1.2

77 3 0
                                    

Chloë's POV.

Hindi ko makalimutan yung encounter ko kay Theo kanina. Oo Theo lang dapat walang kuya! Di niya ko nirespeto. Wala daw akong dede?! Hinawakan ko ang dibdib ko at naramdaman kong meron naman kahit papano.

"AISH!"

Sa sobrang inis ko ay binato ko sa labas ng bintana yung earphone na binalik niya sakin. Naalala ko lang yung nangyari kanina. Nakakainis talaga.

"sometimes I feel lost, sometimes I'm confused, sometimes I found that I'm not alright and I cry, I cry huuuuuh huuuh huh"

Hindi ko napansin na nagpe-play pa rin pala yung kantang pinapakinggan ko kanina.

"So I just sit in my room
After hours with the moon
And think of who knows my name
Would you cry if I died?
Would you remember my face?"

bigla kong naalala yung tanong sakin ni Luna kanina. Ang creepy kasi masyado at nabigla talaga ako. Ano kayang pumasok sa isipan niya at tinanong niya sakin yun? Di kaya may problema nanaman siya? O kaya may nambu-bully nanaman sakanya? Kung ano man yun, bakit niya ko tinanong ng ganon at sa tono ng pananalita niya ay hindi siya nagbibiro.

Whatever it is. I will find out and save her before it's too late.

+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+

Catherine's POV

Nag paalam na ko kila Luna dahil iba ang daan ko pauwi ng bahay. Bago ako dumiretso pauwi ay pinag masdan ko muna sila. Nagku-kwentuhan pa rin sila at rinig ko ang malakas na tawa ni Chloë at Alexis at tamang ngiti lang si Luna, dalagang filipina talaga. Napaka hinhin na bata. Napangiti nalang ako at naglakad pauwi. Ang perfect namin. Sana laging ganito.

Habang nasa daan ay biglang may humarang na matandang babae sakin.

Baka pulubi kaya kinuha ko ang natitirang pera sa bulsa ko at inabot iyon sa kanya. Hindi niya ito tinanggap bagkos ay isang misteryosong at nakaka kilabot na ngiti ang binigay niya sa akin. Maiitim ang kanyang mga ngipin at ramdam ko ang takot.

"ay s-sorry po. A-ayan nalang po kasi ang pera ko..."

"hindi ko kailangan ng pero mo iha."

Sabi niya sakin sabay haplos sa muka ko. Hindi na ako umiwas dahil sa nakita kong kutsilyo na hawak niya sa kabilang kamay niya. Puno ng grasa ang kamay niya kaya ramdam kong may naiwan na dumi sa aking muka. Mabaho rin siya at marungis kaya naisip kong isa siya baliw.

"pwede ba kitang hulaan?" Tanong niya sakin habang nakangiti. Hindi ako nakasagot dahil sa takot na nararamdaman ko. Tinignan ko ang paligid at walang bahay at mga bakanteng lote lang ang meron. Pihadong walang darating na tulong kung sakali.

"wag kang mag alala libre lang ito at wala akong balak na saktan ka. Sandali lang ito." Sabi niya sabay hagis ng hawak niyang kutsilyo sa kung saan. Nabawasan ang takot na nadarama ko dahil don.

Pinagmasdan niya ako mula ulo hanggang paa. Tila kinikilatis ang bawat pulgada ng pagka tao ko. Pinag aaralan ang mga features ko. At tinitigan niya ako sa mga mata nang diretso.

"kung pag mamasdan ka ay isa ka lang simpleng dalaga..."

Panimula niya.

"maamo ang iyong mukha. at isa kang mabait na kaibigan, anak at estudyante."

Pinupuri niya ba ako? Ang sarcastic kasi ng tono niya eh.

"pero sa likod niyan ay nagtatago ang isang pusong puno ng inggit at galit sa isang tao."

Dirty Little SecretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon