Kabanata 6

24.2K 163 0
                                    

Pinagmamasdan ko si Melay habang hinihimas himas ang kanyang malaki ng tiyan.  .. Nakokonsyensya ako, ipinangako ko sa kanya na ipaghihiganti ko siya mula sa lalaking sumira ng kinabukasan niya...



Imbes na ipaghiganti ay sama pa ata ng loob ang maibibigay ko sa kanya pag nabunyag ang pakikipagtalik kay Gerard... At sa tingen ko ay hindi ko na magagantihan ang lalakeng yon dahil natatalo ako ng pagkagusto ko kay Gerard...

Lalo na ngayong nagsanib ang inet ng katawan nameng hinding hindi ko paden makalimutan at hanggang ngayon ay nangangarap na sanay maulit ulit... Inaamin ko namang natukso ako kay Gerard nung araw na pinuntahan ko siya sa kanila para magantihan, ngunit kabaligtaran ang nangyare.. Ako ang nadaig at si Gerard ang nanalo.... " Oh baka ako ang nagwagi dahil naangkin ko si Gerard kahit sandali?? "



" Ate, kung lalaki ang magiging anak ko, ang ipapangalan ko sa kanya ay Roberto, kapangalan ni tatay... At kung babae ay Estrella
na pangalan ni nanay... "



Ngumiti ako sa kanya... " Hindi kaya masyadong makaluma ang mga pangalan na gusto mo? Bakit hindi nalang Robert o Starr imbes na Estrella?  "



" Ayako. Gusto ko isunod talaga sa pangalan nina tatay at nanay.. Parang tribute ko na sa kanila. . " Nangingilid ngilid ang luha ko sa sinabe ng kapatid ko.. Isa pa ay nakukunsensya narin ako sa ginawa kong pagtatraydor sa kanya... Pero hindi pa dapat ito malaman ni Melay, at hindi na dapat malaman pa kahit kailan... Tama na ang minsang pagkakamali.  . Ang isang beses na sama ng loob ay sapat na, tama na at wag na itong dagdagan pa....



Sex OffenderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon