Alexis' POV
Isang tunog mula sa nabasag na salamin ang gumising sa natutulog kong katawan. Dahan dahan kong minulat ang mga mata ko pero medyo malabo ang paningin ko at nakakaramdam pa rin ako ng pagkahilo epekto nh kemikal na pina amoy ng dalawang lalaki sakin kanina.
Naka tali ako sa isang silya. Kaya hindi ako makatayo sa kinalalagyan ko. Nasa isang abandonadong bahay o gusali ako. Hindi ko alam pero sa itsura neto ay muka itong nasunog dahil may mga sunog na furnitures at ang iitim ng mga pader na tila galing sa isang maitim na usok. Kinakalawang din ang mga bintana at ang ilan ay basag na. Mukang napabayaan na ang lugar na ito sa loob ng mahabang panahon. Tinignan ko mula sa kinauupuan ko ang paligid sa labas pero tanging mga puno at dalawang malayong bundok lang ang nakikita ko. Wala akong naririnig na tunog ng mga sasakyan mula sa labas, tanging mga huni lang ng ibon ang naririnig ko. Hindi ko tuloy maiwasang isipin na wala na ako sa Rosewood. Pero san naman kaya nila ako dinala at anong kailangan nila sa akin?
Mayamaya pa ay nakarinig na ako ng mga yabag mula sa labas kaya minabuti kong magtulog tulugan nalang para malaman ko ang plano nila sa akin.
Narinig ko ang pagbukas ng pinto tanda na pumasok na sila. Papalapit ng papalapit sa akin ang mga yabag at bigla itong tumigil. Dahil naka pikit ako ay hindi ko nakikita mga kinikilos nila kaya hindi ko maiwasang matakot.
Bigla ko nalang naramdaman ang pagbuhos ng malamig na tubig sa akin kaya napamulat ako ng wala sa oras. Sa sobrang lamig ng tubig na binuhos sakin ay nanginig ang katawan ko dahil sa ginaw.
"Gising na siya..."
Sabi ng lalaki na nag buhos ng tubig sakin.
Dun ko lang nalaman na nasa likod ko pala yung isa pang lalaki na nilagyan naman ng piring ang mga mata ko.
"SINO KAYO?! ANONG KAILANGAN NIYO SAKIN?!"
Nag panic na ako dahil sa piring na nasa mga mata ko. Hindi ko alam kung anong plano nila sa akin. Nag umpisa na rin akong mag wala sa kinauupuan ko. Ang pagwawala ko at ay lumikha ng ingay kaya isang malakas na sampal ang natanggap ko mula sa lalaking nasa harapan ko. So sobrang lakas nun ay parang tumabingi ang muka ko at parang nabingi ang kaliwang tenga ko.
"huminahon ka... Pabor sayo ang gagawin namin..."
Pabor sakin? Anong ibig niyang sabihin?
*Tap tap tap tap*
(A/n: tunog ng heels ganon. Lol)
Nakarinig nanaman ako ng yabag na papalapit sakin. Hindi ko alam kung sino siya pero base sa tunog ng paa niya ay babae ang papunta sa direksyon ko. Pero kahit sa tingin ko ay malayo layo pa siya ay amoy na amoy ko ang perfume niya...
Clive Christian no.1 isa sa mga pinaka mahal na perfume sa buong mundo. Alam na alam ko ang amoy na yon dahil minsan na akong binigyan ng ganon ng tatay ko.
"Alexis Mason..."
Rinig kong sabi ng babae.
"sino ka?! Kabit ka rin ba ng tatay ko?! Anong kailangan mo?!"
"wala akong pake sa tatay mo, wala kayong atraso o kasalanan sakin. It's just... Kailangan kita sa gagawin kong palabas."
Ano daw?!
"anong palabas?! An- AH!"
naramadaman ko nalang na may tinurok sila sa leeg ko kaya napasigaw ako sa sakit.
"Alexis, naalala mo ba si Manang Loleng?"
Si Manang Loleng...
Pano niya nakilala ang dating yaya ko?!
"diba gusto mong maghiganti sa mga ginagawa niya sayo tuwing wala ang mga magulang mo?"
