Isaw at Kwek kwek
"Tawagin niyo akong maluho, lustay pera, and walang pagpapahalaga sa gamit pero ganito ako;
I changed expensive phones every 3 months or sooner pag feel kong nagsasawa na ako. I treat expensive restaurants as a mere ''carenderia''. Never akong tumikim ng streetfoods or meals na bababa ng 300 ang presyo. 5k ang baon ko araw-araw and wala akong mapag-gastusan masyado kaya andami ko ng ipon. (I'm not bragging my life tho, I'm just saying these things para madama niyo yung kwento ko.) Until I met this girl. She's so decent and simple and she caught my world off-guard.
Kinausap kita sa isa kong major subject kasi nahihirapan na ako ng sobra-sobra and wala ding may balak lumapit sakin kasi DAW sobrang suplado ko raw tingnan (which is totally opposite) and nahihiya daw sila sa sobrang gara ko tingnan. You never hesitated to heed my desperate call. You helped me a lot on that moment. Gladly, I passed the quiz. Nung nagbabasa ka na ulit ng notes mo, pasimple kong hiniram kasi may nasulyapan akong schedule graph dun and tiningnan ko yung oras ng last class mo. Hinintay kita and nagulat ka. I thanked you so much that night and niyaya kitang kumain sa isang resto kong kinakainan but you hesitated and I insisted. Kinulit kita na 'di ako uuwi hangang 'di ko nababalik yung kagandahang-loob na pinakita mo sakin. Sa huli, pumayag ka PERO sabi mo sa may kanto lang tayo ng bahay niyo para malapit. I said okay. I was expecting fast-foods or decent resto pero ang nakita ko lang is a grill and fishball stand. Sabi mo, dun nalang tayo kumain kasi daw mura. Almost masuka ako at the sight of sanitation ng pinaglulutuan. Tinawanan mo ako at hinila mo kamay ko para kumuha ng isaw(?) at kwek-kwek. Halos 'di ko masikmura yun pero nung natikman ko na, halos gusto ko ng bilhin lahat ng paninda dun. Tinawanan mo na naman ako. Dun nagsimula ang kwento natin.
Months passed, naging close tayo. Sobra, to the extent na halos may commitment na tayo. Tinanong kita kung pwede bang manligaw. Nagdalawang isip ka kasi sabi mo, ano nalang sasabihin sayo ng nanay mo kung pipili ako ng babaeng simple lang. Sinabi ko sayo na kumalma ka lang and maging positive hangang sa ma meet mo ang parent ko.
After 8 months of courting you, you finally said yes with the best smile I've ever saw. I introduced you to my mom that day after. Mom looked at you with the most suplada look a terror mom can give. You hid in my back and was so terrified. After my mom looked at your reaction, Mom laughed so much and smiled so gracefully and told you she was just messing around. She gave you the warmest welcome and told me she likes you. You had a girly talk with her and she even took you on a lady-shopping date. You never hesitated 'cause you were so shy back then. Mom almost bought you a car but you hesitated and I giggled so much at your cute reaction. After that, everytime I'm going to take you on a date, I always make reservations at expensive restaurants pero sa may isawan sa kanto niyo lagi ang bagsak natin and after that night, tinuruan moko magtipid. Binibigay ko sayo wallet ko and ikaw namamahala ng gastusin ko. You were so eager to teach me on how to spend smaller bills. 3 months later, nafeel ko yung pagbabago ko sa sarili ko. 300 nalang nagagastos ko sa isang araw, kasama na jan snacks natin after ng klase mo. I felt so changed and contented living a simple life from that day on.
2 years passed, I decided to meet your parents, and you were so happy that I told you that. After the day of our 2nd anniversary, pumunta tayo sa bahay niyo. Nagpakilala ako sa parents mo. Di ako nagpakita ng pagkamayaman ko. Nag-tricy lang tayo nun. Your father gave me a challenging look and your mom smiled at me. Sinabihan ako ng tatay mo na gusto niyang ma meet ang parents ko. Sabi ko, nanay na lang ang meron ako and sinabi ko kung anong rason at bakit. Nagayos ang pamilya ng date at lumabas tayo, kasama ang pamilya mo at mama ko sa isang magarang resto. Your dad and mom were grateful to meet my mom. My mom was so delighted to meet your parents 'cause they were so decent and neat. Our parents talked and laughed together while I was looking from a distance, craving for kwek-kwek and isaw.
