" Tinapa! Daing! " paulit ulit kong sigaw habang inilalako ko ang natitira ko pang paninda sa mga bahay bahay... Imbes na mag trycycle ako pauwi ay naglalakad nalang ako para makapagbenta pa ulit.
Hindi ko alintana ang bigat ng basket sa kanang kamay ko at bilao sa ulo ko... Aangal pa ba ako eh gawaing halos tatlong taon ko na tong nakasanayang gawin....
Oo nga pala hindi pa ako nakakapagpakilala, ako si Lorenza 21y/o ... . 18y/o palang ako ay tumutulong na ako sa nanay ko sa palengke kakagraduate ko lang den non ng h.s at umaasang makakapag collage. Pero hindi ko nakamtan.
" Coke nga po Aling Betsa " dito ako madalas magpalipas ng oras bago umuwi malapit lang naman pati ito sa bahay namen.
" Ayos ba ang benta, Lorenza? "
Bigla akong napadighay bago sumagot " may natira pa nga po eh, bilhin niyo na Aling Betsa "
" ilan nalang ba yan? "
" tig isang dosenang tinapa at daing pa po ito. "
" osya amina bibilhin ko na "
Ang laki ng ngiti ko dahil nasimot ang paninda ko.. Sulit ang pagod ko sa buong araw na pagtitinda ko.. Ngayon lang kase ulit ako makakauwe ng hindi pa masyadong madilim. Tapos maaasikaso ko pa tatlo kong kapatid...
Oo apat kameng magkakapatid, naiwan sila saken nang namatay ang tatay dahil naaksidente sa konstraksyon at pagkalipas ng isang taon sumunod ang aking nanay sa sakit na TB..
Kaya ako na ngayon ang nagpapatuloy ng hindi naituloy ng aking mga magulang... Sa pagtitinda ko naitatawid sa gutom at pagaaral ang aking mga kapatid..
Kahit wala akong suot na relo tantiya ko ang oras na maaga ako makakauwe ngayon samen, binabagalan ko pa nga ang paglalakad ko eh...
____
" Melinda! " sumunod kong kapatid 19y/o. Siya ang inaasahan kong makakatulong dito sa bahay at sa 2 pa nameng kapatid... Asan si Melay? Si Mark at si Mak lang nadatnan ko...
" A-Ate R-Renza? " para namang nakakita ng multo to si Mark..
" Ang ate Melay niyo? " daredaretcho lang ako papunta sa lababo para ilagay ang mga bitbit ko.
" Huwag ate! " sigaw ni Mark, bubuksan ko na ngayon ang pinto sa banyo ngunit nakalock pero bukas ang ilaw kaya naisip kong si Melinda ang nasa banyo.
Nagsalansan nalang ako ng mga pinggan sa lamesa habang tinanong ko si Mark " bakit Mark? May problema ba? " hindi siya sumagot.
" Hilaw nanaman sinaing ng ate Melay niyo.. Lumapit na kayo rito ni bunso at masarap ang nabili kong ulam " habang sinasalin ko sa mangkok ang sinigang na baboy.
" Hoy Melay! Bilisan mo jan at kakain na! " hindi paden sumasagot pero naririnig ko yung pag agos ng gripo.
" Kain kayong mabuti para lumaki agad at maging matalino. Ikaw Mark, wag mong pababayaang bumaba ang mga grades mo para iskolar ka pa den. At ikaw naman bunso, nang aaway ka rin ba ng mga klasmeyt mo? Pakabait ka a? " tumatango tango lang si Mak.. Si Mark naman akala mong sinisilihan sa pwet, hindi mapakali tapos tingin ng tingin sa pinto ng banyo na akala mong may sopresang lalabas doon.
Uminom ako ng tubig " kanina pa ba nasa banyo ang ate niyo? " napalunok si Mark parang kinakabahan hindi alam kung saan huhugutin ang isasagot. Sa kisame ba? Sa banyo? O sa sinigang na baboy?
" Hindi naman po si Ate Melay ang nasa loob eh " sabe ni Mak.. Tinakpan ni Mark ang bibig ni Mak pero huli na siya..
