Alexis' POV
Hanggang ngayon ay isang malaking palaisipan sakin kung anong nangyari matapos ang sapilitang pagkuha sakin ng dalawang lalaking yon, kung anong ginagawa ko sa park nang gabing mawala si Luna at kung saan galing ang ilang mga galos sa katawan ko. Feeling ko ay connected ang lahat sa pagkawala ni Luna at kung sino man ang may pakana nun ay malamang ay ginamit lang ako bilang kasangkapan sa plano niyang iyon.
“Ano pang tinutunganga mo dyan? Kumain ka na at umalis. Male-late ka sa school niyo."
Walang ganang sabi ni mama sabay higop sa mainit niyang kape.
“s-sorry po ma."
Sabi ko pero hindi niya ako pinansin.
Tinapos ko ang pagkain ko at naghandang umalis sa bahay.
“balita ko... Patay na kabit ng tatay mo ah?"
Nabigla ako sa tinanong na iyon ni mama.
“m-ma?"
“ang sabi ko, balita ko patay na ang kabit ng tatay mo."
“H-hindi pa naman po sigurado ma."
“oh? Baka sumama na sa tatay mo at lumayas na sila ng lugar na to?"
“Ma! Please namn. Marami na akong iniisip wag ka na dumagdag."
Sabi ko sabay alis sa harapan niya. May mga sinabi pa siya pero hindi ko na iyon naintindihan dahil sa nagmadali akong maglakad palayo sa bahay
Habang naglalakad ako ay naka salubong ko ang isa sa mga school mates ko, si Bella Creston
Hindi siya Basta bastang estudyante lang ng school na pinapasukan ko. Siya kasi ang anak ng head ng school kaya isa sa siya mga notorious na bully sa school. At ang favorite target niya? Walang iba kung hindi ang apple of the eye ng iba pang mga bully na si Luna Grayson.
Hindi naman kami close kaya pinili ko nalang na lampasan siya.
“Hey?"
Tawag niya pero hindi ko pinansin kasi baka may iba siyang tinatawag.
“Alexis? Right?"
Nang marinig ko na ang pangalan ko ay tsaka ko na siya nilingon. Hindi ko maintindihan ang expression ng muka niya at kung anong kailangan niya sakin kaya pinilo kong hintayin siyang makalapit sakin para malaman ko ang kailangan niya.
“kaibigan mo si Luna diba?"
Huh? Anong pake niya?
“oo. bakit? Anong kailangan mo?"
“uhm, gusto ko lang malaman kung may alam ka tungkol dito."
Sabi niya sabay kalkal sa bag niya na tila may hinahanap. Ilang saglit pa ay nakuha niya na iyon at inabot sakin ang isang video camera.
“anong meron dito?"
Nagtatakang tanong ko sakanya.
“kahit ako ay hindi ko alam. Just try to see it for yourself at baka may alam ka."
Wala akong tiwala kay Bella pero dahil sa curiosity ko ay inopen ko ang camera at pinanood ang nagiisang video na naka save dun.
*Video*
“Please tigilan mo sila. Wala silang ginagawang masama sayo... Satin."
Si Luna yung nagsasalita. Pero sino naman ang kausap niya?
Pinagpatuloy ko ang panonood sa video para malaman kung sino ang kausap niya.
“Walang ginagawang masama? Siguro sakin meron pero sayo? Sobra na sila."
“Please... Wag mo silang saktan."
“Buo na ang desisyon ko Luna, tatanggalin ko sila sa landas natin at walang makakapigil sakin kahit ikaw pa... I was created to protect you right? Now, I want them to look what they made us do... It's payback time..."
Hanggang duon lang ang video dahil naputol na ito.
Sino ang kausap ni Luna at ano ang binabalak niya sa mga taong may kasalanan sakanya. Tsaka ano yung sinasabi niyang “I was created to protect you" ano ba siya?
“uhm gimme that."
Sabi sakin ni Bella habang naka pormang kinukuha ang camera niya sa akin.
“Sigurado ka bang kuha mo.to bago mawala si Luna?"
“Yup, and do you know what's weird? Wala siyang kasama sa cr nung time na yan."
Walang kasama si Luna? Eh kanino yung boses na nakikipag usap sakanya?
“I don't understand. Bakit ngayon mo lang pinakita ang video na to?"
Pero may kakaiba akong nararamdaman kanina habang naguusap kami... Parang may nakatingin samin at pinakikinggan ang paguusap naming dalawa...
Nang makarating ako sa school ay nakaramdam ako ng katamaran sa pagpasok kaya pumunta muna ako sa library para tumambay.
Ilang oras din akong namalagi dun at nung mapansin kong oras na para sa third subject namin ay napag pasyahan kong pumasok na.
Habang papunta sa classroom namin ay napadaan ako sa locker ni Luna. Tinanggal na ang ilang nalantang bulaklak dun at ang mga natunaw na kandila. Tanging ilang letter nalang ang natitira at isang...
Chrysanthemum?!
Sinong naglagay nito dito?!
Chloë's POV
Napuno ng tensyon ang buong gymnasium nang mag-umpisang mag away sila Catherine at Alexis. Kahit ako ay hindi na makilala si Catherine dahil sa inasal at sa biglaang pagbabago niya.
Lalapitan ko sana sila para awatin pero...
*Blag!*
Isang katawan ng isang estudyante ang biglang bumagsak sa harapan naming lahat.
Natigilan sila Catherine at Alexis sa pag aaway nila at natulala na lamang.
Lahat ay nakatingin sa bangkay ng isang estudyante na bigla na lamang nahulog mula sa kisame ng gymnasium.
Makalipas ang ilang sigundo ay tsaka pa lamang nag sink in sa mga utak ng mga estudyante na bangkay ang nasa harapan nila.
May mga hiwa ng mga braso na tila mula sa isang matalim na bagay. Nakatahi ang kanyang bibig at at kaliwang mata, wala na rin ang ilan sa mga kuko niya sa kamay.
Isa isang nagsigawan ang ilang mga estudyante at nagsi takbuhan palabas. Nawala ako sa senses ko kaya nanatili akong nakatingin sa bangkay.
Naramdaman ko nalang na may humatak sakin palayo mula doon at nang tignan ko kung sino yun ay nakita ko si Chloë.
Hatak hatak niya ko palabas at nang lingunin ko muli ang pinagmulan namin ay wala na si Catherine sa kinatatayuan niya.
Habang palayo kami ay naalala ko ang itsura ng bangkay na iyon... Sa kabila nang kalunos lunos niyang sinapit ay naalala ko kung gaano siya kaayos nang huli kaming magkita...
Sino ang may gawa non kay Bella Creston?
------------
I'M BACK...
![](https://img.wattpad.com/cover/107359738-288-k237671.jpg)