Relationshit Goals

1.3K 21 0
                                    

Relationshit goals

Hindi lahat ng nakikita niyong relationship sa Facebook masaya.

Relationship goals? Bf/Gf goals? Maraming nagsasabi sa amin niyan sa Facebook. Mahilig kasi kaming mag-post ng mga pictures na ang saya-saya namin. Ang sweet-sweet daw namin tignan. Bagay na bagay daw kami dahil pareho kaming good-looking, nakakainggit daw. Pero sa likod ng mga pictures na yun? Ibang-iba.

Palagi kaming nag-aaway. Palagi niya akong sinasaktan. Suntok, sampal, batok. Name it! Hindi lang physical abuse, pati na rin emotional abuse. Ilang beses ko na siyang nahuling may iba. Nasanay na nga ako na kapag nahuhuli ko siya, siya pa yung nagagalit sa 'kin kasi pinapakialaman ko siya. Ako pa yung minumura at sinasaktan niya. Hanggang sa ito na nga recently, may nagchat nalang sa akin na isa sa mga babae niya. Buntis. Tatlong buwan na. Umamin siya na siya ang ama pero hindi niya raw sinasadya. Ayaw niya raw panindigan, ako raw ang gusto niya.

Hindi ko matanggap, at hindi ko inexpect na darating sa point na 'to yung mga chances na binigay ko dahil umaasa pa rin ako na magbabago pa siya. Pero wala. May inosenteng bata nang involve. Hiniwalayan ko siya, and this time, for good.

Gusto ko sanang sa Facebook ko 'to mismo ipost dahil ang daming nagtatanong kung bakit kami naghiwalay, pero nahihiya ako. Nahihiya ako para sa sarili ko.

Kaya ayun, 'wag kayong mag-papalinlang sa mga nakikita niyo sa Facebook na akala niyo perfect relationship na dahil sa mga pictures/videos shits na nakikita niyo. Hindi niyo alam ang tunay na kuwento sa likod ng mga nakikita ng mata niyo.

xxxxx
2014
FEU Makati

P/s: Boys will be boys...

FEU Secret FilesWhere stories live. Discover now