Pussy Cat
"Ang hilig hilig ng gf ko sa pusa. Ultimo kakain kami sa labas, itetake out niya palagi yung alaga niyang pusa ng pagkain. Sa totoo lang, ayaw na ayaw ko ng pusa. Mabaho kasi yung pupu nila tapos yung balahibo makapit sa damit. Lalo na yung alaga niyang kamukha ni garfield, sobrang balbon pa.
Tuwing andon ako sa condo niya, siyempre given na yung maglalambingan kami. One time yung pusa niya nasa kusina kumakain. Nasa kwarto kami. Set na ang lahat, she's already smiling at me while I'm kissing her neck. Tang ina lang yung pusa niya biglang tumalon sa dibdib niya. Nakalimutan ko pala isara yung pinto. Ayun pinalipat niya ako sa tabi niya, sila ng pusa niya naglambingan. Minsan sinara ko yung pinto, iyak ng iyak sa labas. Sabi ko sa kanya hayaan niya na lang pero biglang tatayo na lang siya at bubuhatin yung pusa niya sa kama. Cockblocker -_-
Eto pa, tuwing nandon ako nagiging instant yayo ako yung tipong ""babe paabot daw ng ganito, ganyan. Babe paki hugas na lang yung plates ha. Babe, yung pakainan niya paki hugasan din ha. Babe yung litterbox niya pwede paki palitan na, ang dumi na kasi."" at ang pinakaayaw ko sa lahat tuwing makikiusap gf ko na linisin yung hairball ni Eren na kumalat sa carpet, kadiri ampota. Di siya makagalaw kasi yung pusa niya natutulog sa lap niya -_-
Pag tinititigan ko yung pusa niya, ang sama din ng tingin sa akin. Sinubukan ko siyang laruin pero puro karmot inabot ko sa kamay -_- everytime na ihahatid ko siya sa condo niya, pagbukas na pagbukas niya pa lang ng pinto yung pusa niya sinasalubong siya agad, iikot-ikot sa paa niya sabay karga. Minsan halos kalahating araw din ako kasama ng gf ko sa clinic ng Vet ng pusa tuwing ipapa-groom niya, or check-up. Puro balahibo yung loob ng sasakyan ko lalo na when that cat started to scratch, nagliliparan yung balahibo tang ina lang lagi pang natatapat na kakavacuum lang -_- nanadya talaga.
One time tumawag gf ko, umiiyak siya. Naalimpungatan ako. Around 11pm yun. Suka ng suka yung pusa niya at ang taas daw ng lagnat kasi sobrang init. Ako naman to, nataranta. Akala mo baby namin yung may sakit eh halos liparin ko from Taguig hanggang Taft, pagdating ko dun putla na yung pusa niya, iba na kasi yung kulay ng ilong. Tinawagan niya yung doktor. Naawa din ako kasi ilang beses tinurukan ng gamot yung pusa niya, kinunan ng dugo. That night nalaman namin na nagkahyperacidity yung pusa niya and needed to be confined para makabawi sa halos maghapon na pagsusuka. Medyo naging busy kasi siya sa ojt niya then di kinakain ng pusa niya yung pagkain na iniiwan namin.
Ang epic lang kasi pati ako naiyak habang tinitignan si Eren na nakahiga, nakadextrose. Magdamag kami nasa clinic ng gf ko and after almost 24hrs yung pusa niyang cockblocker, saksakan ng arte, masungit sa akin. Gumaling na, pero di pa rin siya friendly sa akin kahit na isang taon na kami ng amo niya. Pero kahit ganun, mahal ko na siya.
Last week para mabawasan pagiging clingy ng pusa niya sa kanya, bumili ako ng pusang babae. Her name is Trixie, regalo ko sa gf ko for our 13thmonthsary. Nakakatuwa lang kasi nung una sobrang ilap niya pa kay Trix, pero nung nalaman niyang babae, gumalawang breezy agad si Eren nakita na lang namin kinagat na niya sa batok hahahaha. Malapit na kami magkaapo ng gf ko kay Eren at Trix. Hahaha"
Glenn Rhee
20**
Institute of Tourism & Hotel Management (ITHM)
FEU Manila
YOU ARE READING
FEU Secret Files
RandomA compilation of different stories from random anonymous people who wants to share their experiences on that sudden moment in their life, in or even out at their university called Far Eastern University. Enjoy reading! ©All Rights Reserved.