Catherine's POV
Wala ako sa sariling bumaba sa kusina para kumain. Monday ngayon at makikita at makikita ko nanaman ang taong kina iingitan ko. Si Luna...
Si Luna na laging kinukumpara sakin nila mama. Si Luna na magaling, Si Luna na masipag, Si Luna na matalino at si Luna na mabait.
Luna
Luna
Luna
Puro nalang si Luna. Wala na silang makitang maganda sakin. Nakay Luna na lahat. Minsan iniisip ko na sana ako nalang si Luna o kaya sana mawala nalang si Luna ng mawala na ang taong laging kinukumpara sakin.
Naabutan ko sila mama na nag aalmusal kasama ang mga kapatid ko.
"oh gising ka na pala. Kumain ka na dyan at pumasok ka na."
Sabi sakin ni mama habang kumakain. Umupo ako sa tabi ng kapatid ko at hinainan ang sarili ko.
"naka post na pala yung mga dean's lister ah."
Panimula ni papa
"ah o-opo kahapon pa."
Walang gana kong tugon dahil ayoko pag Eto ang usapan.
"pang ilan ka?"
Tanong ni mama.
"e-eight po."
Sagot ko.
"good."
Sabi ni papa.
"eh si Luna?"
Shit. Eto nanaman.
"four..."
Walang ganang sabi ko
"buti pa si Luna nakapasok sa top five... Pakisabi kay Luna congrats at keep it up."
Sabi ni mama.
"ang talinong bata talaga nun no? At ang bait pa. Balita ko nanalo pa yun nung nakaraan sa sinalihan niyang contest.
Ang swete talaga ng magulang niya sa kanya. Ikaw Catherine, kelan mo balak pumasok sa top 5 ng dean's list? Kahit yun man lang sana magawa mo."Sabi ni mama.
What the?! Kahit makapasok sa top five?! Kulang pa ba yung nasa top 8 ako?! F*ck! I'm trying my best. Di manlang nila na appreciate yung achievement ko. Pathetic...
"oo nga hon, matalino talaga yan si Lun-"
Natigilan si papa sa sasabihin niya. Ayan nanaman sila. Pupuriin nanaman ang magaling na si Luna. Kesyo si Luna magaling nyeta si Luna nalang lagi.
"bakit Cat? May problema ba?" Tanong ni mama habang kumakain.
Problema? Tinatanong mo kung may problema ako? Oo! May problema ako. Ikaw! Kayo. Mga letse wala na kayong makitang ginawa kong maganda. Puro kayo Luna. Anak niyo ako pero hindi niyo napapansin ang mga achievements ko. Puro nalang si Luna ang magaling sa inyo.
"Wala... Tapos na ko. Aalis na ako."
tumayo ako at nagsimulang mag lakad paalis. Siguro kung wala si Luna okay ang lahat sakin. Kailangang mawala siya sa landas ko. Kailangan mo nang mawala Luna....
+-+-+-+-+-+-+-+-+
Chloë's POV
Monday na at malamang nauna na sa school ang mga kaibigan ko kaya mag isa akong maglalakad papasok.
Nakita na nila mama yung dean's list. At nakaabot ako sa pang 98 spot. Oo pang ninety eight ako sa list naka 90.03 kasi ang average ko kaya nakaabot kahit papano.
