Catherine's POV
Isang linggo na ang naka lipas nang nalaman ni Alexis ang namamagitan sa tatay niya at kay Luna. Isang linggo na ring naging impyerno ang buhay ni Luna sa school. Pero pumapasok pa rin siya na tila normal lang ang lahat at walang nangyayari. Nakakatanggap siya ng mga hate messages mula sa mga schoolmates namin. Lantaran siyang binubully pero hindi niya iyon pinapansin. Sumosobra sa pangungutya at pang huhusga ang iba at sinsakatan siya sa pamamagitan ng pagpatid, pagsabunot at pagbabato ng mga bagay bagay gaya ng nilukot na papel o itlog. Kilala ko si Luna. Hanggat kaya niya ay titiisin niyang ang mga bagay na yon. Ayaw niyang ipakita sa lahat na nanghihina na siya. Pero sa loob loob niya ay durog na durog na siya.
Malamang ay hindi niya pa ito sinasabi sa mga magulang at sa kuya niya dahil ayaw niyang madamay ang mga ito sa problema niya. Walang masyadong kaibigan ang mga Grayson dito sa Rosewood. Isolated at malayo ang lugar na tinitirhan nila kaya wala pa rin sigurong nagsabi ng problema ni Luna mula sa mga kakilala nila, kung meron man. Hindi kasi sila masyadong nakikihalubilo.
Tulad ng inaasahan ko ay nadismaya sila mama kay Luna. Nandiri sila dahil sa nalaman nilang nagawa nito.
Naalala ko pa nung araw na malaman ko ang tungkol kay Luna at kay Mr.Mason.
___________________
*Flashback...
17th birthday ni Alexis ngayon. pero hindi tulad ng iba ay isang simple at maliit na handaan lamang ang naganap sa bahay ng mga Mason. Tanging kaming magakakaibigan lang ang bisita ni Alexis ng mga panahong iyon.
Hanggang sa natapos ang salo salo at napag pasyahan kong sumabay pauwi kay Luna. Hinanap ko siya sa buong bahay pero ni anino niya ay hindi ko nakita. Hanggang sa napagdesisyunan kong umuwi nalang mag isa.
Habang naglalakd pauwi ay napadaan ko sa isang bakanteng lote. Nakita ko dun na pumasok si Luna nagtaka ako kung anong ginagawa niya dun kaya sinundan ko siya papasok. Hindi niya naman ako napansin hanggang sa may nakita akong lalaking sumalubong sakanya. Medyo malayo ang pwesto ko mula sakanila kaya hindi ko marinig ang pinag uusapan nila. Madilim rin ang paligid at natatakpan ng ulap ang buwan kaya hindi ko makita kung sino ang kausap niya. Pero sa kinikilos nila ay tila may hindi sila pinagkaka unawaan o nag aaway silang dalawa.
Maya maya pa ay nawala ang nakatakip na ulapa sa buwan. Sapat upang makita ko kung sino ang lalaking nasa harapan ni Luna.
Si Mr.Mason?!
Biglang hinalikan ni Mr.Mason si Luna kaya nanlaban ito pero hindi siya makawala dito. Tumigil si Luna sa panlalaban at tila nag pa ubaya nalang ito sa mga halik ng tatay ni Alexis.
Simula non ay nag umpisa na akong pasundan si Luna at si Mr.Mason kung san sila pupunta. Nag hire din ako ng susunod at kukuha ng mga pictures nila upang gamitin laban kay Luna. And the rest was history...
*End of flashback
______________
Isang linggo na rin kaming walang kuminikasyon sa isat isa. Isang linggo na kong umiiwas hindi lang kay Luna pati na rin kila Alexis at Chloë. Hindi ko na alam kung pano ko aayusin ang gulong nasimulan ko. A single sorry is not enough to fix things.
Bandage don't fix bullet holes. It feels like I'm living with my own ghost right now. And I know that it will haunt me forever.
At isang linggo na kong tine-threaten ng taong inutusan kong gawin to. Sinasabi ko na nga ba na darating sa gantong punto ang lahat. Masisira si Luna habang maiipit naman ako. Tila ako na rin ang gumawa ng sarili kong bangungot dahil dito. Hindi ko alam kung pano ko tatakasan pero nandito na ko. Kailangan kong gawan ng paraan to baga mahuli ang lahat para sakin. Kailangan ko siyang mapatahimik sa lalong madaling panahon...
