Hindi ko alam kung bakit may mga babaeng naaatim pumatol sa taong 'alam' nilang pag-aari na ng iba. Like, paano ka nakakatulog, sis? Paano ka nakakatulog knowing na may kapwa babae kang sinasaktan? Yung iba ang tatapang pa. Pero eto tanong ko sayo, hanggang diyan ka nalang ba? Hanggang pagiging sidechick ka nalang? Kung nakakaawa yung niloloko, mas nakakaawa ka.
Huwag mong irason na, "Nagmahal ka lang" dahil nagmamahal din yung taong ginagago niyong dalawa.
It takes two to tango. Gago yung lalaki para pag sabayin kayong dalawa, pero mas gaga ka dahil kontrolado mo ang sitwasyon pero mas pinipili mong ipagpatuloy. Wag na nating isipin yung babaerong hudas eh dahil wala nang pag-asang tumino ang pag-iisip non. Pero ikaw, alam mo kung ano ang tama't mali, sis. Alam mo ang pakiramdam kung ikaw yung nasa sitwasyon. Babae ka rin. Pero ginugusto mo rin talaga eh.
Di bale, pakasaya ka, sis. Mamahalin ka rin ng karmang kakapit sa malandi mong pagkatao soon. :)
Althea
2012
IABF
FEU Manila
YOU ARE READING
FEU Secret Files
RandomA compilation of different stories from random anonymous people who wants to share their experiences on that sudden moment in their life, in or even out at their university called Far Eastern University. Enjoy reading! ©All Rights Reserved.