" Ano? hindi si Melay ang nasa loob ng banyo?? "
" Ah, eh..... A-Ate R-Renza... " nauutal si Mark.
" Si kuya Gerard po ang nanduon. " sumabat nanaman si bunso.. Tumayo ako at nagsalubong ang kilay " Totoo ba yon Mark? " tumango siya kaya dali dali akong lumapit sa banyo...
* TOK! TOK! TOK! *
" Gerard! Gerard! Lumabas ka jan " nakapameywang ako at nanggagalaiti sa galet. Ayaw paden buksan ang pinto kaya bumwelo ako itinulak iyon ng ubod lakas. Pero walang tao sa loob.. Umaawas na ang tubig sa balde dahil sa bukas na gripo. Napansin kong bukas ang maliit na bintana... Dito siguro dumaan ang lalaking yon.. Nanakbo ako palabas ng bahay baka sakaling mahabol at hindi pa nakakalayo ang lalaking yon at sisiguraduhin kong maghahalo ang balat sa tinalupan..
" Hayop kang Gerard ka! Walanghiya! Nakuha mo pang makiligo samen " hindi ko yan sinigaw... Sinabe ko yan sa isip ko.. Dahil ang hayop na lalakeng yon hindi ko na nakita..
Si Gerard ay kaklase at kaibigan kong matalik nung h.s pa kame.. Lage siya pumupunta sa bahay dati kaya parang anak naden ituring ng mga magulang ko nung nabubuhay pa sila.. Kuya-kuyahan na nga nila Melinda damuhong yon eh, vibes na vibes lalo ni Mark at Mak.. Nakakasalo namen sa pananghalian at hapunan, nakikitulog kahit malamok sa salas at nakikiligo kahit hindi nagpapaalam.... Pero iba na ngayon at totoo ang kasabihan na " your bestfriend is your worst enemy. "
Naisip kong bumalik na sa loob ng bahay at mukang nakatakbo na palayo lalakeng yon...
" Ate Renza, kain na. " nasa mesa na si Melay at kumakaen nakatitig ako ng masama sa kanya... Patay malisya kapa ha?? " bakit mo pinatuloy si Gerard?? Tuwing wala ba ako'y ganyan ang ginagawa mong kalokohan? Nakikipaglandian ka sa lalaking yon imbis na asikasuhin ang bahay.. At pinapayagan mo pang makiligo ang gagong yon???! Walanghiya! Walang modo! Ahas! " nasabe ko yan sa isip ko.. Ako lang ang nakakaalam ng dahilan kung bakit galit na galit ako sa gagong yon..
" Tumingin ka nga sa akin " hinawakan ko siya sa baba niya para hindi siya makaiwas saken.
" A-Ate... . "
" Hindi ko kailangan ng paliwanag mo. Malinaw na hindi mo ako sinusunod. Hindi ba't kabilin bilinan kong wag kang magpapapasok ng kung sino sino dito sa bahay natin lalo na pag wala ako "
" Eh, si Gerard naman yon ate. "
" At lalo na sa Gerard na yon! Wala akong katiwa-tiwala sa taong yon, alam mo ba? "
" Ako meron! Meron akong tiwala kay Gerard! " tumayo na si Melay at pumasok sa kwarto niya.. Ngayon lang ako nataasan ng boses ni Melay.. Ngayon lang kame nagkasagutan ng ganon.. Imbes na makipagsigawan ako pabalik sa kanya natahimik ako at ang dalawa kong kapatid ay napatulala sa nangyare.
" Ako meron! Meron akong tiwala kay Gerard! " Naalala ko nanaman sinagot niya sa aken.. " Dahil lang ba sa isang lalaki ay malalamatan ang magandang samahan namen ni Melinda? Tama banf diktahan ko siya pagdating sa lalakeng yon? Tama bang isumbat ko sa kanya ang sinakripisyo ko para lang may makain kame? At makapag aral sila? Ate nila ako. Tatay at nanay na rin. Dapat lang na sumunod sila sa akin. " yan ang nasabe ko sa sarile ko.