Many challenges and tests from your dad was I able to pass, yung paggamit lang talaga ng pera ang hindi but after na makuha ko ang tiwala ng mga parents mo, nagdecide sila na patirahin ako sainyo and tuwang-tuwa ang nanay ko nung malaman niya yun. Almost bilihan niya kami ng isang magarbong bahay sa tabi ng village niyo but your parents said no. Then my mom said na kunin yung pera na ipapabaon sa amin. Kinuha ng tatay mo ng 'di nagdadalawang isip.
After several months, nagtaka na ako kung bakit wala man lang pagbabago sa bahay na yun. Nag-antay ako ng tamang moment para tanungin yung tatay mo about sa perang kinuha niya sa nanay ko until such time na dumating yung oras na yun. Out of nowhere, naitanong ko kung asan nga ba yung malaking pera na kinukuha niya sa nanay ko every month and ang sabi niya, ''alam ko iho na nagtataka ka kung asan yung pera pero ganito talaga kung bakit walang pagbabago dito sa bahay na 'to. Kada buwan na magpapadala ang nanay mo, ipinapakita ko sayo kung pano ko kunin PERO IBINABALIK KO sa sunod na araw'' sabay ngiti. Halos maiyak ako nun sa sobrang hiya ko sainyo. Nagsorry ako ng sobra at pinilit ko na kunin yung pera ko para man lang makabawi. Pinilit ko ng pinilit ang tatay mo na kunin yung pera at sa huli, kinuha rin nila. Sabi pa nga ng tatay mo, ''Hindi sa pera at katayuan nakikita ang pagpapahalaga sa isang tao. Sapat na ang oras at dedikasyon, anak.'' Nginitian ako ng tatay mo, naiyak na talaga ako sa tuwa kasi alam kong hudyat na yun na nakuha ko na ang abiso ng tatay mo para pakasalan kita.
Inaya kita sa isang magandang resto pero as usual, sa isawan ang bagsak natin. Nagpropose ako sayo mismo sa harap ng isawan. You said yes and tuwang tuwa yung taga-ihaw at nilibre tayo ng tag-isang barbecue haha!
A year after ng graduation mo, hinayaan kitang magplano kung san mo gustong ikasal at ngayong paparating ng June, ikakasal na tayo sa France. Nakita ko ulit yung tawa mo nung una mokong nakita na kumain ng isaw at kwek-kwek.
Pag naguusap tayo bago tayo matulog, lagi mong sinasabi na 'di ka makapaniwalang nagkalovestory ka nang pang Jan Di at Jun pyo. Lagi mong sinasabi na langit ako at 'di hamak na lupa ka lang, na ginto ako at tanso ka lang pero ang tunay talaga, langit ka at lupa ako, ginto ka at tanso lang ako. Sinasabi mo na napakaswerte mo sakin pero 'di mo marealize na MAS maswerte ako sayo and habang tinatype ko 'to, yakap-yakap mo ako habang naglalaway ka pa hahaha! Alam kong mababasa mo 'to mamaya kasi avid reader ka dito.
Laban na 'to, tatanda na akong magkasama tayo. Sobrang binago mo ang paniniwala ko na kayang gawin lahat ng pera.
25 na ako ngayon at kaya kong patunayan na may forever, hindi sa pera pero sa oras na kaya mong gastusin sa taong mahal mo. Ito ang munti naming kwento. :)
P.S.:Nakatira parin ako sakanila at naiinis parin talaga ako sa pusa na kumain ng ulam namin kagabi. "
Jun Pyo
2009
IAS
FEU Manila
YOU ARE READING
FEU Secret Files
RandomA compilation of different stories from random anonymous people who wants to share their experiences on that sudden moment in their life, in or even out at their university called Far Eastern University. Enjoy reading! ©All Rights Reserved.