Chloë's POV
It's been two weeks simula nang dumating ang bago naming kaklase na si Alessa. There's something in the way she looks at everyone sa school. Parang meron siya hinahanap at kada tingin niya sa bawat isa ay parang inaaral niya ang mga mukha nito. Lagi rin siyang tahimik at walang imik sa mga bagay bagay. Bihira lang din siyang makipag usap at isang tanong isang sagot lang siya. Dahil sa ugali niyang iyon ay hindi maiwasang mainis sakanya ang mga kaklase namin. Ang mysterious niya at gusto ko siyang makilala pero hindi ako nakahanap ng timing para kausapin siya.
Hindi na kami naguusap nila Catherine at Alexis. Nagkakasalubong kami sa hallway pero parang mga strangers nalang kami sa isat isa. Ang mahigit 10 years naming pagkakaibigan ay natapos simula nang mawala si Luna. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Sana mahanap na si Luna at matapos na to.
"*"*"*"*"*"*"*"*"*
Third Person's POV
Isang tanghali ay abala ang lahat sa kani-kanilang klase ang mga estudyante sa Rosewood University, ang paaralan kung saan pumapasok sila Chloë. Nang binulabog sila ng isang galit na galit na si Alexis.
“schoolmates please proceed to our gymnasium. ASAP!"
Anunsyo ni Alexis mula sa mga speakers ng university. Unti unti ay nagsipuntahan ang mga estudyante sa gymnasium. Napuno ito ng mga estudyanteng nagtataka kung bakit sila pinatawag ni Alexis sa gitna ng klase nila.
Magkasunod namang dumating sila Chloë at Catherine pero nagtitigan lang silang dalawa at hindi nagimikan. Napansin ni Catherine na may hawak na chrysanthemum si Alexis sa kaliwang kamay nito at base sa pagakakahawak niya dito ay parang galit na galit siya.
Nang mapuno na ang gymnasium ay nagsalita na si Alexis.
"*"*"*"*"*"*"*"*"
Alexis'POVNang mapuno na ang gymnasium ay inisa isa kong tignan ang bawat muka ng mga estudyanteng pumasok sa loob nito. Malamang ay lahat sila ay nagtataka kung bakit ko sila pinatawag sa kalagitnaan ng klase.
May mga nagbubulong bulongan at patungkol sakin at sa pagtawag ko sakanila.
“anong eksena niyan?"
“uy may hawak siyang chrysanthemums, para kay Luna ba yan?"
“alam niya bang bawal yang ginagawa niya?"
Wala akong pake sa mga sinasabi nila basta ang gusto ko ay malaman kung sino sakanila ang may gawa nito.
“Rosewood, sino ang naglagay nito sa labas ng locker ni Luna?!"
Natahimik ang buong gymnasium dahil sa pasigaw at pagalit na tanong ko.
Nakita kong papalapit sakin ang principal namin.
“Miss Mason! Alam mo bang bawal tong ginagawa mo?! Pumunta ka sa off-"
“yes mister principal alam kong bawal tong ginagawa ko and I'm willing to face the consequences."
Sagot ko sakanya
“uulitin ko Rosewood, sinong-"
“AKO!"
Natigilan ako ng may isang sumagot sa tanong ko.
“Ako ang naglagay niyan sa labas ng locker ni Luna. Masama ba?"
Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay may halong pang aasar ang tono ng sagot sakin ni Catherine.
Bumaba ako ng stage at nilapitan si Catherine at hinawakan ang kamay niya. Hihilain ko sana siya palabas para dun kami magusap pero nagmatigas siya at nanatiling nakatayo sa kinalalagyan niya.
“ano bang big deal sa ginawa ko at kailangan mo pang mambulabog ng buong school?"
“anong big deal?! Okay ka lang ba Catherine?! Chrysanthemum seriously?! Sigurado ka bang patay na si Luna para maglagay ka neto sa locker niya? What the hell is wrong with you?!"
“hahahahahahahahahahahahaha-"
*Slap!*
Hindi ko napigilan ang sarili ko at bigla kong nasampal ang tumatawang si Catherine.
“What was that for?"
Tanong niya habang masamang nakatingin sakin.“Cath, best friend mo ang pinaguusapan natin dito? Bakit ka ganyan?"
Naluluha kong tanong sakanya.
Pero parang walang epekto sakanya ang mga sinabi ko at tinignan niya lang ako ng may lalong pang-aasar.“Eh ikaw? Bakit ganyan ka ka-concern kay Luna? Diba galit ka sakanya dahil sa affair nila ng tatay mo? Kung tama ang pagkaka-alala ko ay pinakalat mo pa nga sa buong campus ang picture nila ng tatay mo at sinabihan siya ng masasakit na salita? Hmmm. Nakokonsensya ka ba o nililigaw mo lang ang atensyon ng buong campus tungkol sa pagkawala ni Luna? May tinatago ka ba Alexis Mason?..."
Mapang asar niyang sabi sakin. Hindi ko napigilan ang sarili kaya sinugod ko si Catherine...
"*"*"*"*"*"*"*"*"*"
Short UD guys :)Next week nalang ang continuation :)
Don't forget to vote and comment :) yun lang thank you and god bless :)
