Bwisit na Sando

876 17 1
                                    

BWISIT NA SANDO

Most embarrassing moment? 2nd anniversary namin nun, bibilhin ko sana yung damit na palaging binabalik-balikan sa F21 ng girlfriend ko kaso hindi ko alam kung ano yung exact size niya sa damit pambabae but what I know is magkasing-katawan lang kami. I know kasi palagi niyang sinusuot mga damit ko kapag nasa amin siya, mejo chubby kasi yun pero maganda at mahal ko. Hahaha!

So ayun nga, sinukat ko sa fitting room yung sando na may shape na bra, may mga bulaklak na red yung design tapos kita pusod kapag sinuot. Taptap ata tawag niyo dun, ah ewan.

Sinusuot ko palang yung may sumpang sando hirap na hirap na ako, pero naipilit kong pagkasyahin. Nung tatanggalin ko na, putek ayaw na matanggal. Kahit anong pilipit ang gawin ko sa katawan ko hindi ko mahila pataas yung damit kasi ang lapad ko. Sobrang helpless ako. 30 minutes ata ako nun na namimilipit sa fitting room, may aircon pero pawis na pawis ako at pulang-pula. Eh ang nipis pa nung damit, kapag pinwersa ko baka mapunit, 2k pa naman ang presyo. Isang buwan ko rin pinag-ipunan 'yon.  Kaya kahit nakakahiya, tinawag ko yung saleslady na nakatayo dun sa tapat ng fitting room. Yung taga-kuha ng mga finit na damit.

Sobrang hiyang-hiya ako mga pre pero, "Ate, pwede patulong tanggalin itong damit?"

SL: Sige sir.

Bukas yung pinto ng fitting room mga pre, nasa pinto ng fitting room yung saleslady tapos nasa loob ako, bahala na kayo mag-imagine. So yung mga babaeng magfifit ng damit na dumadaan, nakikita kung paano hinahatak ng saleslady yung bulaklaking sando na sinuot ko. Grabe hiya ko parang unti-unting nauupos pagkalalake ko na parang yosi. Hahahaha! Habang tinatanggal ni ateng saleslady yung damit nag eexplain pa ako. "Ate sa gf ko talaga to eh, surprise ko sana to sa kanya, pareho kami ng katawan kaya ko sinukat". Gulat ako sa sagot ni ate, "Okay lang sir, wag ka nang mahiya, may mga kapatid naman akong bakla eh".

Putcha paps, parang gusto ko nalang talaga magpa-lamon sa lupa.

Malay ko ba kasi sa size ng damit ng mga babae kung susundan ko yung S, M, at L sa tag diba? Iba naman size namin sa inyo. Simula nun natrauma na ako eh. Hindi ko na siya binilhan ng damit ulit. Kinwento ko sa kanya yun, imbis na maawa saken, ayun nauutot sa katatawa. Amazing eh, no? 🙄

Jerico
2013
IABF
FEU Manila

FEU Secret FilesWhere stories live. Discover now