Tama...
Si Manang Loleng... Sinasaktan niya ko pag wala sila mama sa bahay.
Marahas niyang sinusuklay ang buhok ko na halos mapunit ang anit ko. Kinukulong niya rin ako sa lumang cabinet tuwing uuwi akong basang basa ng pawis dahil sa pakikipaglaro. Hindi ako makapag sumbong nun kala mama kasi tinatakot niya kong papatayin niya sila pag natulog sila.
Natapos lang ang paghihirap ko sa kamay ni Loleng nang mahuli siya ni mama sa akto na sinasaktan ako. Dahil don ay napalayas siya sa bahay at wala na kaming balita sa kanya. Pero ang galit ko sakanya ay naipon at hanggang ngayon ay gusto kong maka ganti sa pang aabuso niya sa akin. Walang araw na gusto ko siyang makitang muli at gawin sakanya ang mga bagay na ginawa niya sakin.
Ilang sandali lang ay nakaramdam nanaman ako ng matinding pagkahilo at nawalan nanaman ako ng malay.
---------
Nagising ako sa isang damuhan. Minulat ko ang mga mata ko at nakita ko ang ilang mga seesaw at mga slides at swings. Kung hindi ako nagkakamali ay nasa isang playground ako. Tumayo ako at nalaman kong nasa playground ako ng Rosewood. Bakit nila ako dinala dito? At anong palabas ang tinutukoy niya? At bakit may hawak akong kutsilyo?
Ilang sandali lang ay may nakita akong papalapit sa direksyon ko... Sa paglalakad niya ay parang matanda na siya. Sandali? Parang kilala ko ang lakad na iyon. Pero imposible...
Nanatili muna ako sa kinatatayuan ko. Unti unti ay nakita ko ng mabuti ang taong papalapit sa direksyon ko.Hindi pwede...
Imposible...
Panong bumalik siya?!
Unti unti nanamang naipon ang mga galit ko sakanya. Bigla ring humigpit ang pagakakahawak ko sa kutsilyong hawak ko.
Tumigil siya sa paglalakad at tumingin nang diretso sakin. Tinginan niya ang mga mata ko na may halong pang aasar.
"Ang lakas ng loob mong magpakita sakin pagkatapos ng mga ginawa mo sakin dimonyo ka..."
Parang walang epekto sakanya ang mga sinabi ko. Tinawanan niya lang ako at dinuro duro na parang nanliliit siya sa akin.
Dahil sa ginawa niya ay lalo akong nagalit. Tila ang mga naipon na galit ko sakanyan ay sabay sabay na dumating upang lasunin ang utak ko. Tila nagkaroon ng sariling buhay ang braso at kamay ko dahil naramdaman ko nalang na hawak ko ang kutsilyo at winawasiwas ko na ito sakanya pero nakaka ilag siya sa bawat atake ko. Kada iwas niya ay hindi nawawala ang ngiti sa muka niya na tila inaasar ako at lalo pa akong ginagalit. Sa wakas ay natamaan ko ang braso niya.lumikha ito ng sugat na nagpa agos sa masaganang dugo. Dahil sa sugat niya ay natumba siya pero nakangiti pa rin siya sa akin. Hindi ko alam kung nasaan ang konsensya ko. Hindi ko ala kung bakit tila ang galit ko sakanya ang kumo kontrol sakin sa oras na to. Mukang wala na siyang pupuntahan dahil sa pagkakaupo niya."MAMATAY KA NA!"
sigaw ko bago ko siya saksakin pero natigilan ako sa nakita ko sa likod niya...
May nakatayong dimonyo sa likod niya. Nakangit ito sakin na tila natutuwa siya sa ginagawa ko. Nabitawan ko ang hawak kong kutsilyo at dahang dahang napa atras.. hindi ko alam ang nagyayari...
Unti unti ay nakaramdam nanaman ako ng pagkahilo. Naramdaman ko na matutumba ako pero may sumalo sakin at kasunod nun ang pagkawala ng malay tao ko...
-----------------
Yes drugged po si Alexis at nagha hallucinate siya.