Chloë's POV
Tanging iyak ni Mrs.Grayson ang namayani ng mga oras na iyon.
Hindi ma process ng utak ko ang mga sinabi ng mga pulis.
Dugo? Maraming dugo at ang scarf ni Luna?
Ayoko mang isipin pero, malakas ang kutob ko na may kinalaman si Alexis sa kung ano mang nangyari kay Luna.
Siya lang ang taong may matinding galit kay Luna at kahina hinala rin ang paglitaw niya sa park nang gabing iyon.
Maya maya pa ay nagpaalam na ang mga pulis na aalis na sila.
Hinatid sila ni Catherine sa labas ng pinto dahil sa nanatiling tulala si Mrs Grayson sa kanyang mga narinig.
"Alexis..."
Wala sa sariling tawag ni Mrs Grayson kay Alexis.
"Nasan si Luna? "
Tanong ni Mrs Grayson kay Alexis pero nakatingin lang ito sa sahig.
Nagulat naman si Alexis sa tanong saknya ni Mrs Grayson. Tila wala sa sarili si Mrs Grayson nang mga oras na iyon kaya nakaramdam ako ng kaba sa maari niyang gawin kay Alexis.
"Anong ginawa mo kay Luna?!"
Nanlilisik ang mga mata niya ng tinignan niya si Alexis sa kinauupuan nito.
"H-hindi ko po alam... Wala po akong alam..."
Takot niyang sagot kay Mrs Grayson.
Biglang tumayo si Mrs Grayson sq kinauupuan niya at galit na sinugod ang walang laban na si Alexis. Tila baliw niyang hinila ang buhok ni Alexis at sinakal sakal nita ito. Pinagtulungan naman namin nila Catherine na awatin siya pero hindi namin kaya ang lakas niya.
"NASAN SI LUNA?! NASAN ANG ANAK KO?! ANONG GINAWA MO KAY LUNA?! IBALIK MO ANG ANAK KO!"
"h-hindi k-ko *ugh* po alam *ugh*"
Tila hindi na makahinga si Alexis kaya napilitan siyang manlaban at naitulak ng malakas si Mrs Grayson.
Kasabay ng pagtumba niya sa sahig ay ang pagdating ni Theo sa bahay nila. Naabutan niyang ganun ang sitwasyon namin kaya hind maiwasang mabakas ang galit sa muka niya.
Tutulungan ko sanang tumayo ang nanay niya pero madali siyang lumapit sakin at tinulak ng malakas.
"ANONG GINAGAWA NIYO SA NANAY KO?!"
galit niyang tanong saming tatlo.
"bigla niya kong sinakal. Pinagtanggol ko lang ang sarili ko. Sorry"
Naiiyak na sabi ni Alexis.
"si Luna... Nawawala ang kapatid mo"
Walang emosyong sabi ni Catherine.
"A-ano?! Panong nawawala?!"
"A-anak... Pano na ang kapatid mo? Baka hindi pa siya kumakain... Kawawa si Luna. Hanapin natin siya please..."
Umiiyak na sabi ni Mrs Grayson.
Tila nawawala sa sarili si Mrs Grayson kaya minabuti namin na umalis nalang.Walang imikan kaming tatlo habang naglalakad. Hindi kasi namin lubos maisip na nawawala si Luna. Tinignan ko si Cath at Alexis at tila may malalim silang iniisip. Hindi ko alam, pero malakas ang kutob ko na may kinalaman si Alexis sa biglaang pagkawala ni Luna.
"So, iniisip mo talagang may kinalaman ako sa pagkawala ni Luna?"
Biglang tanong sakin ni Alexis.