Chloë's' POV
Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin lubos matanggap ang mga nangyayari sa paligid ko. Hindi ako makapaniwala na magagawa ni Luna yun. Sa pagkakakilala ko kay Luna ay mabait siya at mapagkaka tiwalaan. Ni hindi nga nagpapaligaw yun eh dahil tutok sa pagaaral. Pero may affair sila ng tatay ni Alexis? Gash. Sumasakit ang ulo ko. Alam na kaya ni Catherine to? Sana kasama nya si Luna ngayon dahil ngayon siya mas kailangan nito as her best friend.
"Weaver? Bat nandito ka? May klase kayo ngayon diba?"
Biglang dumating si Kevin out of nowhere.
Nasa café ako ngayon malapit sa school. Minabuti ko munang wag pumasok dahil siguradong makiki usisa yung mga classmate kong chismosa tungkol sa nangyari kanina.
"Ah Kevin ikaw pala. Wala nagpapalamig lang ako dito. Tsaka umiiwas kasi ako sa mga classmate kong chismosa."
Sagot ko sa tanong niya. Hinila niya ang upuan sa harapan ko at umupo dito.
"ikaw bat nandito ka?"
"ah, Wala kasi kaming prof ngayon. Uuwi na sana ako kaso nakita kita dito kaya pumunta ako."
"ah okay."
Yumuko nalang ako at minabuting tumahimik muna.
"uy ano? I-snobbin mo lang ako? Usap tayo."
"sorry."
"wait lang order ako ng makakain natin."
At umalis na siya paw umorder.
Naalala ko ang titigan kanina nila Kevin at Luna kaya na curious ako kung anong meron sa pagitan nila.
Nang makabalik siya ay hindi na ko nag dalawang isip na tanungin siya tungkol sa bagay na yun.
"Kevin pwedeng magtanong?"
"nagtatanong ka na. Ano yun?"
"uhm, yung kanina yung titigan niyo ni Luna. Anong ibig sabihin nun? Magka kilala ba kayo? Anong meron sa pagitan niyo?"
Bigla siyang nagulat sa tanong ko. Para siyang nawalan ng dugo sa muka dahil don kaya lalo akong na curious kung anong meron sa kanila.
"a-ah yun kanina? Ano. Uhm ano kase may utang ako kay Luna, last week ko pa hindi nababayaran kaya nagalit siya sa akin. Kaya masama tingin niya sa akin. yun lang yun."
Sinungaling. Hindi siya makapag salita ang maayos at hindi siya maka tingin sa mga mata ko. Si Kevin mangungutang? Eh sa pag kaka alam ko nagdo-donate pa nga siya ng sarili niyang pera sa mga charities eh. May mas malalim na dahilan ang mga tingin na iyon. Posibleng may alitan sila ni Luna na hindi nila pina paalam sakin. Hindi kaya isa siya sa mga nagbibigay ng problema kay Luna kaya niya nasabi ang bagay na yun nung Friday night?
"okay, sabi mo eh."
Sabi ko sabay kagat sa binili niyang donut
"parang di ka naniniwala eh?"
"hindi naman aa ganon naniniwala naman ako sayo kung anong sinabi mo yun ang paniniwalaan ko."
"talaga?"
"oo yun ang paniniwalaan ko. Sayo ako maniniwala."
Yun ang paniniwalaan ko habang hindi ko pa nakakausapa si Luna tungkol dun. Ako mismo ang aalam mula kay Luna.
Matapos ang ilang oras namin sa café ay napagasyahan namin na gumala muna sa isang malapit na mall para magpalipas oras. Pero kahit anong gawin naming paglilibang sa mall ay hindi maalis sa isip ko ang nangyari sa pagitan nila Alexis at Luna.