Ilang araw akong hindi makakain at hindi makausap ng matino. Araw-araw na akong napapagalitan nila mama dahil hindi ko na naalagaan ang sarili ko. Na baka imbes na si Dominic lang ang problemahin ay dumadagdag pa ako. Hindi ko naman kayang kalimutan na lang ang lahat-lahat kaya sa pag-iyak ko na lang nailalabas ang sama ng loob ko.Pagkatapos ng insidenteng 'yon, na kung saan ay nalaman kong may iba na siya at kinalimutan na ako ay hindi na ako nagbukas pa ng facebook o kahit na anong social account ko.
Gusto ko nang magmove-on sa sakit na nararamdaman ko kaya napagpasyahan kong sa araw na ito ay hindi na ako iiyak. Halos dalawang linggo rin kasi akong nagmukmok sa loob ng kwarto at hindi makausap ng matino. Itong araw na ito ang magsisilbing new life ko. I need to start again. Naisip kong dito ko na lang tapusin sa Canada ang pag-aaral ko pero nakakapanghinayang dahil konting buwan na lang sana ay makakapagtapos na ako. Hindi ko man makasabay grumaduate sila Micah at Apple ay proud na proud pa rin ako sa kanila. Minsan ko na lang din sila macontact dahil busy sila masyado sa pag-aaral.
Dali-dali na akong gumayak at nagpunta na ng hospital. Ilang buwan na ring nakaratay doon ang kapatid ko. Wala pa ring progress pero sana magising na siya dahil miss na miss ko na ang kakulitan at kalokohan niya. I really miss him lalo na't over protective siya. Siguro kung gising lang siya ay baka nabugbog niya pa 'yong gagong 'yon dahil sa panloloko sa akin.
Napangiti na lang ako ng mapait at sinabi na lang sa sariling hindi ko na dapat siya isipin dahil hindi naman na ako ang laman ng puso't isipan niya.
Ilang araw, linggo, buwan at taon ang lumipas. Kung susumahin ay tatlong taon na akong nandito sa Canada. At ang good news sa pagstay namin dito ay nagising na ang kapatid ko at nakapagtapos na ako nang pag-aaral. Mahirap ang dinanas namin dahil muntikan nang mawala si Dominic dahil na rin sa kulang na ang pera namin. Ngunit laking tuwa namin at hindi siya basta sumuko kaya hindi kami nawalan ng pag-asa kaya't ngayon ay maayos na ang lahat.
Isang linggo na lang ay babalik na kami ng Pilipinas. Paano ba naman ay magpapakasal na pala ang pinsan ko kaya kailangan naming umuwi. Ayoko na sanang bumalik pa sa bansang iyon ngunit wala naman akong magagawa dahil sa Pilipinas naman talaga kami nakatira.
"Kassandra, you should pack your things." My mama told me. I almost rolled my eyes on what she said.
"Mama, we still have one week. Bakit ba kayo nagmamadali?" Excited masyado tong si mama ah.
She just shrugged and continued saying some things like 'we need to hurry' 'i-m so excited' 'i miss my amigas' and many more. Halos marindi na nga ako sa sunod-sunod na pagtatalak niya eh.
Hinayaan ko na lang siya at itinuloy na ang ginagawa kong business. Online business I should say. Dahil tamad naman ako at wala pa sa isip ko ang mag-apply sa kompanya ay ito na muna ang pinagkaabalahan ko pero baka sa Pinas na ako mag-aattempt na mag-apply sa malalaking kompanya.
Mabilis lumipas ang mga araw, hindi na namin namalayan, at heto na ang piunakahihintay nila mama, ang makauwi na kami sa Pinas.
Kinuha ko na lahat ng gamit ko at isinilid na sa lagayan ng gamit. Konting oras na lang ay makakaapak na ulit ako sa lugar kung saan una at huli ko siyang nakita. Sa lumipas na tatlong taon ay wala akong naging balita tungkol sa kaniya. Iniwasan ko lahat ng taong malapit sa kaniya kaya hindi ko alam kung sila pa ba nung girlfriend niya o baka nga kasal na sila at may mga anak na.
Hindi ko napigil ang sakit na dumaan sa dibdib ko. Kahit sabihin kong nakapagmove-on na ako ay alam ko naman sa sarili kong may nararamdaman pa rin ako sa kaniya. Hindi nga nawala eh. Nandoon pa rin 'yong pagmamahal ko sa kaniya ngunit may kasama ng galit.
Umidlip muna ako ng ilang oras dahil mahaba-haba rin ang biyahe namin. Nagising na lang ako na pababa na ang sinasakyan naming eroplano. Hindi ko alam kung sino ang nagseatbelt sa akin.
![](https://img.wattpad.com/cover/37507548-288-k312856.jpg)
BINABASA MO ANG
Seducing Him BOOK1&2 (R18)
Ficción GeneralThis story is for 18 years old and above. Under Revision. Book 1-Seducing My Hot Professor Book 2-Seducing My Hot-Tempered Boss