakiramdam na mabilis kang masaktan? Yung tatawagin ka ng iba na isang ubo ka na lang? Kumakain ka pa ba? Malnourished? Anorexic ka? Yung tipong extra small na yung damit mo pero maluwag pa rin sayo? Bubullyhin ka kasi alam nilang kahit lumaban ka pabalik mahina ka dahil payat ka? Wow. Nakakatawa di ba?

Tapos yung double standard na okay lang sabihan kang "Ang payat mo, grabe!" pero hindi mo sila pwedeng sabihan ng "Ang taba mo!" dahil nakaka-offend daw yun.

I'm trying so hard just to gain weight. May vitamins at food supplement na ako, binge eating, lalo na junk foods at halos maduwal para lang tumaba. Kaya walang nakakatawa. Mataba, payat, don't judge. Shut up ka na lang. You have no idea what others are going through especially to those people who have eating disorders. Enough with the "Ang swerte mo nga payat ka eh ang daming gustong pumayat" well, you'll never understand someone's pain until you're the one feeling it.

Yats
2013
IABF
FEU Manila

FEU Secret FilesWhere stories live. Discover now