Tuwing nakikita ko ang anak ni Melay sa pagkadalaga, ay hindi ko magawang hindi kasuklaman ang ama neto... Habang hinehele ko ang baby ay talagang nakikita ko ang pagkakahawig nila ni Gerard.. .
"Hayop ang ama mo." sabe ko sa sanggol na himbing na himbing sa pagtulog.. "Akala ko ay mabuti siyang kaibigan.. Hindi pala."
"Ate, akin na si Estrella ko." sabi ni Melay na kakalabas lang ng banyo.
"O ayan!" padabog na ibinigay ko sa kanya ang bata at papasok na sa kwarto..
"Baket kaya baby? Alam mo ba kung bakit naiinis ang tita mo?" narinig ko pang sabe ni Melinda habang tumalikod ako papuntang kwarto.
*BOG*
Naisara ko ng pabalibag ang pinto atsaka dumapa sa kama... Umiiyak! "Mahal na mahal kita Gerard pero anong ginagawa mo? Tinuhog mo lang kaming magkapatid." sinusuntok ko ang unan at walang tigil na umiiyak.
" Ate, baket?" tanong ni Melay pagkabukas ng pinto.. . Masyado sigurong malakas ang pagiyak ko kaya narinig niya mula sa labas.
Agad akong nagpahid ng luha para hindi mahalata ni Melay. "Wa-wala to."
" Ano bang wala eh ayan at pwede nang pigain sa sobrang basa ang punda dahil jan sa kakaiyak mo."
"Wag mo na akong alalahanin. Matulog na kayo ni baby. . Sige na!" dahan dahan naman niyang inihiga sa crib ang baby at humiga naden si Melay..
" Ate okay ka lang ba talaga?"
"Okay lang talaga ako.. Matulog na tayo at maaga pa ako bukas."
____
Everyday Department Store... . .
Kakabukas palang at wala pang gaanong mga tao.. . Nagsasalansan ako ng mga bagong dating na ladies shoes sa estante..
"Miss, may size 6 ba kayo neto?" sabe ng isang babaeng tinuturo ang display na sapatos... Teka parang kilala ko to! Si Ano. Si si.. .
Tama.. . "Ca-Carol?"
"Lorenza?" tama si Carol nga. Hindi mo agad makikilala kase ang sexy at ang ganda na niya lalo.. Hindi na siya mukang simple tingnan.
"Kumusta na ang nanay mo?"
"Magaling na siya.. ." saka ko lang napansing naka hanging blouse siya kahit na naka jeans.
"Nagkatrabaho kana den?"
"Oo." maikling sagot niya saken.
"Honey, may napili kana bang shoes?" bungad ng kararating lang ng matandang lalaki na agad na umakbay sa kanya. Kaya naintindihan ko agad na hindi siya ang tatay ni Carol.
Tinapat naman ni Carol ang bibig niya sa tenga ko.. "Siya ang dahilan kung bakit gumaling ang nanay ko.. Mayaman kase siya, kusang lumapit saken, sabe ko pera na to. Kaya kahit may asawa at anak na ay pinatulan ko na." bulong na sabe sa aken.
Napanganga ako sa sinabe niya. "Ganyan ka naba ka desperada ha? Pumatol ka sa matanda? Ano nalang ang iisipin sayo ng ibang makakakita sa inyo? Kabet ka, ganon?"
Hindi na niya ako sinagot at.. "Honey, pwede sa iba na lang tayo bumili ng shoes?" habang nakayakap sa lalake.
"Alright!" sabe nung matanda at umalis na.. Si Carol naman hinabulan ako ng pag irap. Problema ng babaeng yon? Sinabe ko lang naman ang gusto kong sabihen... .