Chloë's's POV
Dumating ako sa playground pero walang Luna ang humarap sa akin. Naghintay pa ako ng ilang saglit hanggang sa naging oras pero wala talaga. Kaya napag pasyahan kong i text nalang siya. Pero ni reply ay walang dumating sa akin.
Malamang ay tuwang tuwa na ang mga lamok dahil sa pagdating ko. Pinagpi-pyestahan na nila ang mga binti ko pero tiniis ko nalang yun dahil sa gusto kong malaman ang side ni Luna. Gusto kong malaman ang mga bagay na gumugulo sa isip niya.
Chineck ko ang oras sa phone ko at nakita kong 10:39 na pala ng gabi. Siguradong papagalitan ko ni mama kaya napag pasyahan kong umuwi nalang. Siguro naman pwede kong puntahan si Luna sa kanila bukas kung hindi siya papasok diba? O kung hindi man, pwede ko naman siyang puntahan sakanila.
Nag umpisa na akong maglakad paalis ng playground. Habang umaalis ako ay ramdam ko pa rin na pinagpi-pyestahan ako ng mga lamok dito. Sa daan ay hindi ko maiwasang alalahanin ang mga memories namin sa playground na to. Yung mga paglalaro namin na wala kaming pake kahit amoy araw at ang lalgkit namin tapos makikita namin si manong Kanor na nagtitinda ng dirty ice cream at mag uunahan kami dahil baka maubusan kami ng ibang mga bata. Hays...
Pwede nang mag shooting ang isang horror movie dito kung sakali dahil sa dating ng playground na to. Ang creepy pero hindi ko makuhang matakot dahil bigla kong naalala yung sasabihin sakin ni Luna. Hanggang ngayon ay puno pa rin ang utak ko ng tanong kung ano yun at kung pano nangyari ang lahat ng ito.
Parang ibang Alexis ang nakita ko kanina. Hindi ko siya makilala dahil sa mga sinabi at ginawa niya kay Luna. Well, kung sakaling mangyari sakin yun ay baka di ko rin ma control ang mga lalabas sa bibig ko. Siguro natural lang yon pero sana humingi man lang siya ng paliwanag ni Luna.
Palabas na ko ng playground ng may mapansin akong babaeng naglalakad paatras. Kahit madilim ay kitang kita ko ang mga kilos niya. Parang nahihilo siya habang palinga linga sa paligid. Nakatingin siya sa mga kamay niya at parang umiiyak siya na ewan. Tumingin tingin siya sa paligid at nakita kong si Alexis pala iyon.
Nagkatitigan kami at patakbo siyang lumapit sakin. Tsaka ko lang napansin na puro talsik siya ng mga dugo at may mga kalmot siya sa kanyang mga braso at mukha. Mga sugat na mukang defensive wounds.
"C-chloë tulungan mo ko..." Umiiyak niyang sabi sakin. Tsaka ko lang napansin ang isang bagay na nagpagimbal sakin...
Hindi ko alam kung pansin niya o hindi pero. Hawak niya pa rin ang isang kutsilyong basang basa pa ng dugo.
+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-Alexis' POV
Sa buong araw ko sa school ay wala akong naintindihan ni isa aa mga tinuro ng mga professors. Lutang na lutang ako buong maghapon. Walang ibang laman ang utak ko maliban kay Luna at sa kababuyan nila ng tatay ko. Ni hindi ko lubos maisip ka siya na kaibigan ko pa ang sisira sa pamilya namin. Pero hindi ko alam kung bakit nokokonsensya ako sa ginawa ko sakanya. Merong side sakin na nagsasabing tama lang ang ginawa ko dahil sa emotional damage na ginawa niya sa nanay ko. Pero may nagsasabi rin na mali ang ginawa ko at dapat pinakinggan ko ang paliwanag niya. Alam kong may dahilan kung bakit niya yun ginawa.
"Miss Mason?"
"Miss Mason?"
"MISS MASON?!"
Hindi ko napansin na naka tatlong tawag na pala sakin si Mr.Black. nang tignan ko siya ay medyo masama ang tingin niya sa akin at nakatingin din ang iba kong mga kaklase. Nagtatawanan pa yung iba akala mo naman naiintindihan yung lesson. Tsk.
"Miss Alexis what doe-"
*Riiiiiiiiiiiiiiiiiiiing*
At nag ring din ang bell. Palatandaan na break time na. Nagsitayuan na ang ilan kong classmate. May sinasabi pa si Mr.Black per wala ng nakikinig sa sinasabi niya. Nagsa labasan na yung iba at ang iba naman ay ginawa na ang kung ano anong tema nila sa buhay.