4

32 2 0
                                    

Catherine's POV

The hell is empty, All demons are here...

All demons are here. Breaking their own horns just to fit in. Just to know how does it feels like to be loved and to be cherished.
and I am one of those demons. trying to find haven in this cruel and miserable world....

In this world filled with wolves in sheep's clothing. Foes with friendly faces. Just remember that everyone has a DARK SIDE...

and I gave into mine..

+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+

Pagpasok ko sa school ay sinalubong ako ng kumpol ng mga estudyante. Nagtipon tipon sila at tila may pinapanood. May nagbubulungan, may nagvi-video, may kumukuha ng mga litrato at may mga naka tingin sa papel. Hindi ko naririnig ang nangyayari kaya tinanggal ko ang naka salpak na earphone sa tenga ko.

"SLUT!"

Nakita ko na sinisigawan ng galit na galit na si Alexis si Luna sa harapan ng buong campus. Anong meron at bakit niya ginagawa to.

"akala mo hindi ko malalaman ang kababuyan niyo? Hayup ka tatay ko pa ang nilandi mo."

Sabi ni Alexis pero nanatiling tahimik si Luna.

Hinarap ni Alexis ang mga taong nakiki usyoso sa kanila ni Luna.

"Nakikita niyo ba tong babae sa harapan ko? Isa siyang p*ta. Sinira niya ang pamilya ko. Akala niyo Santa santita tong babaeng to. Eto ang ebidensiya." Sabi ni Alexis sabay kalat ng mga papel at muli niyang hinarap si Luna.

"It's over biatch. Pakisabi sa tatay ko na wala na siyang pamilyang uuwian pa."

Sabi ni Alexis kay Luna.

Matapos ang eksenang yun ay magkakahalong bulungan ang narinig ko.

"Grabe nagawa niya yun?"

"ang landi niya"

"sabi ni mama may sayad daw yan eh"

"nako girl lam na this"

"virgin pa ba yan?"

Umalis na si Alexis sa harap ni Luna at lumapit kay Chloë. Teka nandun si Chloë?! Bakit hindi niya pinigilan manlang si Alexis?

"Uy Catherine, yung bessy mo"

Sabi ng isa kong classmate.

"Bakit? Anong nangyayari? Bakit niya inaaway si Luna sa harap ng campus?"

May halong pagtataka kong Tanong sa kaklase ko.

"see for yourself..."

Binigay niya sakin ang isang papel at naroon si Luna kasama ang tatay ni Alexis papasok sa isang hotel.

Teka? Imposible. Pano nakarating kay Alexis ang picture na to?

Nagsimula na akong kabahan kaya tinignan ko ang mga nagkalat na pictures at puro ito kuha ni Luna kasama ng tatay ni Alexis.

Hindi ko alam ang naramdaman ko ng mga oras na yun. Nanlambot ang mga tuhod ko at medyo sumikip ang dibdib ko. Nagumpisa ng maglakad si Luna papalayo pero hindi siya tinigilan ng mga ka-school mates namin. Binato siya ng mga papel at nagsabi ng ilang masasakit na salita patungkol sakanya.

Napalingon siya sa direksyon ko. Tumigil siya sandali at kahit medyo malayo ang pagitan namin ay ramdam ko na may namumuong luha sa mga mata niya. Nagkatitigan kami nang mata sa mata pero iniwas ko ang tingin ko sakanya at naglakad papalayo.

"Cath?!"

Narinig kong may tumawag sakin pero hindi ko iyon pinansin. Hawak hawak ko sa mga kamay ko ang mga larawang nakolekta ko.

Wala to sa plano. Pano nangyari to? Ni wala pa kong sinabing gawin nita to. Bakit siya kumilos ng walang pahintulot ko.

"Cath?"

Biglang may humawak nang mahigpit sa braso ko kaya napatigil ako sa paglalakad at kusang hinarap ang taong nasa likod ko.

"Dylan?! Ano bang problema mo?!"

Bakas sa muka ni Dylan ang gulat dahil sa inasal ko. Si Dylan ay classmate ko na hindi ko alam kung bakit laging sunod ng sunod sakin.

"a-ah wala naman. Papasok ko ba?"

Napairap nalang ako sa tinanong niya sakin.

"Tanga ka ba o sadyang bobo ka lang?! Papabas ako ng gate diba? Sa tingin mo san ako pupunta?!"

Napayuko nalang siya dahil sa hiya. Hindi niya ako matignan sa mata dahil na rin siguro sa mga sinabi at inasal ko. Nakonsensya tuloy ako.

"Dylan look, I woke up from the wrong side of the bed. I'm not on the mood. I'm not feeling well so please... Understand. Im sorry sa mga sinabi ko pakisabi nalang sa prof na masama ang pakiramdam ko. Im sorry again. Iti-treat nalang kita ng lunch next time okay? Gotta go."

Hindi ko na alam ang reaksyon niya sa mga sinabi ko dahil naglakad na ako agad palayo sa lugar na to.

Nang makatrating ako sa isang shop ay kinuha ko ang phone ko at tumawag sa gagong may gawa neto.

"Hell-"

"Hey f*cking moron?! Bakit
Mo pinadala kay Alexis ang pictures na kinunan mo?! You big piece of shit!"

"Whoa whoa wait. Take it easy. Anong problema? Ginawa ko naman na ang pinapagawa mo ah? Sirang sira na si Luna sa campus niyo. Yung bayad ko ha?"

"sabi ko hintayin mo ang signal ko. Wrong timing ka eh."

"ah ganun ba? Sorry na."

"your sorry won't change a thing idiot. Go to hell."

"okay see you. Bye"

Tila nangaasar niyang sabi bago putulin ang paguusap naming dalawa.

Oo ako ang may pakana ng lahat ng iyon. Ang pagbunyag sa lihim ni Luna. Hindi ko inaasahan na ganito kabilis ang lahat. Hindi ko pinlano na sa gantong panahon ko ito gagawin. Sadyang tanga lang talaga ang inutusan ko...

Oo gusto kong masira lalo si Luna na sa campus. Lalo na sa paningin nila mama na wala nang ibang alam gawin kundi puriin siya na parang si Luna ang anak nila. Gusto kong pandirian siya ng mga taong nakapaligid sakanya. Pero ang hindi ko maintindihan ay kung bakit nakakaramdam ako ng awa at pagsisisi sa ginawa ko.

Ito na ba yon? Ito na ba yun ito na ba yung sinasabi sakin nung matanda nung isang gabi? Bakit kailangang maramdaman ko to? Mali ba na hangarin ko ang atensyon ng mga magulang na pinag kait sakin ni Luna mula ng makilala ko siya?

Pero ang lubos kong kinakabahala ay ang taong inutusan kong gawin to. Matagal ko na siyang kilala at alam kong mas tuso siya sakin. Alam kong gagamitin niya ang mga nalalaman niya para sirain o kontrolin ako, at hinding hindi ko hahayaang mangyari yun.

Kailangan ko siyang mapatahimik sa lalong madaling panahon...

+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+

Dirty Little SecretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon