Third Person's POV
Dala ng matinding takot ay minabuti ni Catherine na lumiban muna sa klase sa loob ng ilang araw. Ni hindi rin ito makakain ng maayos at nag umpisang maging iritable at maya't maya ang kanyang pag dungaw sa bintana na tila may pinagtataguan siyang tao.
Ilang araw ng ang lumipas mula ng masaksihan niya ang nangyari sa pagitan ni Alexis at Luna at sa pagkuha ng mga hindi nakikilalang lalaki dito.
Naging malaking palaisipan sakanya kung bakit dumating sa ganong punto ang galit ni Alexis kay Luna. At sa tono ng pananalita nito ay tila may mas malalim pang pinag uugatan ang galit niya dito. Hindi niya rin alam ang koneksyon ng mga ito sa mga lalaking nakita niyang kumuha sa walang malay na katawan ni Luna at kung buhay pa ba ito kasama ni Alexis.
Hindi rin mawala sa pakiramdam niya na parang may nakamasid sa kanyang pag tulog. Parang pinapanood ang bawat kilos nito kahit naka kubli siya sa apat na sulok ng kwarto. Inisip nalang niya na dala ito ng stress at konsensya dahil sa hindi niya sinasadyang pagpatay sa taong inutusan niyang gawin ang mga bagay na lumamat sa pagkakaibigan nila Alexis at Luna.
Hanggang sa isang tawag mula kay Chloë ang kanyang natanggap na nagsasabing kailangan niyang magtungo sa bahay ng mga Grayson dahil sa isang mahalagang balita na dapat niyang malaman.
Samantala, wala namang maalala si Alexis kung bakit punong puno ng kalmot at ilang gasgas ang kanyang mga braso at kung anong ginagawa niya sa playground ng ganong oras ng gabi. Hindi niya rin alam kung bakit siya pinapatawag ng Pamilya Grayson sa bahay nito. Iniisip nalang niya na baka may kinalaman ito sa mga bagay na nagawa niya kay Luna na nais niya ng pinagsisisihan. Gusto niyang marinig ang paliwanag ni Luna dahil alam niyang may dahilan kung bakit niya iyon nagawa dahil kung titignan ng mabuti ang bawat larawan na kanyang nakuha ay mababakas ang kalungkutan ni Luna habang kapiling kanyang ama. Kilala niya ng kanyang tatay sa pagiging tuso, malamang ay may pinipilit lang nito si Luna na gawin ang gusto niya.
Habang si Chloë naman ay kanina pa nakarating sa bahay ng mga Grayson. Yun ang unang beses niyang mapasok ang bahay ma yon dahil ni minsan ay hindi sila niyaya ni Luna na pumasok sa loob nito. Hindi maiwang mamangha ni Chloë sa kanyang mga nakikita. Kung titignan kasi ay mukang maliit lang ito sa labas pero ang loob nito ay tila tatlong ulit ng bahay nila. Mayaman nga ang mga Grayson. Isa sa mga naka agaw ng pansin ni Chloë ay ang picture nasa gitna ng kanilang sala. Isa itong lumang larawan na tantsa niya ay tila nasa 50's pa ito dahil sa kulay nito. Isa itong larawan ng isang lalaki na parang may dalawang personalidad. Isang maayos at disenteng tignan at isang misteryoso at nakakatakot.
"That's Dr.Jekyll and his alter persona Mr.Hyde"
Isang boses mula sa likod ni Chloë ang kanyang narinig at nalaman niyang mula ito kay Mrs.Grayson.
"Ah, Tita. Good day po"
Naka ngiti niyang bati dito pero laking gulat niya nang makita niyang maga ang mga mata nito at parang galing sa pag iyak.