http://facebook.com/iamotcho [ my official facebook page ^_^ kung gusto niyo po akong makita in person V(^_^)V ]
© Otcho
°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°
- Third Person
Napabuntong hininga muli si Lorenza. Tumingen sa kisame at sinapo muli ang noo. Bigla nangitngit muli ang kanyang damdamin.. . Isa lang naman ang dapat na sisihin kung bakit nangyari ito sa kapatid... Walang iba kundi si Gerard... Hayop daw si Gerard.
Ngayon lang niya nareliaze ang nagawang pagtuhog sa kanilang magkapatid nito.. Buti nalang ay may alam siya kahit papaano sa birth control, kahit hindi siya nakatungtong ng kolehiyo alam niya kung paano makakaiwas sa unwanted pregnancy.. Uminom agad siya ng pills na binili sa pharmacy pagkatapos nilang magtalik ni Gerard. Ewan niya kung bakit hindi iyon naisip ng kapatid.. .
Kung tutuusin ay mas matalino naman talaga si Lorenza kesa kay Melinda.. Kung nakapagtapos nga lang ito ng college ay hindi lang sa palengke ang kanyang kinabagsakan kundi baka sa isang malaking kompanya pa sa Makati..
Bigla naisip niyang bakit nga kaya hindi?? Bakit nga kaya hindi magbago ng career. Tapos siya ng highschool at kung makakapag apply bilang sales lady ay matatanggap den siya..
Tamang tama, nakabasa siya minsan sa kanyang paglalakad ng isang anunsyo na nakadiket sa pader. Nangangailangan ng mga saleslady ang isang bagong bubuksan na department store hindi kalayuan sa kanilang lugar.. . Kaya't heto imbes na bayong at bilao ang bitbit ay isang brown envelope na naglalaman ng kanyang biodata at 2x2 pictures ang kipkip sa kilikili..
De make up at nakapusod pa siya ngayon.. Hindi siya makapaglakad ng tuwid sa de takong na sapatos na hiniram pa niya kay Melinda.. Pilit na ibinababa den ang skirt na lagpas sa kanyang tuhod.. Ganon kase ang bilin sa anunsyo... .
Malayo palang ay tanaw na niya ang mahabang pila ng mga aplikanteng babae...
" Miss, dito ba ang huling pila? " tanong niya sa kaharap na babae.
" Oo. "
" Mag aaply ka den? "
" Obyus naman diba? " may pagkataray nitong tugon.
Subalit imbes na magtaray ay huminahon si Lorenza. Binilang pa niya mula sa unahan kung hanggang pang ilan siya sa bilang.. Pang dalawangpu siya.
" Ako nga pala si Lorenza, Renza nalang.. " pagpapakilala niya sa babaeng nagtaray sa kanya.
" Carol. " pagtataray niya.
" Sana matanggap tayo Carol no? "
" Sana nga. Kailangan ko kasing makapagtrabaho agad.. " hindi na nagtataray si Carol. Ok na sa kanya si Lorenza.
" Ako den eh, kailangang kailangan ko ng trabaho ngayon."
____
" Liligawan ko si Akira.. Siya ang babaeng matagal ko ng hinahanap.. Siya yung babaeng mag aahon sa akin ng hirap.. " sabe ni Gerard sa sarili habang nagsusuklay sa harap ng salamin. Pagkatapos mag gel tsaka bitbit ang bunch of roses na binili niya sa Quiapo.. Pasipol sipol na lumabas ng bahay..
" Pareng Gerard, mukang may popormahan ka ah? Sino ba? " usisa ng lalaking tambay.
" Oo nga pare. Pero hindi ko pedeng sabihen kung sino. Alam mo na, baka masulot pa.. "
Sumakay siya sa jeep na pinara.. At sa private subdivision siya bumaba... Kinuwestyon siya ng security guard sa bukanan ng subdivision..
" Sino po ang pupuntahan nila? "
" Kay Akira.. "
" Ano pong pangalan nila? "
" Gerard Aguilar. "
Sa kasawiang palad.. Wala pangalan niya sa guest list..
" Baket nung isang araw pinayagan niyo akong mag house to house? Tapos ngayong bibisita lang ako, hindi na pwede? " angal ni Gerard.
" Noon yon nung wala pang pasabi ang home owner president tungkol sa pagbabawal sa mga salesman na pumasok sa subdivison na to. "
" Eh sino ba ang presidente ng home owner? Sa kanya nalang ako makikipagusap. "
" Si senyora Akira Lombarti.. "
Laking dismaya ni Gerard.. Kahit ano palang pilit niya ay hindi talaga siya makakapasok sa loob... " Paano ko to maibibigay kay Akira?? " palakad lakad siya habang nagiisip kung paano ang gagawin... . Isip. Isip. Isip. . Paroo't parito... .
Kahit ano pa man ang gawen no Gerard ay wala siyang makikitang Akira... . Kasalukuyan kasi itonh mag iinterview ng mga aplikante... .
____
" Number 19! " sigaw ng secretary.
" Ayan ikaw na Carol.. Galingan mo ha? " excited na turan ni Lorenza. Kabadong tumayo si Carol sa upuan at pumasok sa pintuan na nilabasan ng naunang nainterview... .
" Carol Magbanua? " bungad agad ni Akira.. . Nakasulat sa name plate na nakapatong sa kanyang desk ang kanyang pangalan na Akira Lombarti at sa ilalim niyon ay ang posisyon niya sa kumpanya... Siya lang naman ng presidente ng kumpanyang nagtayo ng bagong department store... .
" Number 20! "
Pagkakataon naman ni Lorenza na mainterview.. Nag kasalubong sila ni Carol subalit wala na ang palitan ng ngiti na kanina lang ay kanilang ginawa...
____
Nangaluntoy na rin ang bunch of roses ni Gerard sa kahihintay niya sa labas ng subdivision... Nang magdidilim na'y tsaka lang niya naisipang bumalik nalang... .
____
Si Lorenza ng lumabas sa opisina ni Akira ay tuwang tuwa... Nagtatatalon ito sa tuwa.. Tanggap kase sa trabaho at maaari ng magsimula bukas... Malaki ang nagawa nang pagiging tindera niya ng tinapa at daing kaya natanggap siya..
Bilang saleslady, kailangan ng abilidad sa pagharap sa maraming tao at hindi na iyon iba kay Lorenza... Kailangan den daw na may experience sa sales, si Lorenza ay halos 4 na taon ng saleslady, yun nga lang sa palengke...
End of Third Person's POV -