Liars

701 9 0
                                    

Liars

I became a professional liar because of my parents. Puro kasi sila bawal noong minor pa ako hanggang ngayong senior citizen na ako. Joke! Ngayong 19 na ako. Though aware naman ako na para sakin din naman yung mga ibinabawal nila. Hindi naman sila kagaya ng ibang parents na kulang na lang bawal huminga, conservative lang talaga ang parents ko. Pero wag tayong mag-lokohan dito mga bes, may point sa buhay natin na nagsisinungaling tayo sa mga magulang natin kasi may mga batas silang ipinagbabawal na gustung-gusto naman nating gawin.

At dahil pasaway tayo, ito na ang mga common lies ng mga millenials. Kunwari may thesis pero sa inuman ang punta. Kunwari group project pero wawalwal kasama ang barkada. Kunwari may kailangan bayaran sa school pero ibibili lang ng kung anu-anong kashitan, pambayad ng libro may kasamang kickback. May times pa na hihingin natin ang tulong ng bestfriends natin na kunwari magkasama kayo pero jowa mo talaga ang kasama mo. O ipagpapaalam ka ni bff kunwari may sleep-over pero sa Morato ang ganap. Andiyan din yung mga ninja na tumatakas kapag tulog or wala ang parents. O sasabihing okay lang ang acads kahit mas bagsak pa sa bagong rebond na buhok ang grades.

Pero sana lang kahit nagsisinungaling tayo sa kanila, palitan naman natin ng kabaitan yun. Sunod lang tayo sa mga utos nang walang kasamang bulong. Lambingin sina mama at papa. Mag-aral nang mabuti. Wag matigas ang fes na sinungaling ka na nga, tamad ka pa. Wag ganoin mga bestfran!

Mama and Papa, kahit pasaway po akong anak ngayon promise bibigyan ko kayo ng apo bago diploma. Eme!! Siyempre diploma, bahay, at pera muna bago apo. I love you po. ❤

Jessa
2014
IABF
FEU Manila

FEU Secret FilesWhere stories live. Discover now